Chapter Fifteen: Throw Back

67.5K 1.3K 72
                                    

Chapter Fifteen: Throw Back


Valjean's POV

"Hija, napansin mo ba ang-"

Napapitlag ako sa biglang pagsulpot ni Manang. Sa gulat ay nabitiwan ko ang hawak na sandok at tumilamsik sa akin ang mainit na mantika. Nahigit ko ang hininga at mabilis na sinapo ang napasong kamay.

"O-okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Manang na hindi malaman kung paano ako hahawakan.

Hindi ko nagawang sumagot. Agad akong tumakbo patungo sa gripo at tinapat ang kamay sa tubig. Ngunit tila hindi nakatulong iyon para maibsan ang nararamdamang pagkirot. Inabutan ako ni Manang ng yelo na kinuha nito sa freezer. "Ano ba kasi nangyayari sayo at kanina ka pa wala sa sarili mo?"

"M-may iniisip lang po ako," halos pabulong na sabi ko pagkatapos ilagay ang yelo sa kamay.

"Val!" Sumulpot si Vince sa may pinto. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito sa naabutan. "Anong nangyari?"

"Napaso siya." Si Manang ang sumagot.

Mabilis na nakalapit sa akin si Vince gamit ang wooden clutch. Pahablot niyang kinuha ang kamay ko at tinignan ang pinsala. "Hindi ka kasi nag-iingat!"

"I'm fine. Hindi naman malala ang paso ko."" Tinangka kong bawiin ang kamay ngunit hindi iyon pinakawalan ni Vince.

"Manang, pahingi pa po ng yelo." Utos ng binata.

"Okay lang sabi ako," patuloy kong giit.

He lifted his eyes on me and gave me a warning look. Hindi na ako nagpumilit at hinayaan na lang siya.

"Kailan ka pa naging careless, Valjean?"

"Ngayon lang!" Mabilis kong sagot para mapasinghap nang bigla na lang nitong diinan ng yelo ang paso ko. Siya naman ang binigyan ko ng warning look.

"Is there something bothering you? Mayroon bang nangyari sa ospital? Magmula nang umuwi tayo ay kakaiba ang pananahimik mo." Naroon ang pag-aalala sa kanyang tinig.

Umiling lang ako. Mas mabuti na iyon kaysa sa magsinungaling.

Nagdududa na tinitigan ako ni Vince. Kahit pilitin niya ako ay wala akong sasabihin sa kanya.

"Aray!" Biglang hiyaw ko. Nanadya na muli niyang diinan ang yelo sa aking kamay. "Vince-" Eksakto naman na tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng suot na short. Hindi ko naman malaman kung paano dudukutin iyon dahil sa natamong pinsala sa kamay.

"Ako na lang." Nakangisi na pagboboluntaryo ni Vince. Tinignan ko siya ng masama.

"Don't you dare!" Asik ko at basta na lang dinukot ang cp sa bulsa kahit pa masaktan ang kamay. Ang lakas ng tawa ng loko. Nasasanay na siyang asarin ako.

Nang makita ko ang pangalan ni Mildred sa screen ay bigla akong kinabahan. Nanginginig ang kamay na sinagot iyon.

"Hello mare... how is he?" Ang tinutukoy ko ay si Bryan. Bago ako umalis ng ospital ay hindi maganda ang kalagayan niya. His life is in danger. Hindi man naging maganda ang relasyon naming magpinsan, I still care for him. Ganon na lamang ang takot sa dibdib ko sa maaaring mangyari sa kanya. "Thank god!" Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang malaman kong ligtas na siya. "Mildred, one last favor... please don't tell him about me." Ayokong malaman ni Bryan na doon ako nagtatrabaho. Siguro dahil hindi pa ako handa na magkaroon ulit ng koneksyon sa kanila ni Lola Minerva.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now