Chapter 19 (Dane)

2.2K 107 42
                                    

Nagsisimba kami ni Elaine tuwing linggo. Sa tingin ko isa sa mga dahilan kung bakit nagsisimba siya ay upang kahit papaano malunasan ang kung anong sa tingin niya ay di tama sa akin. Naging pala simba kasi siya pagkatapos nang mga nangyari sa akin walong taon na ang nakalipas. Over the years, naging habit na rin niya. Nagkaroon na rin siya ng church friends na minsan iniimbita kami sa mga gatherings.

I've always thought there was something creepy about church goers. Minsan hindi ko sinasadyang makita ang kalokohan ng marami sa kanila. Marami sa kanila may extramarital affairs. Ang ilan may maruming nakaraan. Ang iba mga salbaheng matapobre na kung makabigkas ng salita ng Biblia akala mo kay babanal. Isang pangit na halimbawa si Mrs. Giddings na kausap ni Elaine pagkatapos ng misa.

"I heard your son was admitted to Seattle University," saad niya kay Elaine.

"He's one of the lucky few," sagot din ng nanay ko.

"Actually," sabat ko, "I studied to make sure I passed the admissions test."

"You certainly did, young man," sagot niya.

Siniko naman ako ni Elaine. Ibig sabihin umayos ako.

"My son and I had to choose between Yale and Harvard," pagpapatuloy niya. "Marami siyang natanggap na invitations from different universities."

"Good for him." Plastik din 'tong si Elaine eh. "He's such a brilliant kid."

"Yeah, right," bulong ko.

"Dane," saad ni Mrs. Giddings, "I heard you were beaten up."

Hilaw na ngiti ang tugon ko sa kanya.

"I'm glad you're fine now."

"He's a fighter," sagot ni Elaine.

"He sure is." Hinawakan niya ang braso ni Elaine. "That's why I hesitated sending my kids to any of the universities here. You know, lots of bullies."

"We've reported the incident to the police." Hinimas ni Elaine ang batok ko.

Agad ko namang inalis ang kamay niya.

"Ano na nga pala ang nangyari sa kaso?" tanong ng mayabang na ale.

"One of the thugs curiously dropped into a coma," sagot ni Elaine, "while the other one died in an accident. Talk about karma."

"That's crazy," saad ni Mrs. Giddings na parang matatawa o matatae.

"The other one's still in hiding," sabat ko.

"You know, my husband knows the governor," bulong niya kay Elaine. "We can help."

"Don't bother, Mrs. Giddings."

Sabay silang napalingon sa akin.

"If anybody tries to hurt me again..."

Pinisil ni Elaine ang braso ko. "He wants to just forget about the unfortunate incident, but I'll consider that."

Ngumiti si botox queen sa nanay ko na parang pinapahiwatig niyang mas marangya ang buhay nila ng pamilya niya at marami silang kilalang prominenteng tao. "Anyway, I invited the other ladies" -- tinuro niya ang isang kumpol ng mga hypocrites sa labasan ng simbahan -- "to my house warming."

"You moved into a new house?" tanong ni mama.

"Adam and I," mabilis niyang sagot, "saw this beautiful property two weeks ago, and we bought it."

"So you want everyone to know you have a new house?" sabat ko. "Aw!"

Pinandilatan ako ni Elaine matapos niyang kurutin ang braso ko.

QUEERWhere stories live. Discover now