Chapter 10

2.4K 109 3
                                    

Pagkatapos magbigay ng pahayag sa mga pulis, ay dumiretso sina Dane at Christie sa klinika para magpa medicolegal. Mugto pa ang mga mata ni Christie na ihahabla si Alex sa salang kidnapping at sexual assault. Sinundo siya ng nanay niya matapos ang procedure. Niyakap na lang siya ni Dane bago sila magkahiwalay.

"Ihahatid na kita sa inyo," saad ni Kyle na tinapik pa si Dane upang makuha ang atensiyon nito.

"Okay lang ba?"

"Oo naman."

"Huwag mo na lang banggitin kay Elaine ang nangyari."

Tumango si Kyle. "Okay ka na ba talaga?"

"Nawawala na ang epekto ng pinaamoy nila sa akin."

"Pwede ka naman tumigil sa bahay eh."

"Huwag na. Maaabala ka pa eh."

"Kung ikaw naman ang mang-aabala sa akin, okay lang," masiglang saad ni Kyle.

Sandali namang natigilan si Dane at napangiti. Gusto niyang basahin ang isipan ni Kyle, pero ayaw niyang gawin.

"Pasensiya ka na. Luma na 'tong kotse." Ngumiti siya. "Galing pa to sa daddy ko. Regalo niya sa'kin nang mag 18 ako at makuha ko ang driver's license ko."

"Tinatanong ko ba?"

Sumimangot si Kyle.

"Joke lang." Payak ang tawa ni Dane.

"May pagka pilyo ka pala."

"Ikaw naman prim and proper."

Tiningnan ni Kyle ang telepono nang makaupo sa driver's seat. Si Dane naman ay nakatitig sa kanya, sa mukha ni Kyle at sa kabuuan nito. Gwapo si Kyle, at naiinis si Dane na ang bait nito. Binaling na lang niya ang tingin sa labas ng bintana.

"Gusto mo mag-snacks muna?" tanong ni Kyle.

"Ha?" Kunwari hindi niya narinig.

"Snacks." Lumitaw ang magagandang ngipin ni Kyle nang bahagya siyang natawa, bagay na nagpakilig sa kasama niyang kinukubli ang nararamdamang tensiyon. "Lumilipad yata ang isip mo." Winagayway ni Kyle ang kamay sa harap ni Dane.

"Snacks?" Medyo nataranta si Dane kasi nahuli siya ni Kyle na nagde-daydreaming. "Oo naman."

Lumakas ang tawa ni Kyle. "Okay ka lang ba talaga? Gusto mo bumalik tayo sa clinic?"

"Oo naman. Magdrive ka na."

"Sana makulong na ang mga hayop na yun," saad ni Kyle bago paandarin ang kotse.

"Sana nga." Bumuntong-hininga si Dane. "Kapag nakita ko ulit sila..." Hindi niya tinuloy ang sasabihin.

"Magtatransform ka tas raratratin mo sila?" Natawa ang nagmamaneho.

Hindi makasagot si Dane.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyari sa loob. Sabi ng mga witnesses may explosion daw. Pero wala naman kayong mga sugat nina Christie na dapat natamo niyo sa pagsabog."

"Hindi ko rin alam." Hindi talaga niya alam kung ano ang nangyari. "Pero ikaw, pa'no mo kami natunton?"

Ngiti ang sagot ni Kyle.

"Oy tinatanong kita."

"Huwag mo akong ma oy oy diyan ha. Mas matanda ako sa'yo."

"All right, big bro."

"Shut up," pabiro niyang saad.

"Pa'no ka nga nakarating dun kina Brett?"

"Nagpakita ka kasi sa akin na parang isang angel na kelangan irescue."

QUEERWhere stories live. Discover now