Chapters 45 and 46

1.2K 61 17
                                    

Chapter 45 - Nasaan si David?

Masagana ang handa sa mesang nasa hardin sa likod-bahay. Nasa gitna ang litsong pabong kay halimuyak. Sa tabi nito ang cranberry sauce na popular na kapareha nito. Sa paligid ay samut-saring pagkain, panghimagas, at mga minatamis. Nasa dulo ng mesa si Charles. Sa tabi niya si Christine. Sa harap naman ni Christine ay si David. Pinatingkad ng mga ilaw na nakasabit sa ibabaw nila ang mga pagkain, maging ang kanilang mga masayang ekspresyon.

"Weren't you supposed to introduce your friend to us?" Napakalumanay ng tinig ni Christine.

"He's coming." Ngumiti si David. May di pangkaraniwang sigla sa kanyang mga mata.

"It's still 6:45," mahinahong sagot ni Charles. "Dinner's at 7."

This is the kind of decorousness that lent itself to stiffness, which David utterly hated. He wasn't nervous about Dane seeing his parents for the first time. He was nervous about bringing him into this dull world of propriety. "Why do we have to dress up like this?"

"Like what?" mahinahong tanong ni Christine.

"Like we're going to a ball or something," sagot naman ni David.

"Yeah?" Sumimangot naman si Charles na lumingon sa asawa, ang mga mata ay nang-uusisa.

Nagkibit-balikat naman ang ginang. "It's tradition. We always dress up like this for important occasions."

"You know how much David hates this," saad ni Charles.

"We could wear shirts and pants or anything less ridiculous than this." Tinukoy ni David ang mga suot nila.

"That can be arranged."

Sabay napalingon ang tatlo sa nagsalita.

"Mr. Frank Astor," saad ni Christine, "I didn't notice you there."

Nakapormal na gayak din si Frank. Malinis ang kanyang itsura. Matingkad ang kanyang mga mata at makinis ang kanyang mukha. Maayos ang kanyang buhok na tila nakapomada. Kinuha niya ang wine, binuksan ito, at naglagay nang kaunting alak sa kanyang baso. "Is it not strange to eat outdoors on a cold night like this?"

Nagtinginan sina Charles at Christine.

"Frank has a point," saad ni David. Nagtawanan silang apat.

"That can be arranged." Kinumpas ni Frank ang kamay.

Pero tumutol si Christine. "Why don't we just stay here?" Hinimas niya ang mga braso. "This cold isn't so bad."

"I guess she's right." Giniya ni Charles ang baso kay Frank.

"It's not even winter yet." Kinuha naman ni Frank ang baso at nilagyan ito ng alak at binalik kay Charles.

"Bakit hindi mo tawagan si Dane nang makapagsimula na tayo?"

"Yes, dear, I agree." Inayos ni Christine ang puting damit na nagkaroon ng maladilaw na itsura dahil sa mga ilaw.

Tumango si David bago kunin ang telepono. Matagal niyang pinakinggan ang pagring sa kabilang linya hanggang sa ibaba niya ang hawak. "Hindi siya sumasagot."

"Mukhang alam ko na kung bakit."

Nakasimangot na lumingon si David sa kausap.

Frank sipped some wine. "Do you remember how your mind unconsciously protects you during dire times? Do you remember what it does?"

Mas kumunot ang noo ni David. "You're a weird guy."

"It creates a bubble of telekinetic energy." Tumayo si Frank. "There's a part of our brains that unconsciously wants us to survive. Danger triggers it. The need for self-preservation activates it." Pinatong ni Frank ang kamay sa balikat ni David. "Did you not read your books?"

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon