Chapter 41 (Dane) - Gulo at Ligalig

1.6K 79 39
                                    

Bakas sa mukha ni Silvano ang takot. Nangangatal ang kanyang labi habang kinakausap niya kami, pero siguro dahil sa kanyang pride, nagkunwari siyang kalmado. Nakaupo siya sa kanyang silya

"Nagsayang lang kayo ng oras," saad niya, "mga bubuwit."

Tinawanan siya ni David. "Mga tauhan mo ba ang tinutukoy mo?"

Walang malay lahat ng tauhan niya. Ang iba nakadapa sa sahig. Ang iba nakatihaya. Marami pa sila sa labas. Hindi namin sila pinatay. Pinatulog lang. Wala naman akong balak na maging mass murderer. Hindi naman dapat umabot sa ganito kung hinayaan lang nila kami. Pero siyempre iba rin ang pakay nina Chiara.

"Ang pinakaayaw ko sa lahat" -- nilapitan niya si Silvano -- "mga taong hindi tumutupad sa usapan." Kinuha niya ang hawak nitong wine glass. "At mga taong traydor."

Tumawa si Silvano. Nagkukunwari pa rin siyang kalmado, pero nahalata ko ang panginginig ng mga kamay niya. "Kung nakikinig ka kasi nang maayos..." Umiling siya at ngumisi. "Ayaw ko sa mga katulad ninyo" -- tinuro niya kaming apat -- "mga abnormal, mga kasuklamsuklam na pagkakamali ng kalikasan."

"You call this a mistake?" Pumito siya sa tapat ng baso.

Ramdam ko ang galit ni Chiara. Pipigilan ko sana siya, pero hinawakan din ako ni Priscilla. "Hayaan mo siya."

"Kanina ko pa gustong bugbugin yang kalbong yan!" bulalas ni David.

"Kumalma kayo," saad ko sa kanilang dalawa.

Napalingon kami sa kinaroroonan nina Chiara at Silvano nang mabasag ang baso. "How's this for a mistake?" winagayway niya sa harap ng kalbo ang hawakan ng basong at tinapat ang basag na parte nito sa kanya.

"Freaks!" Hindi na naitago ng kalbo ang kinikimkim na pagkamunghi.

"Yes, we are, and you should be scared of us!"

"Chiara!" sigaw ko nang muntik na niyang saksakin ang mukha ni Silvano gamit ang baso.

"Pasalamat ka sa kanya," sinampal niya si Silvano.

"Sa tingin niyo ba panalo kayo?" Ngumisi ang kalbo na nangangatal pa rin ang mga labi.

"At talagang may lakas ka ng loob na magmataas."

"Bugnutin talaga yang ate mo," mahinang komento ni David kay Priscilla.

"Hindi ko siya ate," maikling tugon ng dalagita.

"Hindi maganda ang kutob ko," saad ko habang ginagala ang tingin ko sa paligid.

"Hindi ba't matalas ang pandinig mo?" Ngumisi si Silvano na nakaupo pa rin sa silya niya.

"Huwag mo akong tinutuya, walang hiya kang kalbo ka." sinakal ni chiara ang kausap, ngunit natigilan siya at ginala niya ang tingin sa paligid. Tila may hinahanap siya. Kinusot niya ang tenga nang nakangiwi.

"David..."

* * *

Hiningal ako. Rumolyo ang mga mata ko na parang nasa REM phase ng pagtulog. Pero dilat ako. Nakakalito. Nasa makintab na mesa ang mga bisig ko. Hindi pa man humuhupa ang kabog sa dibdib ko, may narinig akong pamilyar na boses.

"Hindi na dapat umabot sa ganyan kung aktibo ka sa paggamit ng iyong kapangyarihang basahin ang laman ng isipan ng mga nasa paligid mo."

Nasa tabi ko pala si Frank Astor. Nasa loob na naman ako ng imahe ng bahay niya. Masama ang titig ko sa kanya.

"Sinasayang mo ang biyayang bigay sa iyo ng may likha ng lahat." Nasa likod niya ang mga kamay niya na tila isang guro na nagbibigay payo sa kanyang estudyante. Kakatwang nagbago ang itsura niya. Bumata siya't nawala ang mga peklat sa kanyang mukha. Malinis na nakasuklay ang buhok niya. Bago rin ang damit niya. Malinis ang kanyang dark brown na coat. Makintab ang botas niya. Tila ba handa na siya sa pagdating na taglamig.

QUEERWhere stories live. Discover now