Chapter Sixteen: Let Her Go

66.1K 1.2K 63
                                    

Chapter Sixteen: Let Her Go


Vince's POV

"Wake up, cry baby."

"Hmmm..." Napaungol lang ako nang maramdaman ang marahan niyang pagtapik sa balikat ko. Antok na antok ako na hindi ko magawang magmulat ng mga mata.

"Time to get up."

No response from me. Bahala siya!

"Huy! Vince the cry baby." Sinundut-sundot pa niya ako sa tagiliran.

"Vince!" This time sinadya niyang lakasan ang boses. Subalit nanadya na lalo kong isinubsob ang mukha sa unan. Hindi ko napigilang mapangiti. Parang hindi makukumpleto ang umaga ko na hindi naririnig ang kanyang masungit na tinig.

Napakislot ako nang may kumiliti sa bandang tenga ko at dahan-dahan na bumaba iyon sa aking leeg. I giggled. Ano naman bang strategy ang naisip ni Valjean para mapabangon ako?

"Vince..." Aniya sa nanunukso na tinig. Pinigilan kong mapabulanghit ng tawa. Nagpatuloy siya sa pangingiliti at hindi ko alam kung hanggang kailan ko iyon matatagalan.

Biglang nag-iba ang kanyang paraan. Hindi na ang daliri niya ang naglalaro sa likod ng tenga at leeg ko. It seems like... May kung anong gumuhit na init sa buong katawan ko. Napabalikwas ako ng bangon.

"Morning!" Nakangiting bati sa akin ni Valjean. "Si Bon lang pala ang makakagising sa'yo."

"B-bon?" Nauutal na sabi ko nang lumipad ang mga mata sa bitbit niyang maliit na aso. Napakislot ako nang may biglang dumila sa kaliwang braso ko. Hindi lang pala isa kundi dalawa silang aso.

"And this is Jovi," sabay turo ni Valjean sa isang aso. "Ang kuku-cute nila, hindi ba?"

"Bon and Jovi?"

"They are your mother's new pet."

Hindi na ako nagulat. Sa pangalan pa lang ay napakaobyus na.

"Take them away from me." Tila nandidiri na umiwas ako nang muli akong dilaan ng aso sa kamay. Parang gusto kong kilabutan nang maisip na ang mga ito ang kumikiliti sa akin kanina.

"Ang OA mo! Pahalikan kita dyan kay Bon."

"Kung ikaw kaya ang halikan ko," banta ko sa kanya.

Dedma lang si Valjean. Inabot niya si Jovi at binuhat. "Lumabas na nga tayo. Mukhang hindi maganda ang gising ng isang mama dyan." Kumawag ang buntot ng aso at hinalikan siya sa mukha. Natutuwa naman na tinanggap iyon ng dalaga.

What the! Bakit pa siya nagtitiyaga sa aso kung nandito naman ako?

"Val, look!" Sabi ko at mayabang na pinakita sa kanya na kaya ko nang maglakad ng walang gamit na wooden clutch.

"Vince, baka tumumba ka." Mabilis siyang nakalapit sa akin at inalalayan ako.

"Kaya ko na. See?" Itinaas ko pa ang binti na nakasemento. Sa isang linggo ay maaari ng tanggalin iyon. Kulang na lang ay hilahin ko ang mga araw. Hindi na ako makapaghintay. Finally, babalik na rin sa normal ang buhay ko at magagawa ko na ang mga bagay na ginagawa ko noon.

"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo." Walang nagawa si Valjean kundi pabayaan ako. Alam niya na hindi ako papipigil. Muli akong nagpalakad-lakad sa harapan niya.

"Well, good for you...as well as for me." She crossed her arms. "I can't wait to go back to hospital anyway."

Mabilis akong lumingon sa kanya. "Babalik ka na ng ospital?" Hindi ko naisip ang tungkol doon.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now