Chapters 24 and 25 (The Others)

1.8K 92 24
                                    

Chapter 24

Nagkukumahog si Dane habang papasok sa hospital. Agad niyang hinanap ang silid kung nasaan sina David. Nadatnan niya itong nakaupo sa tapat ng emergency room. Inasahan niyang susumbatan siya nito. Nilapitan niya ito. Umupo siya sa tabi ng binata at nagsalita. "I should have listened to you."

Hindi sumagot ang binatang mugto ang mga mata at namumula ang ilong. Nakatitig lang siya sa pinto ng emergency room.

"Kumain ka na ba?"

Hindi pa rin sumagot si David.

Bumuntong-hininga si Dane. Wala siyang maisip na mainam na sabihin para kalamayin ang loob nito. He rubbed David's shoulder and kept his hand there, hoping David wouldn't shake his body in refusal.

"Galing ako sa bahay mo. I left food for Alice, but I don't know if she could eat it because I had no way to get it indoors."

Wala pa ring imik o kibo si David kaya hindi na rin nagsalita si Dane. Naroon lang siya kung sakaling kailanganin siya nito. Masalimuot ang pagkakaibigan nila ni David. Ni hindi niya maintindihan kung magkaibigan ba sila o ano. Ang tanging nagbuklod sa kanilang dalawa ay ang kanilang pambihirang kakayahan. Mayroon silang pagkakatulad. Pareho silang makasarili. Pareho silang suwail. Pareho silang palaban at ayaw paapi. Ngunit magkaiba ang kalagayan nila at ang mga pananaw nila sa buhay. At sa wari ni Dane marami pa silang dapat maintindihan sa isa't isa kung tuluyan silang magiging magkaibigan.

A thought came to him. Just because they both had powers wasn't enough of a reason for him to keep him as a companion or a friend. Maybe they weren't meant to be friends. Maybe it was better if they just let each other be, because they were like a volatile pair.

At dahil napagtanto niyang mas makabubuting hayaan na lang nila ang isa't isa, nagpasya siyang umalis. Dalawang beses niyang tinapik ang likod ni David, tanda na aalis na siya at ayaw na niyang abalahin pa ito.

"Kagabi ko pa siya hinahanap. Nang makabalik ako sa kanila kanina lang, duguan siya. Binalik daw siya ng mga dumukot sa kanya. Her name is Hannah," saad ni David bago makatayo mula sa kinauupuan si Dane na napalingon sa kanya. "I met her three years ago. I paid her for sex. Prostitute kasi siya." Nanatili siyang nakatingin sa pinto ng ER.

"Isang beses lang kaming nag-sex kasi naging magkaibigan kami, at naroon siya noong namatay ang mga magulang ko. Dinamayan niya ako. Naging mas matalik kaming magkaibigan. Nakilala ko ang mama niya, si Auntie Jane, na may sakit sa pag-iisip. Naging pamilya ko na sila simula nung maging ulila ako."

Lalong nakonsensiya si Dane sa mga narinig. Tahimik lang siya habang magkadikit ang kanyang mga kamay. Hinayaan niyang magsalita ang katabi.

"Tutol siya na pumasok ako sa pagtutulak ng droga dahil marami na siyang kilalang namatay, napatay ng mga pulis o ng kalabang hit men. Pero wala rin siyang nagawa kasi wala rin naman akong mapagpilian." Yumuko si David.

Nanibago si Dane sa kanya. Hindi siya ang karaniwang maangas, mapang-asar, o bugnuting ungas na kilala niya.

"Tutol din naman ako sa pagbebenta niya sa sarili niya, pero gaya ko wala rin naman siyang choice, at wala rin akong solusyon sa problema niya." Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi kami kagaya mo na okay ang buhay."

Bumuntong hininga si Dane. "Marami ka pang hindi alam tungkol sa'kin," malumanay niyang tugon, "kaya huwag mong sasabihin yan."

"Gusto kitang sisihin." Diniin niya ang hawak sa dulo ng silyang kinauupuan. "Gusto kitang sigawan, sapakin, pero pagod ako, Dane. Gusto kitang tanungin kung bakit... gusto rin kitang maintindihan, pero siguro sa ibang araw na lang." May lumbay sa tono ng kanyang pananalita. "Hindi ka na dapat nag-abala. Umuwi ka na. Baka hanapin ka ng nanay mo. Pakisabi nga pala sa kanya sorry sa inasal ko kaninang umaga, hindi na mauulit."

QUEERWhere stories live. Discover now