Chapter 7

3K 127 2
                                    

"Dude, inuman tayo mamaya sa apartment ni Brett."

"Kayo na lang," sagot ni David. "Mas gusto kong matulog."

Umirap si Alex. "Wala talagang kwenta 'tong mamang 'to."

Hinayaan ni David na magkwentuhan ang tatlo. Napatingin naman siya kay Christie na inirapan din siya. Katabi niya si Greg na may pasa sa pisngi. Bumuntong hininga siya. Tila may sumuntok sa sikmura nang makitang bakante pa rin ang silya na inuupuan ni Dane. Mahigit isang linggo na itong hindi pumapasok.

Naghiyawan ang mga kagrupo niya. "Look who's back!"

"Oh my God!" bulalas ni Christie na agad napatayo at yumakap sa binata. "Di ba dapat sa Monday ka pa babalik?"

"Marami na akong mamimiss." Ngumiti si Dane. Halatang hirap siya dahil nakabenda ang kaliwang kamay niya at nakahawak naman siya sa saklay sa kabila.

Napako ang tingin ni David sa mukha ng binatang pilay. Hindi niya maintindihan kung paano nito nakukuhang ngumiti sa kabila ng nangyari sa kanya. At hindi rin mapigilan ni David na humanga rito. Natulala siya nang hindi niya namamalayan. At hindi niya inasahang magtatama ang mga tinginan nila. Matalim ang titig na sinukli ni Dane sa kanya, dahilan upang umiba siya ng tingin.

"Tingnan mo nga naman." Tumayo si Alex. "Okay ka na ulit." Nanunuya ang paninita nito sa bagong dating.

Hindi siya pinansin ni Dane na tumungo lang sa kanyang silya.

"Hoy kinakausap kita!"

"Kausapin mo 'to," sagot ni Dane na nakaturo ang middle finger kay Alex.

"Aba, gago 'to ah." Bago pa man masunggaban ni Alex si Dane, hinarangan siya ni David.

"That's enough!" Tinulak niya ito pabalik sa silya.

"Buti pinigilan mo 'yan, kung hindi..." Hindi naituloy ni Dane ang sasabihin.

"Kung hindi ano?" asik ni Alex na muling pinigilan ni David na tumayo.

Isang sampal sa mukha ni Alex ang nagpatahimik sa lahat. "What the hell is wrong with you!" sigaw ni Christie rito.

Inambahan ni Alex ng suntok ang babae, ngunit napigilan ito ng mga kasama. Napalingon si David kay Dane na galit na tiningnan si Alex.

"You wanna hit me?" panunuya ni Christie sa dating nobyo. "Go ahead. Sa'n mo ako gustong upakan, dito?" Tinuro niya ang mukha niya. "Dito ba?" Tinukoy niya ang sikmura.

"Tama na, Christie," mahinahong saad ni David.

"Shut up!" sigaw ni Christie sa kanya. "What now? Isa ka ng santo?"

"Calm down, Christie."

"I can't calm down, Dane. These guys have the gall to be here after what they did." Humarap siya sa lahat.

"He fucking deserves it," sagot ni Alex.

"What?" kumunot ang noo ni Christie. Nilapit niya ang mukha sa mukha ni Alex. "Ah, yes, he deserves it because he's smarter than you." Binaling niya ang tingin mula kay Alex patungo kay David. "Ang totoo nagpapakadelinkwente kayo kasi that's the only thing you can do. Wala kayong mga kwenta lalo ka na, Alex."

Nagpumiglas si Alex at nang makawala sa hawak ng mga kasama ay nilisan nito ang silid. Pumalakpak ang lahat maliban kay David at sa grupo niya. Natulala siya sa tinuran ng babae. Natigilan siya dahil totoo ang mga sinabi nito.

Wala ang atensiyon niya sa klase. Lumilipad ang diwa niya habang nagtuturo ang kanilang propesor. Ilang beses siyang napalingon kay Dane. Hindi niya maintindihan kung pag-aalala ang nararamdaman niya o pagsisisi. 'Di gaya niya, nakatuon ang atensiyon nito sa klase. Ni hindi nito namalayan na may nakatingin sa kanya.

QUEERWhere stories live. Discover now