Chapter 17 (Dane)

1.7K 111 10
                                    


"Bakit tayo nandito?" tanong niya sa akin. "Kaninong lamay ito?"

"Kay Greg," walang emosyon kong tugon.

"Bakit mo ako dinala rito?"

"Hindi ka man lang nagi-guilty sa pagkamatay niya?" Hindi ko maitago ang inis ko.

"Ano naman ang kinalaman ko sa pagpapakamatay niya?"

"Naiintindihan ko na kung bakit naging tropa mo sina Alex." Tinalikuran ko siya.

"Bakit?"

"Pareho kayong mga gago." Hindi ko na siya nilingon.

Pero himanpas niya ako sa likod. "Hey! Just because you saved my life doesn't mean you can dis me like that. Nakakarami ka na ha."

Aminado akong sumobra ako, pero ayaw kong ipahalata sa kanya na sumasang-ayon ako sa kanya. Sa loob ko alam kong brat ako at matigas ang ulo ko, at pinipilit kong baguhin ang ugali ko -- o ewan. Nilingon ko siya. Sa ilalim ng sikat ng umaga, tumambad ang kadungisan ni David. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa. Pumasok kami sa loob ng chapel kung saan nakaburol ang mga labi ni Greg. Umupo kami sa mga silyang nasa last row katabi si Christie.

"Hi," bati ko sa kanya. Ngiti lang ang sinukli niya. "How are you?"

"Doing better." Namumula ang ilong niya. "I see you two are getting along now."

"You mean me and David?" tanong ko.

Tumango siya. Naninibago ako sa panlalamig niya. Ang dating maingay at masayahing si Christie ay naging tulala at walang kibo. Hinayaan ko na lang muna. Nakatitig kami sa larawan ni Greg na nakapatong sa kanyang kabaong ni hindi na namin nilapitan.

"Hindi kami close, pero for some reason I feel responsible for his death."

Napalingon na naman ako kay Christie. Pinisil ko ang balikat niya. "Kahit naman ako." Muli kong binalik ang tingin sa larawan ni Greg. "I feel like I could've done something. If I knew he had problems, I could've..." Tumigil ako sa pagsasalita dahil naisip kong wala ng saysay ang pagsisisi ko.

"Can we talk in private?" mahinang tanong ni Christie sa akin.

Mukhang alam ko na ang dahilan. Nilingon ko si David. "Usap muna kami." Matapos siyang tumango lumabas na kaming dalawa ni Christie sa chapel. Naglakad kami sa parkeng katabi ng mga lapida, all the while hinihintay ko siyang maunang magsalita.

"Siguro alam mo na..."

"Oo, Christie," sabat ko, "alam ko na."

"I'm sorry, Dane." Umiyak siya.

"It's okay." Hindi ko siya tiningnan kasi ayoko ng umiiyak. "Nung una nagalit ako sa'yo kasi niloko mo ako. Pinaglaruan niyo ako."

"Pero hindi ko tinuloy." Humagulgol siya. "Hindi ko kaya kasi alam kong mabuti kang tao. And the only reason na napasok ako sa grupo nila Alex ay dahil boyfriend ko siya."

"It's okay. I'm not mad at you anymore."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Sa maikling panahong nakilala kita..."

Hinintay ko ang karugtong ng sasabihin niya, pero mukhang alam ko na rin ang sasabihin niya. "Christie, you're a wonderful person, but I'm..."

Tumango si Christie. "I know and I understand." Pinahiran niya ang mga mata. "My family's moving to Florida."

"Talaga?"

Tumango ang dalaga. "Ang daming pangit na nangyari sa amin dito sa Seattle. It's time to get some fresh air."

QUEERWhere stories live. Discover now