EPILOGUE

75.3K 1.9K 178
                                    

 A/N: I don't own the love letter.  Credit to @ValjeanRegala


EPILOGUE


Hi Honey Val,

How's your anatomy and physiology?

Do I still make you experience tachycardia after all these days?

Can I still manage to let you flushed whenever I smile at you?

You know what? Though we have been through a lot I have to confess that you still have an aneasthesia effect on me, you know...make me feel numb whenever you are around.

I miss you like an ischemic heart miss its blood supply whenever I am out of the country..I will always love you the way TB loves the apex of the lungs..I will always care of you like the way IV Taxim and Metrogyl care for a postoperative patient..I have implanted you in my SA node the moment you became my girl so please don't be the etiology of my heart failure.

Your Honey Vince.


This is the most unique love letter she'd ever read. Nag-uumapaw ang dibdib ni Valjean sa pag-ibig sa lalaking ito. "Why are you so genius?"

"It's my nature you know." Isang nakakalokong tawa ang pinakawalan ni Vince mula sa kabilang linya.

"Conceited!"

Muli lang siyang tinawanan nito. "Excited na ako para bukas."

"Me too"

Sinulyapan ni Vince ang suot na wristwatch. "In less than twelve hours, your name and mine are going to be the same."

"I'm ready and prepared."

He chuckled. "Dapat lang dahil wala nang atrasan ito. Get some rest, honeybee. We will have a very long day ahead. "

"Then see you tomorrow my future husband."

"Goodnight. Dream of me."

"I will."

Isang malakas na hampas sa hita ang nagpagising kay Vince.

"Tyron naman!" Pupungas-pungas na sabi niya at sinubsob ang mukha sa unan.

"Vince, ano ba? Male-late ka na sa kasal mo?"

Kasal? Napabalikwas siyang bigla at mabilis na nilingon ang wallclock. Mayroon na lamang siyang tatlumpung minuto na natitira. Oh sh-t! Dali-dali siyang pumasok ng banyo para muling lumabas.

"Tyron, ihanda mo ang isusuot ko!"

Halos paliparin ni Tyron ang sasakyan. Hindi naman mapakali si Vince sa kinauupuan. Katatawag lang sa kanya ni Mark. Everyone is waiting in the church, including the bride. Maisip pa lang niya si Valjean ay nagi-guilty na siya. Limang minuto na lang at magsisimula na ang kasalan subalit hanggang ngayon ay nasa highway pa rin sila ni Tyron, who happens to be his best man.

"This is your fault!" Asik sa kanya ng kaibigan na hindi inaalis ang mga mata sa kalsada.

"My fault?" Maang na napalingon si Vince rito. " Sino kaya ang nagdala ng alak sa kuwarto kagabi? Hindi ba ikaw?"

"I told you to stop pero ayaw mong papigil. Pinilit mo pa rin na ubusin natin ang isang bote."

"Ang sabi mo kasi champagne lang ang dala mo. Hindi ko naman alam na vodka pala iyon."

"Tsk! Malalagot ako nito sigurado kina Mark."

"Mas malalagot ako kay Valjean kung hindi ako makakarating on time. Tyron, watch out!" Sigaw niya nang may biglang tumawid na sasakyan sa intersection gayon naka-green ang traffic light.

Mabilis na kinabig ni Tyron ang manibela upang iwasan ito, ngunit nahagip pa rin nila ang hulihang bahagi ng sasakyan dahilan para magpaikot-ikot sila sa gitna ng kalsada.

"Pre, okay ka lang?" Tanong niya kay Tyron habang nakasubsob ito sa manibela. Nakalimutan pa man din nitong isuot ang sealbelt. Ngunit sa tingin ni Vince ay mukhang okay naman ito.

"Ang sakit ng ulo ko, pre." Pag-angat nito ng mukha ay nanlaking bigla ang mga mata niya.

"N-nagdurugo ang ilong mo."

"Huh?" Agad na sinapo ng binata ang ilong at nakita nito ang duguang kamay. "Oh god!" Ilang saglit pa ay nawalan ito ng ulirat.

"Tyron!" Damn! Takot nga pala sa dugo ang kaibigan.

Hindi maipinta ang mukha ni Vince habang ginagamot ni Valjean ang sugat niya. Tinamaan pala siya sa braso ng basag na salamin ng bintana. Imbes na makarating sila sa simbahan ay ospital ang bagsak nilang dalawa ni Tyron.

"Honeybee..." Hindi niya magawang makatingin ng diretso sa nobya. Suot pa rin nito ang wedding gown. "I'm really sorry. Sablay na naman ako." Subalit imbes na magalit si Valjean ay niyakap lang siya nito.

"Okay lang na sumablay ang kasal natin kaysa naman tuluyan kang mapahamak. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka. Aba! Hindi pa nga tayo nakakasal magbibiyuda na agad ako."

Napangiwi si Vince sa narinig at bumitiw sa pagkakayakap nito. "Ituloy na lang natin ang kasal bukas. Puwede naman sigurong ipa-reschedule iyon."

"Bakit bukas pa kung puwede naman ngayon?" Kasabay nang pagsulpot ni Mark ay nakasunod sa likuran nito ang isang pari.

"Oh no! Not here!" Mabilis niyang tutol. Hindi niya pinangarap na makasal sa ospital. "Val?" Lumingon siya sa nobya na tahimik lang na nakamasid sa kanya ngunit nakangiti.

"Don't worry, Vinci boy kami ang mga witness mo." Magkakasunod na dumating sina Riley, Jared at Tyron, na mayroon malaking plaster sa ilong. Kumpleto ang buong barkada.

Dumating din sina Mildred na maid of honor ni Valjean at ang kapatid na si Cyrhel na isa rin sa mga abay. "Hello, kuya!"

"It's fine with me, Vince, kung iyon ang inaalala mo," sabi sa kanya ni Valjean. Sa kabila ng mga aberya ay bakas pa rin sa mukha nito ang kasiyahan.

"Are you sure?"

Tumango ang nobya at ngumiti. "Pero bago natin ituloy ang kasal may kailangan akong gawin sayo." Itinaas nito a ang hawak na injection.

Halos lumuwa ang mga mata ni Vince sa nakita.

"Sorry, honeybee pero kailangan talaga kitang turukan ng anti-tetanos."

"No! Not again!"

The End


A/N: Woah! Finally, natapos ko rin. After almost seven months of long waiting, makakahinga na rin ako ng maluwag. Honestly, hindi naging madali ang mga pinagdaan ko this past few months. Ang dami kong naging personal issues (sa awa ng diyos ay nalagpasan ko lahat). I learned a lot from my mistakes. At isa sa mga natutunan ko ay kung paano harapin ang mga fears at insecurities ko. Mas naintidihan ko na ngayon ang mga bagay-bagay. Mabuti na lang at hindi ako bumitaw sa pagsusulat. Mabuti na lang din at hindi ako nagpadalus-dalos ng desisyon. Kaya nagpapasalamat ako sa mga kaibigan kong patuloy na naniniwala sa kakayahan ko. Thank you guys.

Maraming salamat din sa lahat ng mga nagbasa at suporta ng story na ito. Salamat po sa matiyagang paghihintay sa matagal kong update. Salamat sa pang-unawa at maraming salamat sa magaganda ninyong mga komento. Hanggang sa muli mga ka-WATTY!

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now