Chapter 5

4.1K 169 12
                                    

Ben Jordan as Dane Walker

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ben Jordan as Dane Walker

(I don't own the photo. Photo belongs to its rightful owner. No copyright infringement intended.)

Note: Thanks kina GlennVenancio, bonafidejovie, at leicestercloud. Pasensiya na sa typos kung meron. Point them out sa comments para ma-edit ko. No time to proofread. Nagnanakaw lang ako ng oras in between work skeds to write this. Laban lang!

-------

"Oo," sagot niya sa interrogating officer, "kilala ko sila."

"Pwede mo bang sabihin kung sino sila?" tanong ulit ng pulis.

"Mga kaklase ko sila. Alex at Brock. I don't know their last names. Hindi ko kilala ang isa."

"Sila ba ang tinutukoy mo?" Pinakita ng pulis ang pictures ng tatlo.

Tumango ang nakaratay sa kama ng ospital.

"The other one was out of his mind." Malamig ang titig sa kanya ng pulis. Halatang wala itong pakialam sa kalagayan niya.

"Anong nangyari sa kanya, sir?" tanong ni Dane na pilit bumabangon.

"Wala sa sarili. He was admitted to a psychiatric ward this morning."

Napaisip ang binata.

"We'll keep in touch." Inayos ng pulis ang suot na sombrero at lumabas ng silid kasama ang isa niyang kasama.

Pumasok si Elaine. Nakabuntot sa kanya ang nurse na may dalang pagkain at tubig. Kinuha niya ang food tray. "Ako na ang bahala." Nginitian niya ang nurse bago ito umalis ng silid. Nilapag niya ang tray sa mesa sa tabi ng higaan.

Gustong bumangon ni Dane, pero masakit pa rin ang katawan niya.

"Ako na," saad ni Elaine. "Ayoko sana papasukin ang mga pulis dito dahil kakagising mo lang. Hindi pa nga tayo nakapag-usap tungkol sa nangyari kagabi." Hindi tiningnan ng ginang ang anak. "Ililipat kita ng kolehiyo."

"Elaine..." Minsan tinatawag niya ang ina sa pangalan nito, gaya ng gawi ng maraming Amerikano.

"Kaya ayaw ko na sumali-sali ka ng mga school organizations."

"Wala namang kinalaman 'to sa school org."

"Dane, I'm sending you to college because I want you to have a normal life. I want you to be just like everyone else."

"What are you..."

"Ano'ng nangyari kagabi?"

"Kakasabi ko lang kanina sa mga pulis." Hindi niya maintindihan kung maiinis o maiiyak. "Kita mo naman sa itsura ko."

"One of them mysteriously went" -- humarap ang ginang sa anak, seryoso ang itsura -- "crazy. And only you--"

"You think I did it!" Ang dapat sana'y sigaw ay naging taghoy dahil sa sakit ng katawan.

QUEERWhere stories live. Discover now