Chapter Two: Fell For You

110K 1.8K 203
                                    

Chapter Two: Falling


Valjean's POV

"Why are you here?"

Napakislot ako sa pagsulpot ni Dr. Mendoza sa aking likuran. Hindi ko inaasahan ang maaga niyang pagdating.

"Good morning," walang siglang bati ko at muling pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit sa ibabaw ng kanyang table.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Bakit nandito ka pa? I thought you were in a vacation."

"Hindi ako natuloy."

"Something came up? May pumigil ba sayo?"

Nang lumingon ako ay nakita ko ang pilyong ngiti niya sa mga labi.

"Naiwanan ako ng eroplano," halos pabulong na sagot ko. Sa tuwing maaalala ko ang katangahan kong iyon ay nalulungkot ako. Subalit kaysa magmukmok akong mag-isa sa tinutuluyan kong apartment ay naisip ko na lang pumasok sa trabaho. Nagbabaka-sakaling maka-get over ako sa katangahan ko.

"Poor Valjean, kung alam ko lang na maiiwanan ka ng eroplano, hindi ko na sana pinirmahan ang vacation leave mo." Katulad ng inasahan ko ay pinatawanan ako ni Mark. "Better luck next year."

"Next year?" Nanlaki ang mga mata ko.

Tumango siya. "Dahil hindi mo na-consume ang vacation leave mo ngayon, next year mo na ulit magagamit iyon."

"Pero Mark..."

"Val, may usapan tayo. By next month, magiging abala na tayo sa ating medical mission at nangako ka sa akin na sasamahan mo ako."

Hindi na ako nagprotesta. Isa iyon sa mga kondisyon niya kung bakit pinayagan niya akong magbakasyon.

"Ipa-rebook mo na lang flight mo. Sayang naman kung hindi ka makakauwi."

"Iyon nga ang ginawa ko kahapon at kaninang umaga. Tumawag ako at nagbakasakali na may available seat pero wala pa rin."

Ilang sandali akong tinitigan ni Mark. "I can ask a friend for a little favor. Vince's family owns an airline. Matutulungan ka niya. Iyon ay kung... Okay lang sayo?"

Bahagya akong natigilan. I don't think it's a good idea. Ngunit bago pa ako makasagot ay dinukot na niya ang cellphone sa bulsa. "Hello Vince, I need your help." Pagkaraan ay biglang kumunot ang noo ni Mark. "Busy in what?... You've already found her?" Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Sigurado ka ba na siya iyon? Paano? Bumalik na ba ang alala mo?"

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga narinig.

"No, she is not here." Hindi inaalis ni Mark ang tingin sa akin. "She's in a vacation for one month... No, hindi ko alam kung saang probinsya siya umuwi... Stop asking questions. Kung wala ka naman katibayan na siya nga ang matagal mo nang hinahanap, ngayon pa lang ay itigil mo na ang kalokohang ito. " Agad niyang ini-off ang cellphone bago ako muling hinarap. "For the meantime, ililipat muna kita sa nurse station sa kabilang building hanggang hindi ka nakakakuha ng flight pauwi sa inyo."

"Huh? P-Pero bakit?"

"Basta!" Ang tanging sagot ni Mark bago nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina at naiwan akong naguguluhan.

"Akala ko ba naka-vacation leave siya?"

"Naiwanan daw ng eroplano." At sabay-sabay silang nagtawanan. Dedma lang ako at tuluy-tuloy na naglakad. Sanay na ako sa mga co-nurses ko na walang pinagkakaabalahan kundi ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Actually, mababait naman sila. Iyon nga lang hindi na nila maiwasan ang nakasanayan. Mabuti na lang at wala akong kaibigan sa kanilang grupo.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now