Chapter 61 - Ang Huling Paghaharap

941 47 23
                                    

Note: Writer's block is here, so naisip kong change of narration muna. Balik ulit sa 1st person POV. Pasinsya na gid. 

We're almost there. Ilang updates na lang bago natin sarhan ang kwentong ito. 

Lately, nakakailang revise ako ng chapters hanggang sa makuha ako ang feeling ko tamang timpla. Itong sa final confrontation between Dane and Frank, I preferred a less aggressive encounter kasi ayoko ng redundant scenes. If you disagree, ipabarangay niyo na lang ako.

Pay attention to this chapter dahil may pinakita si Frank na bagay na mahalaga sa future story, bagay na nakita rin ni Errol sa isang scene sa Book 4. 

Thank sa inyong lahat, lalong lalo na sa mga nag-iiwan ng comments!

---------------

May mga bagay na hindi pa lubusang maipaliwanag ng agham. Saan nanggaling ang uniberso? Saan tayo nagmula? Paano nagkaroon ng buhay mula sa walang buhay na materyales sa kalawakan? May iba pa bang nilalang sa ibang parte ng sandaigdig? O mag-isa lang ba ang mundo sa napakalawak na kawalan? Ano ba ang mga pwersang nagpapagalaw sa mga bagay sa sansinukob?

Umuubo akong bumangon at dumadaing dahil sa sakit ng katawan. Mas malala pa ito sa inabot kong pambubugbog nina Alex sa akin noon. Pero kailangang bumangon at lumaban, hindi lang dahil gusto kong mabuhay kami ni David kundi dahil 'yun ang tama. Puno ng alikabok ang paligid kaya nahirapan akong huminga. Para akong kubang nakayuko, naghihintay na mawala ang alikabok sa hangin para naman makita ko ang paligid ko.

"David!" Inasahan kong sasagot kaagad siya. "Where are you?" Muli akong inubo. Natatakot ako.

Mas naaninag ko na ang paligid matapos ang ilang minuto, ngunit tumambad sa akin ang kakatwang senaryo. Nakikita ko ang sarili kong nakahandusay. Nakahawak sa kamay ko si David na nakatihaya at walang malay. Doon ko napansin kung gaano kalala ang pinsalang natamo namin sa pakikipaglaban, bagay na pinagsisihan ko nang mga minutong ito. Gusto kong bumalik sa katawan ko, pero I was distracted by something eerie.

Nakalutang ang mga piraso ng bakal at kable at mga bloke ng semento. I tried recalling what had happened earlier. We were attacked by lightning and energy blasts, and David protected us by creating a TK field, the same cocoon of energy that kept us alive when the cargo vessel sank, the same power that protected him during the accident that killed his parents. Gaya ng pagkakaintindi ko sa kapangyarihan niya, it sometimes manifests unconsciously.

Sandali akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Ibig sabihin buhay pa si David, at hangga't napapanatili niya ang pwersang nakapalibot sa amin, buhay siya. Hindi ko dapat sayangin ang mga minutong binibili niya.

Sinuri ko ang paligid. Wala ring malay sina Morgan, Catalina, at ang ilan pa nilang kasamang sabay-sabay kaming inatake. Natuklap ang ilang bahagi ng dome, at nalantad ang mga electronic at mechanical parts sa loob ng mga dingding. Umuusok pa ang ibang parteng bumagsak sa sahig. Nagpatay-sindi ang ilaw sa loob.

"You could have ended this right away," saad ni Frank. Kilala ko na kasi ang boses niya kahit hindi ko siya nakikita.

"I don't kill innocent people."

"You're deluding yourself by thinking innocent people care about you. Soon enough, those you deem innocent will try to kill you, and by then, you will realize I am right." Lumutang siya sa harap ko dahil hindi ko siya nilingon.

"I'll wait for that time."

"Why wait, when you can prevent it now?"

"Because that's not how justice works."

"The universe doesn't know justice. There is no justice, Dane. It's about power, and power decides who lives and who dies."

"That's why you do what you like to do because you think you can get away with anything. You think you're excluded from justice. Look at the effect of your worldview."

"This is called destiny."

"No, this is death and destruction."

"The eventual fate of the universe."

"You don't know the fate of the universe. You know nothing, Frank."

"But I do. The consciousness of the universe spoke to me. It's here." Tuwang tuwa siya habang nagsasalita. "Herein lies untold power."

"Sounds like a line of a deranged comic book villain."

"It's power beyond your imagination."

"Power that corrupts an already corrupted man. Naiintindihan ko na kung paano mo nagagamit ang kapangyarihan mo mula sa malayo. May power upgrade ka pala rito."

"Kaya dapat nandito ka. Here is where people like us belong."

"Naririndi na ako sa linya mong 'yang, hayop ka."

Bumaba siya sa sahig at naglakad patungo sa akin. "Nasasabi mo lang ang mga iyan dahil sa galit." Hinawakan niya ang pisngi ko. "Pero pasasaan ba't maiintindihan mo rin ang lahat."

"Baliw ka talaga." Hindi ako kumibo. "Release all of them from your mental hold, halimaw ka."

"Kung totoong halimaw ako, matagal na kayong patay. Pero tingnan mo, buhay kayo at nakikipaglaro sa isa't-isa."

"Hindi ako relihiyoso, pero isa kang diablo sa paningin ko."

"Binubulag ka ng galit mo. Masdan mo ang kagandahan ng kapangyarihang wagas." Kinumpas niya ang kamay at lumitaw ang makislap na bituin sa ibabaw namin.

Umiikot ang higanteng pulang bituin sa palibot ng mas maliit na bituin. Hinihigop ng puting tala ang enerhiya ng pulang bituin.

"Parang metaphor ng katarantaduhan mo. Ang pinagkaiba lang, hindi dapat puti ang bituing 'yan. Dapat itim."

"But that wouldn't make any sense, Dane." Mahinahon ang kanyang boses.

"Actually," saad ko habang pinapalitaw ang psychic knife sa kamay ko, "it does." Tinarak ko ito sa kanyang dibdib.

Nagliwanag ang sugat sa kanyang dibdib, pero hindi nabigla si Frank. Ngumiti lang siya bago muling nagsalita. "Eternal liberation is upon us." Hindi niya hinawakan ang patalim. Hinayaan niya itong nakatusok sa kanyang dibdib. "Eventually, we will all be part of the grand design." Inangat niya ang kamay na para bang hinahawakan niya ang kalawakang pinapakita niya sa akin.

"Dapat siguro noon pa lang pinatay na kitang demonyo ka."

"Hindi na rin mahalaga. Pinakita niya sa akin ang masalimuot at malagim na hinaharap."

"Nababaliw ka na." Hinugot ni Dane ang patalim mula sa dibdib ni Frank.

"You shall face threats far more dangerous than me, my son."

"What are you talking about?"

"The source of all our powers..." Bumagsak ang tuhod niya sa semento habang nalulusaw ang ginawa niyang imahe ng kalawakan. "She spoke to me. She showed me the future. She gave me wisdom that I could never have imagined." Nabaliw na talaga siya. "We are more connected to the universe than ordinary humans are. We can be in tune with it or bend it as we choose or use its resources to enhance ourselves."

"Frank, naghalo na lahat ng laman ng utak ng mga taong ginamit mo diyan sa sarili mong utak kaya wala ka na sa sarili."

"She wanted me to find others like us."

"Why?"

"For we are her children." 'Yun ang huling linyang binitawan niya bago siya bumagsak. Nanatili siyang nakahandusay nang ilang sandali bago pumusyaw ang kanyang astral body at tuluyang naglaho.

Wala na siya. Hindi ko na maramdaman ang presensiya niya. Sa loob ng mahabang panahon para bang nakaramdam ako ng ginhawa. Parang nabunutan ako ng tinik na matagal nang nakatusok sa lalamunan ko. Naramdaman ko rin ang kapayapaan sa katahimikan na nagpangiti sa akin habang lumalabo ang paligid.

QUEERWhere stories live. Discover now