Chapter Twenty Six: Wonderful Night

52.9K 1.2K 82
                                    

A/N: Sorry po sa super duper late na update. As usual kung hindi busy sa work, ayaw naman ng gumana ng utak ko. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakapag-update. Pero pipilitin kong magsulat hangga't makakaya ko. Huwag sana akong dalawin ng katamaran. Anyway, this chapter is so special to me. Why? First time kong magsulat nang mayroon super intimate moments, haha.. buti na lang at hindi ako nag-nosebleed! Enjoy reading ^___^

Credit to @Chorz0226  for the cover pic.


Chapter Twenty Six: Wonderful Night


Valjean's POV

Buong akala ko nanaginip lamang ako na may kumakatok sa pintuan. Naman! Halos hindi ko maidilat ang mga mata na isinubsob ko ang mukha sa unan. Nagbilin na ako kay Mildred na huwag niya akong iistorbuhin. Wala pa akong gaanong tulog dahil sa magdamagang duty sa trabaho. At isa pa tinatamad akong pumasok. Wala sa kondisyon ang katawan ko at gusto kong matulog buong araw.

Napilitan akong bumangon. Kinapa ko ang eyeglasses sa bedside at parang zombie na tinungo ang pintuan. Pagbukas ko ay bumungad sa paningin ko si Vince na guwapung-guwapo sa suot niyang puting uniporme. Wait! Nanaginip pa yata ako!

"Good morning Honeybee!" Nakangisi na sabi niya at walang babala na siniil ako ng halik sa mga labi. It took me five seconds bago bumalik sa realidad ang huwisyo ko. Naitulak ko siyang at saka nagmamadaling isinara ng pintuan at ni-locked iyon.

Oh gosh! Hindi pa ako nagmumumog. Nagmamadali akong nagtungo sa banyo para lamang makita ang sarili ko sa salamin. Isang matinis na tili ang lumabas sa bibig ko. He saw me at my worst looks. Nakaka-turn off!

Hindi maipinta ang mukha ko nang lumabas ng kuwarto. Bukod sa hindi maganda ang gising ko, may hang over pa ako sa nangyari kanina. Kuntodo ngisi naman si Vince habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng mesa at panay pa ang beautiful eyes sa akin.

"Come here, Honeybee. Sabay na tayong magbreakfast."

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata nang marinig muli ang endearment na ginamit niya. Honeybee stands for Honey plus bee na katunog ng aming mga initials na letter V. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang idea na iyon.

"Pahingi ako, ha?" Lumapit si Mildred sa mesa at kumuha ng pagkain. Nakabihis na siya ng kanyang uniporme at handa nang pumasok sa trabaho.

"Sumabay ka na sa amin," yaya ni Vince at itinuro ang katabing silya. Ang binata mismo ang nagdala ng mga pagkain kaya hindi na nag-abalang magluto ang kaibigan.

"Okay lang. Sa kuwarto na lang ako kakain. Ayokong makaistorbo sa mga honeybees," makahulugan na sinulyapan ako ni Mildred na hanggang gilagid ang pagkakangiti. "Salamat sa food, Adonis."

Walang kibo akong kumain. Nakakailang subo pa lang ako nang mapansin ko na panay ang tikhim ni Vince. Pag-angat ko ng mukha ay nakita ko siya na inaayos ang nagulong necktie. Dedma lang ako noong una pero muling tumikhim ang binata, mas malakas kaysa sa nauna.

"Tubig?" Inabot ko sa kanya ang basong nasa harapan ko. Baka kasi nasamid lang siya o kaya ay nahiringan. Umiling lang si Vince at eksaheradong tinanggal ang pagkakabuhol ng suot ng necktie.

"Nahihirapan kang huminga?" Muli kong tanong. Sunud-sunod ang ginawa niyang pag-iling. Bakas sa mukha niya ang iritasyon. "Then tell me what is wrong?" Balak pa yata niya akong gawin manghuhula.

He stared at me in disbelief. Hawak pa rin niya ang necktie. "Would you mind?"

Awtomatikong umangat ang kilay ko. Magpapaayos lang naman pala ng necktie hindi pa ako diretsohin. Pero syempre matitiis ko ba siya?

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now