Chapter 36 - One Starry Night

1.4K 82 15
                                    

SUGGESTION: Basahin niyo ulit from Chapter 32 hanggang sa chapter na ito. Sa tingin ko kasi Dun sa Chapter 32 magsisimula ang emotional build-up patungo sa kabanatang ito. Suggestion lang naman. hehe

-------------------

Mahigpit nilang niyapos ang isa't-isa habang magkalapat ang kanilang mga labi. Ang tanging tunog na namutawi sa kanila ay mga halinghing, mga pinong ungol, mga malalim na hininga. Pareho nilang nilasap ang matamis na sandali, sandaling hindi nila inakalang mangyayari.

Nagpatay-sindi ang lampara sa gilid ng sala. Pero hindi nila ito napansin. Maging ang pinong yanig sa paligid ay hindi sila inantala. Gumalaw ang mga muwebles. Kinakalampag ng mga larawan ang dingding. Sa wakas nahulog ang plorera sa sahig at nabasag.

Napatigil ang dalawa hindi upang tingnan kung ano ang nabasag, ngunit upang matitigan nila ang isa't isa. Nagngitian sila, ang mga mata'y nakadungaw sa kaibuturan ng bawat isa. Ang ngitian ay nauwi sa tawanan. Bakas sa mga mukha nila ang ibayong saya. Mahigpit ang kanilang yakapan habang patuloy na naglalakbay ang mga kamay nila kung saan-saan. Parehong pumatak ang mga luha mula sa kanilang mga mata, mga luhang bunga ng masidhing damdaming dulot ng pagtatagpo ng mga puso. Mga pusong sumisigaw upang ipahayag ang mga bagay na hindi maipahayag ng mga nakatikom na bibig na ilang sandali pa ay muling kinilala ang isa't-isa.

Dinala ng isa ang kasama patungo sa hagdan. Walang humpay ang halikan hanggang marating nila ang ikalawang palapag kung saan patuloy lamang silang humalinghing. Kusang bumukas ang isang pinto kung saan pumasok ang dalawang binata. Kusa ring nagsara ang pinto nang makapasok sila sa loob.

Sa paglayo ng kanilang mga labi, naglapat naman ang kanilang mga noo at nagtama ang dulo ng kanilang mga ilong. Ngunit ang mga mata nila'y nakatuon sa mga basang labi sa ibaba, tila nasasabik, kaya muling naglapat ang mga labing iyon, sa pagkakataong ito, mas mapusok, mas masidhi. Parehong tumaas ang temperatura ng kanilang mga katawan, pag-iinit ng mga kaluluwang maaari lamang maibsan ng kahubdan.

Kusang lumuwag ang mga sintas ng kanilang sapatos habang bumubukas ang kanilang mga sinturon. Nagkaroon ng mga punit ang kanilang mga suot na pang-itaas. Pareho silang lumutang sa ere, ang mga paa ay ilang pulgadang nasa ibabaw ng sahig kung saan kusang nalaglag ang kanilang mga sapatos. Kasabay ng tuluyang pagkapunit ng kanilang mga damit ang pagdulas ng kanilang mga pantalon paibaba.

Dahan-dahang umikot sa ere ang dalawang hindi alintana ang mga piraso ng telang umikot sa paligid nila. Patuloy ang kanilang halikan hanggang sa pati ang tanging saplot na natitira sa kanila ay pinunit ng pwersang nagbigay ng mahinang yanig sa silid na iyon. Marahang gumalaw ang kanilang mga katawan pahalang. Dahan-dahang bumaba ang magkayakap sa kama at sa ibabaw nito'y nagpatuloy ang halikan.

Diniin nila ang katawan sa bawat isa na para bang gusto nilang maging parte ng isa't isa. Nakapikit si Dane na nasa ibaba habang haplos ang mga balikat ni David na hinahalikan siya sa pisngi, leeg, dibdib. Napaliyad siya nang dilaan ni David ang kanyang utong. Sinabunutan niya ito. Napaungol siya. Bumaba naman ang nasa ibabaw sa tiyan ng nasa ilalim. Naglaro ang mga labi at dila niya doon habang ang isa ay napapapikit at napapaungol sa sarap na di niya akalaing mararanasan niya sa piling ng di inaasahang kasangga.

Napakagat-labi si Dane nang hawakan ni David ang kanyang miyembro. Ang kanyang pagkabigla ay pinutol ng mahabang ungol nang maramdaman niya ang kakaibang sensasyong dulot ng mga labing iyon na nakabalot sa kanyang pagkatao, bagay na hindi niya inasahan.

Nang idilat niya ang mga mata nasa ilalim siya ng mga bituin, nakahiga sa sutlang hindi niya makita ngunit ramdam niya. Hawak siya sa kamay ni David. Pareho silang walang saplot habang minamasdan ang nakakamanghang kagandahan ng kalawakan, ang mga matingkad na ulap sa sansinukob na gawa ng pagsabog ng mga bituin, ang alikabok sa unibersong inilawan ng tala sa kaibuturan nito. Muling naghalikan ang dalawang iyon.

Nagngitian silang dalawa. Magsasalita sana si David nang pigilan siya ni Dane gamit ang kanyang hintuturo. Niyakap ng huli ang nauna at gumulong sila sa kama upang siya naman ang pumaibabaw. Ginawa niya ang ginawa ni David sa kanya. Ibayong kaligayahan ang dulot sa kanya ng mga panibagong sensayon ng kanyang palad at labi sa mga pinong buhok sa katawan ng kaulayaw. Sabay ang ritmo ng kanyang galaw sa halinghing ng nakahiga.

Namulat ang binatang hubo't hubad sa isang paraiso. Napaligiran siya ng mga basang dahon at mga nagtataasang puno. Umalingawngaw ang huni ng mga ibon, ngunit dinig niya rin ang agos ng tubig mula sa di kalayuan. Lumapit ang lalaki sa likuran niya at niyakap siya nito. Lumingon naman siya upang salubungin ang mga labi nito at muli sila'y naghalikan hanggang sa tumakbo ito. Hinabol niya naman ito. Masaya sila. Nakarating sila sa isang puno ng mga mapupulang mansanas. Pumitas si David, inalay ang bunga kay Dane. Umiling naman ang huli. Kakagatin sana ni David ang bunga nang agawin ito ni Dane at itapon. Pareho silang tumawa.

Muli silang tumakbo, naghabulan, nagtawanan hanggang marating ang dulo ng talampas. Sabay silang tumalon, sumisigaw habang nahuhulog sila sa era tungo sa tubig, at sa ilalim ng berdeng tubig sila'y nagtitigan. Nag-uusap na naman sila sa pamamagitan ng kanilang mga isip. Tila may tinatanong si Dane, para bang humihingi siya ng pahintulot. Tumango si David. Niyakap siya ni Dane nang mahigpit bago halikan.

Habang mahigpit na nakakapit sa mga braso ni Dane ay nakakunot ang noo ni David habang nakapikit at nakabuka ang bibig. Sabay na gumalaw ang katawan niya sa indayog ng nasa itaas.

Ngumiti si David na hawak ang taling nakakabit sa leeg ng kabayong sinasakyan niya. Nasa tuktok sila ng burol sa tahimik na gabi sa ilalim ng buwan. Nagkibit-balikat siya nang lumingon kay Dane na tumango matapos siyang senyasan ng kasama.

Sinabayan ng kaskas ng mga kabayo ang tibok ng kanilang mga puso. Nagkarerahan ang dalawang binatang iyon. Pareho silang nakasuot ng sombrero at nakadamit na parang mga totoong mangangabayo. Nagsisigawan sila. Naghihiyawan. Sinasambit ang pangalan ng bawat isa habang matulin ang takbo ng kanilang mga kabayo hanggang sa marating nila ang dalampasigan kung saan napatigil sila dahil sa dagundong na bunga ng mga pagsabog sa ere. Ngunit hindi nila minasdan ang mga maririkit na hibla ng ilaw na dumausdos mula sa himpapawid. Bagkos pumikit sila na tila nilalasap ang pakiramdam na iyon, ang ligayang dulot ng bagong karanasan.

Sabay na naglakad ang mga kabayong magkatabi sa dalampasigan, ang bawat paa'y lumulubog sa malaputik na pinong buhangin. Magkahawak kamay ang dalawang binata, taimtim na nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Bumaba silang dalawa at humiga sa dalampasigan, ang mga paa'y binabasa ng alon. Sa ilalim ng buwan, sila'y nagtitigan, nagpalitan ng ngiti, at naghalikan. Sa piling ng mga bituin silang dalawa'y nakatulog sa yapos ng isa't isa. 

-----------------

END OF ACT II

------------------

Note: Thanks guys. Magiging busy ulit ako in the coming weeks, so baka madalang na ulit ako makakapag-update. Pero I'll try my best na magpost ng isang chapter per week. Enjoy your weekend!

QUEERWhere stories live. Discover now