Chapter 48 - Labyrinth

1K 56 9
                                    

"Ano?" Tumawa si David habang nagkakamot sa ulo. "Tinext ka ni Hannah?"

"Hoy, huwag mo akong tinatawanan. Nagmadali akong pumarito kasi akala ko napano ka na. Ni hindi pa ako nakapagmumog."

"Sorry na." Lumapit si David sa kanya at nilambing siya. "Ang totoo niyan ako ang nagtext sa'yo."

"Ha?" Napasimangot si Dane na tinago ang kilig na naramdaman habang hinihimas siya ni David sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan.

"Namiss kasi kita." Hinalikan ni David ang pisngi ni Dane.

"Ikaw kasi iniimbita kagabi sa bahay aayaw-ayaw ka."

"Nagsisisi na nga ako eh."

"Teka." Ginala ni Dane ang tingin sa loob ng bahay. "Nag-ayos ka ba ng bahay?"

"Oo, para naman hindi mo na ako asarin."

"Nasaan si Alice?"

"Nandiyan lang yun sa labas."

"May dapat ka palang malaman tungkol kay Kyle."

"Huwag mo na banggitin yung bwisit na yun."

"Kagaya natin siya."

"Oo, alam ko."

"Ano?" Muntik nang mapatayo si Dane sa kinauupuan. "Paano?"

"Bago siya pumunta sa inyo, nag-away kami kasi nahuli ko ang sasakyan niya diyan sa labas."

Sandaling nag-isip si Dane. "Isa siyang secret agent katulad nina Chiara."

"Pero iba yata ang organisasyon ng mga mokong. Dalawa silang nagmamanman sa atin."

"Malas nila at tayo ang pinagtripan nila."

"Tama." Ngumisi si David sa kanya. "We're untouchable."

Tumawa si Dane. "Ang yabang. Pero tama ka."

"Niligpit mo na ba siya?"

"Grabe ka naman. Binantaan ko lang na kapag naramdaman ko siya sa malapit malalagot siya."

"Dapat niligpit mo na para wala ng asungot."

"Yan! Tapos sinasabi mong may sa demonyo ako." Hinampas niya si David ng throw pillow.

Naghampasan sila ng throw pillow. Ang hampasan ay nauwi sa halikan. Ang halikan ay nauwi sa hubaran. Ang hubaran ay nauwi sa mainit na tagpo. Gaya nang naunang pagtatalik nila ay tinangay na naman ng kanilang pagiging isa ang kanilang mga diwa sa kung saan.

Nakalutang ang hubo't hubad na katawan ni Dane sa gitna ng mga makislap na bituin at makukulay na mga ulap sa kalawakan.

"Dane!" sigaw ni David mula sa kung saan.

Hinanap niya ang pinanggalingan ng sigaw. Naglakbay ang kanyang imahe sa pagitan ng mga makislap na tala hanggang sa makita ang lalaking nakatalikod. Gaya niya ay wala rin itong saplot. "Nandiyan ka lang pala."

"Dane, help me!"

Napalingon siya. Napasimangot. Hinahanap niya ang pinanggalingan ng sigaw. Subalit bago makagalaw ay hinawakan siya ng lalaki sa balikat. Nang lingunin niya ito ay nakamaskara ito. Napangiti si Dane. "Anong gimik 'to?"

Ngumiti ang nakamaskara bago halikan si Dane.

"Dane, I am here!"

Bumitaw si Dane. Napalingon siya sa pinanggagalingan ng boses. "David?" Ginala niya ang tingin, pero di niya makita kung sino ang sumisigaw. Nilingon niya ang lalaking humalik sa kanya. Tinitigan niya ito at napagtanto niya... "Who are you?"

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon