Chapter 18 (David)

1.7K 115 35
                                    

Nakasimangot si Dane. "Sigurado ka?"

"Ilang taon kong tinatanong ang sarili ko. Sabi ng mga nag-rescue sa akin, imposible raw na makaligtas ako dahil wasak na wasak ang kotse. Isang milagro daw na nakaligtas ako."

"Hindi mo ba maalala kung paano ka nakaligtas?" tanong niya na parang di nag-iisip.

"Hihiling ba ako sa'yo kung alam ko na?"

"Easy ka lang. Galit ka naman agad eh."

"Boplaks ka rin kasi mag-isip eh."

"Shut up. I'm starting to probe your mind," saad niya. Naramdaman ko na naman na parang may mga karayom na tumutusok sa ulo ko.

Bumuntong-hininga siya, tumingala, at nagkibit-balikat.

"Ano?" tanong ko.

"Hindi ko makita."

"Wala palang kwenta yang powers mo."

"Siguro nakatago."

"Ano?"

"Lagi ka kasing absent sa psych natin."

"Ano naman ang kinalaman nun?"

"Kahit papano may natututunan ako tungkol sa kakayahan ko dahil sa psychology."

"Tulad ng?"

"Tulad ng tungkol sa repressed memories."

Dapat talaga hindi ako masyadong umaabsent. Wala tuloy akong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya. "Anong repressed memories?"

"Ayon sa mga nabasa ko, kapag dumaan tayo sa isang traumatic experience, one way for our brains to cope is to repress the memories." Mahinahon ang boses niya. Kapag nagseseryoso si Dane, hindi mo iisiping ungas at bully siya.

"So ano nga yung repression?" Hindi ko pa rin kasi maintindihan.

"Isa raw itong defense mechanism ng utak." Habang nagsasalita si Dane, unti-unting dumilim ang paligid. Sa una, akala ko, takipsilim na. Pero mabilis ang pagdilim ng paligid. Hanggang sa wala na akong makita. "What the fuck is going on?"

"Ibig sabihin tinatago ng utak mo ang masasakit na alaala para protektahan ka." Nasa tabi ko lang pala siya. Nakatayo kaming dalawa sa maitim na kawalan.

"Bakit madilim?" tanong ko.

"Wait." Unti-unting nagliwanag ang paligid. "Di ba gusto mong makita ang repressed memory mo ng aksidente?"

"Oo."

"Kaya kumalma ka kasi papasukin kita."

"Papasukin mo ako?" Iba ang pagkakaintindi ko ah. "Sige, tapos papasukin din kita. Aray!"

"This will hurt, David."

"Kakayanin ko."

"Wala ka namang choice. Kapag pinasok kita, masakit talaga. Masasanay ka rin."

Kung kanina parang may mga karayom sa ulo ko, this time parang hinihiwa ang ulo ko sa sakit.

"Tiisin mo ang sakit, David."

Ilang sandali pa nawala ang sakit. Parang gumagalaw ang katawan ko. Parang nanaginip ako. Nasa likod ako ng kotse na matuling pinapatakbo ni dad. Nag-aaway sila ni mommy na nasa passenger's seat sa harapan.

"You can't take him there!" sigaw ni mommy kay dad.

"We need to know what's wrong with him, Christine!" sigaw rin ni dad.

Nilingon ako ni mommy. Umiiyak siya at balisa. "Mom?"

"Charles, we haven't talked this through yet."

QUEEROù les histoires vivent. Découvrez maintenant