Chapter 59

753 44 0
                                    

Ramdam ni Dane ang labis na kaba habang pumapatak ang malamig na pawis sa kanyang mukha. Tahimik ang pasilyo, kaya nakakatakot humakbang kasi bawat yapak ay umaalingawngaw sa loob. Ngunit kailangan niyang lisanin ang pasilyo. Ayaw niyang isipin si David. Inaasahan niyang mas ligtas ito sa labas ng building kesa loob. Siya lang ang dapat nasa loob. Siya lang ang dapat nakikipaglaban.

"This doesn't have to be difficult..." Lumalakas at humihina ang boses. At kay Frank ito. Pero wala siya paligid. Bukod pa riyan, isa lamang itong distraction.

"Hands in the air!" sigaw ng isang sundalo gaya ng naunang nakasagupa nila ni David kanina ay may hawak na high powered firearm. May mga iba pa sa likuran nito.

Split-second decision ang kailangan. Muling lumitaw ang dalawang karit sa mga kamay niya at hinagis niya ang mga ito patungo sa mga armadong bantay. Isa isa silang nawalan ng malay. Magigising din sila, at wala silang matatandaan sa mga nangyari. Swerte sila.

Tumutunog ang cellphone ni Dane. Tumatawag si David. Pero pinatay niya ang teleponong hawak at ibinalik ito sa kanyang bulsa. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kung tama ang detalyeng nakuha niya mula sa officer na iyon, nasa isang secret facility si Frank, at ang silid na iyon ay nasa basement ng gusali. Para marating niya iyon ay kailangan niyang marating ang isang section ng gusali sa ikaapat na palapag. Sa gitna nito ay may elevator na iilang tao lang ang may access, iilang taong mataas ang position sa organisasyong ito.

Inasahan niya nang pagdating niya ng fourth floor ay may mga nakatutok ng baril sa kanya. Pinaligiran siya ng mga kalamas. Lima, sampu, labinlima... Kinausap niya ang mga ito. "Hindi ako ang kalaban niyo." May kumakawalang psychic waves mula sa ulo niya sa bawat pantig na binibigkas. Para siyang isang radyong nagpapakawala ng matinis na ingay -- hindi pisikal na ingay na gaya ng kay Chiara, kundi ingay na tanging utak lamang ang nakakasagap. "Kayong lahat ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng demonyong kinalinga ninyo ng walong taon. Huwag kayong mag-alala. Hindi ko kayo sasaktan." Nawalan ng malay ang lahat.

"Masyado namang madali," saad ng babaeng hindi niya kilala. Hindi gaya ng mga bantay na nakagayak pandigma, ang isang ito ay nakapantalon lang at sweater.

"Makinig ka--" biglang hindi na siya makapagsalita. Hindi niya maigalaw ang dila niya.

"May sinasabi ka?" kaswal na tanong ng babae. "Sa totoo lang, Dane. Dapat nanatili ka na lang sa Seattle. Ngunit mas pinili mo ang landas na ito, isang pagkakamali." Binaluktot niya ang dalawang daliri.

Kusang gumalaw ang katawan ni Dane nang labag sa kanyang kagustuhan. Pinadapa siya ng pwersang katulad ng kay David.

"Ako nga pala si Sophia," saad ng nilalang habang naglalakad papalapit. "Kaya kong utusan ang muscles mo."

"Kaya ko namang utusan ang utak mo na tigilan ang ginagawa mo." Hindi man niya maibuka ang bibig, kaya naman niyang pagalawin ang kanyang kaisipan. Kasabay ng pagdaing ni Sophia ang pag gaan ng pakiramdam ni Dane. Pero bago siya makatayo, may mga taling gumapos sa mga kamay at paa niya.

Ngumisi ang isang lalaki. Hindi siya si Greco. At hindi tali ang nakagapos kay Dane kundi mga daliring mahahaba. "Anak, paglalaruan muna kita bago kita papatulugin nang napakahimbing."

"Hayop ka, Frank!"

"Ssshhhh..." saad si Sophia.

Hindi na naman siya makapagsalita. Bago niya magamit ang kapangyarihan, isa pang lalaki ang pumasok sa malawak na silid.

"Kung madali ka lang sanang kausap," saad ng lalaking naging matulis na metal ang hintuturong nakaturo sa dibdib ni Dane, "wala na sanang mga ganito at tahimik sana ang lahat."

"Show me what you can do." Isang babae pa ang sumulpot mula sa kung saan. "Make me pro--" Dumaing siya kasabay ng tatlo niyang kasama.

Lumuwag ang mga daliring nakapulupot kay Dane kasabay ng pagbagsak ng unang hanay ng superhumans na nakasagupa niya sa pook.

QUEERWhere stories live. Discover now