Chapter 62 - Ramifications

871 56 17
                                    

Ilang araw kaming nagpagaling ni David sa medical facility ng ISA. Sa tagal ng nilagi namin doon ay marami kaming napag-alaman. Isang linggong walang operations ang pasilidad dahil sa pag-aayos ng mga nasira. Karamihan sa mga guards at staff walang alam sa nangyari. Burado na lahat CCTV records. Kung may mga nakakaalam sa nangyaring mass mind control, iilang high tier agents lang, tulad nina Catalina, Morgan, Kyle, at Maggie.

Malawak ang reading area sa third floor ng isa sa mga gusali ng headquarters. Dahil salamin ang dingding ay matatanaw mo ang malawak na desyerto sa labas. Napaka- desolate na lugar. Hindi ko maintindihan kung paano natitiis ng mga narito ang lugar na ito. Masyadong malayo sa kabihasnan.

Pero walang nagbabasa sa reading room. Abala ang marami matapos ang sabi nilang unang invasion sa headquarters. Ako lang ang nandito. Nag-iisip ako nang malalim.

"Hoy, Dane Walker!" Bigla niyang tinapon sa akin ang mansanas na kanina pa niya hawak.

Agad ko naman itong nasalo. "Pinalabas ka na?"

"Ayoko dun. Nilalandi ako nung nurse nila." Matindi ang pinsalang natamo ni David kaya kailangan niya munang mamalagi sa wheelchair.

"Malandi ka rin naman kasi!" Tinapon ko pabalik sa kanya ang mansanas.

Kumagat siya at ngumuya. "Kelan ka babalik ng Seattle?"

Nabigla ako sa tanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot. At bago ako makasagot may lalaking lumapit sa amin na agad ko namang namukhaan. May edad na rin siya. Nakasalamin. Sa haba ng manggas ng coat niya ay mga daliri na lang niya ang nakausli.

"How are you, boys?" Kahit confident ang tono ng boses ni Director Rod Siler, halata pa ring nawindang siya sa mga pangyayaring hindi niya inasahan.

"No, Director Siler." Lumingon ako sa kanya. "How are you? I heard you had nightmares. Did he get into your mind?"

Peke ang ngiting pinanatili ni Rod. Para bang tinatantiya niya ako bago sumagot. "Thanks for your concern, but I'm fine now."

"I don't want to be rude, but I'm still blaming you for keeping a monster." Binaling ko ang tingin sa desyerto.

"It's my duty to neutralize threats--"

"Why didn't you just kill him? He made my life miserable. He almost got me and David killed! And he put all of your lives at risk! Now talk about neutralizing threats!"

"I'm taking responsibility for my mistakes." Nanatiling mahinahon ang direktor. "The truth is the reason I kept him alive was because I thought he was the key to finding more people like yourselves." Tiningnan niya kaming dalawa ni David.

"Narinig na namin 'yan," sabat ni David. "Hindi kayo ang unang beses na gustong kumuha sa amin."

"But unlike all the others, we're the only ones who are taking our job seriously."

"What job?" Naiirita pa rin ako sa kanya. Nakakainis kasi ang hinahon niya, nakakadyahe tuloy siyang sigaw sigawan kasi nagmumukha akong freak.

"The job of helping people like Kyle or you David."

"We don't need your help." Nasabi ko lang ito dahil galit pa ako kahit na ang totoo ay nagdadalawang-isip ako. Nilingon ko si David para sana makita ang pagsang-ayon niya, pero...

"Dane, kasi..."

"Dane," singit ni Rod Siler, "habang nag-uusap tayo ilang libong taong katulad ninyo ang nasa kalye dahil pinalayas o kinukutya o binubugbog. Marami sa mga superhumans ay pinapatay. Biktima ng hate crimes. May mga naririnig na naman siguro kayong mga balita. Hindi ito nirereport ng media dahil ayaw ng gobyerno na malaman ng marami ang tungkol sa inyo."

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon