Chapter 11

2K 103 11
                                    

Nakatitig si Director Roderick Siler sa larawan ni Dane na nasa nakabukas na folder. Bumuntong-hininga siya habang iniisip ang magiging kahihinatnan ng mga plano niya kung sakaling mamatay si Frank Astor. Ilang taon na rin ang ginugol niya sa taong iyon.

Biglang tumunog ang telepono niya. Tumatawag si Dr. Lindsay.

"He has regained consciousness," saad ng doktor na tumitingin kay Frank.

"Are you sure?" tinanggal ni Rod ang antipara.

"Oh, wait..."

Dinig ni Rod ang komosyon sa kabilang linya. "What's happening?"

"Well..."

"What is it?"

"He slipped back."

Bumuntong-hininga si Rod. Dismayado. "Great. Will he wake up?"

"Patients in coma usually come partially out of consciousness and slip back just as quickly. This isn't new."

"What are the chances of him waking up again?"

"I can't tell, but it's good that he's gaining a bit of his consciousness. He's fighting."

"Fighting for 8 years. Sounds hilarious."

"We can pull his life support system on your orders, director."

"Keep him alive."

"As you wish, sir."

Matapos ibaba ang telepono ay muli siyang nakatanggap ng tawag.

"There's been an activity at Seattle Medical Center," saad ng nasa kabilang linya. As you can see I have people everywhere. "I'll send the CCTV footage."

Hinintay niya ang video files. Kilala ng face recognition technology ang lalaking nasa video. Muli niyang inangat ang larawan ni Dane at kinumpara ito sa nasa video clip.

"Mr. Dane Walker has been reported to the Seattle Police for breaking into a kidnapping suspect's room," muling saad ng nasa kabilang linya.

"Delete the files and remove traces of evidence. You know what to do next."

Nakatitig siya sa mga dokumento tungol kay Dane Walker. Muli niyang pinanood ang footage kung saan makikita ang dalawang pulis na tila sumusunod sa utos niya. May kakatwa sa pangyayaring ito lalo pa't kasabay ng paglabas niya sa silid ng binatang si Brett ay namatay ito.

Hindi niya hahayaang mapunta sa mga pulis ang kasong ito. "This is my case now," bulong niya sa sarili.

Kinuha niya ang isang libro mula sa drawer. It's a book about telepathy. Some people can read minds. During the ancient times these psychics become leaders or advisers. They had key positions in the governments of ancient civilizations. During the rise of Christianity, the psychics became branded as witches and burned at stake with healers and mages. Everyone with special abilities became demonized. They hid their abilities in fear of discovery and persecution. That's why it's hard to look for them. But a few of them don't mind displaying their powers.

Kinuha niya ang folder ng files ng pangyayari noong November 11, 2003. No knew exactly what happened inside Mr. Astor's house. Earlier that day, the police received a report that a ten-year-old boy had been abducted. Isa sa mga pulis ang nakatanggap ng tip tungkol sa kinaroroonan ng bahay ni Frank Astor. Hanggang ngayon hindi matukoy kung kanino galing ang tip, at hindi na rin ito mahalaga sapagkat tapos na ang kaso.

Pero hindi pa tapos ang kaso para kay Rod. Nakakapagtaka kung paano nawalan ng ulirat ang matanda. Pareho ito sa nangyari kay Brett. Parehong tao ang involved. Ngunit may mas matindi pang pangyayari nang araw na iyon.

Kinuha ni Rod ang isa pang folder na may titulong The Village School incident. Naging usapan ito noong 2003. Nawalan ng malay ang lahat ng tao sa Village School sa Portland, Oregon, at sa malapit na mga kabahayan. Walang makapagbigay ng paliwanag kung ano ang nangyari. May samutsaring teorya: chemical attack, aliens, elaborate prank, etc. Galing sa Village School ang kotse ni Frank Astor lulan ang noo'y bihag na si Dane Walker. Sila lamang ang hindi nawalan ng malay sa pook na iyon nang mga oras na iyon.

Binasa niya ang salaysay ng dalawang pulis na noo'y rumesponde sa kidnapping incident. Habang nasa daan ay nakarinig sila ng mga nakakabinging boses. Nakita diumano ng dalawa si Frank Astor sa gitna ng daan at sila'y tumigil. May kung anong hipnotismo diumano ang mamang may pilat sa mukha dahil napasunod sila nito nang sabihin nitong bumalik sila sa daan. May ilang kasong katulad ng naranasan nila na nasa libro tungkol sa telepathy.

Subalit paano nakaligtas si Dane mula sa kanya? Kung may kapangyarihan si Frank, paano nakalaban ang noon ay musmos na bata? Dahil sa nangyari kamakailan sa Seattle Medical Center, lumakas ang kutob ni Rod na may taglay na kakaibang abilidad ang binata. 

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon