Chapter 13 (Dane)

1.8K 122 28
                                    

Humagulgol ako habang naglalakad sa sidewalk papalayo sa hospital na 'yun. Sinabunutan ko ang sarili ko. Anong nangyayari sa akin? Ano 'yung narinig kong boses? Nagiging demonyo na yata ako. May napatay na naman yata ako. Pero hindi ako 'yun. Hindi. Hindi!

"Are you okay?"

Napaangat ako ng tingin sa isang estrangherong babae. "Wala, wala... I'm fine."

"Are you sure?" Bakas ang pagkalito sa mukha niya.

"Yes..."

"I'm..."

Hindi rumehistro sa tenga ko ang sinasabi niya.

"I can help..." dagdag pa niya.

"I don't need your help," sagot ko. "I just want to be alone."

"Okay. Here." Inabot niya ang calling card niya. "If you need anything, I'd be around."

Binulsa ko ang calling card niya, at nagpatuloy ako sa paglalakad. Tama si Elaine. Hindi ko dapat ginagamit ang kaabnormalan ko. May sa demonyo itong kakayahan kong ito. Dinial ko ang number ng nanay ko, pero hindi siya sumasagot. Ilang beses ko siyang tinawagan pero nagriring lang ang telepono niya.

Tulala ako habang naglalakad. Wala akong direksiyon. Kinakabahan ako. Nag-aalala. Baka biglang may humuli sa aking pulis. Baka biglang may bumaril sa akin. Nakakabingi na naman ang ingay sa ulo ko. Kailangan magawan ko ito ng paraan. Hindi pwedeng sa tuwing tuliro ako ay binibingi ako ng mga ingay sa ulo ko.

Pasado alas diyes na ng gabi. Ramdam ko pa ang ingay ng lungsod -- ang ingay ng mga sasakyan, tawanan ng mga tao, musika sa mga radyo at telepono. Hindi ako sumakay ng bus o ng kung ano. Gusto kong maglakad. Mas mapapanatag ako kapag naglalakad. Mas nakakaisip ako.

Tumunog ang telepono ko. Tumatawag si Kyle. Hindi ko muna sinagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad. I missed dinner. Nagugutom ako. Pero mas pagod ako. Umupo ako sa isang bench kung saan umuupo ang mga taong gustong magpahinga o maghintay ng masasakyan. Habang nakaupo ay natanong ko ang sarili ko kung saan ba ako pupunta. Uuwi ba ako? O makikitulog sa isang kaibigan? Wala akong maisip puntahan kundi si Kyle. Hindi ko pwedeng abalahin si Christie dahil malamang dinaramdam pa niya ang pangyayari nang nakalipas na umaga. Bukod pa riyan sa mga bagay na nais kong isumbat sa kanya. May kailangan kaming pag-usapan sa ibang pagkakataon.

Pero bago pa man masagot ni Kyle ang tawag ko, nakaramdam ako ng labis na kirot sa ulo. Parang hinihiwa ang bungo ko. Napadaing ako. Napahawak ako sa ulo ko. Napasigaw ako. May boses na sumisigaw sa utak ko, isang pamilyar na boses na tila humihingi ng saklolo. Matalim ang tili na pinakawalan ng kanyang diwa na humila rin sa diwa ko.

Ramdam ko ang labis na takot. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Dinig ko ang sigaw ng utak niya na nais niyang mabuhay, pero ironically alam kong iniisip niyang ito na ang katapusan.

Hindi ko nilabanan ang psychic impression na 'yun. Bagkus, hinayaan ko itong sakupin ang utak ko. "Nasa'n ka?" tanong ko sa kung sino. Di ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin na parang nasusuklam sa isang palaboy na baliw.

Ginala ko ang tingin. Ilang sandali pa ay sumingap ang mga ususero. Ang kanina'y nakamasid sa akin ay nakatingala, nakatitig sa isang eroplanong nasusunog sa himpapawid. Nalilito ako. Kung sinuman ang humihingi ng saklolo, nasa labas siya, hindi nasa loob ng eroplano kasi nakikita ko ang nakikita niya, at ang nakikita ko ang likurang bahagi ng eroplanong nasusunog, nawawasak. May hindi ako maintindihan. May kakatwa. Hindi siya nahuhulog mula sa eroplano ang taong iyon. Nakalutang siya. Nakalutang siya?

Agad akong sumakay ng taxi. "Sundan natin 'yun!" Tinukoy ko ang eroplanong nagpagewang-gewang sa ere.

"Are you nuts?" tanong ng taxi driver.

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon