Chapter Twenty Eight: Strange Feeling

46.7K 1K 41
                                    

Chapter Twenty Eight: Strange Feeling


Vince's POV

"Hey Vince! Hindi ka ba sasama sa amin?"

Bahagya lamang akong lumingon habang nagmamadaling kong kinuha ang luggage sa cabin. "Sorry guys, may importante akong lakad."

"Oh come on, loverboy! Sumama ka na," sinalubong ako ni Juliet, isa sa mga stewardess at hinila ako sa braso. "It's been awhile nang huli tayong lumabas na magkakasama." Sumang-ayon naman ang mga kapwa cabin crew. But I made up my mind.

"Captain please..." she moved closer and pressed her body to mine.Umiling ako at bahagya siyang inilayo.

"I can't. Next time na lang," inalis ko ang kamay niya at tinungo ang plug door na may ngiti sa mga labi. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa at idinayal ang number one. Ilang sandali ay narinig ko ang tinig ni Valjean sa kabilang linya. Oh I missed her so much!

Dumiretso muna ako sa condo unit. Pagkatapos magshower ay agad akong nagbihis nang mahagip ng paningin ang isang maliit na bagay sa paanan ng kama. Yumuko ako para damputin iyon. It's Valjean's nameplate. Marahil ay naiwan niya iyon noong nag-overnight siya. Hindi ko napigilang mapangiti nang bumalik sa isipan ko ang mga alaala nang gabing iyon. So sweet and memorable.

Muli kong tinitigan ang hawak na nameplate. Valjean C. Regala, iyon ang nasulat doon. Muli akong napangiti. Soon her name and mine are going to be the same. Subalit ang kumuha pa ng atensyon ko ay ang middle initial ng dalaga. Hindi ko pa naitatanong sa kanya kung ano middle name niya.

Eksaktong paglabas ko ng kuwarto ay muli kong narinig ang tinig ni Melissa sa voice call recorder.

"Vince, please answer my call. We really need to talk."

This is her tenth time. At naririndi na ako ang tenga ko sa katatawag niya. A typical of her. Pero hindi sa lahat ng oras ay kaya kong pagbigyan ang kapritsuhan niya. It can wait. Mayroon akong mas priority at hindi ko kayang balewalain.

Naman! Dismayadong napaungol ako nang mapansin na lowbat ang cellphone. Wala na akong oras para mag-charge. Hindi pa ako nakakahakbang nang makatanggap ng phone call mula kay Tyron.

"What do you want?" Angil ko sa kabilang linya.

Tyron replied with an annoying laugh.

"Easy, Vinci boy! Highblood ka naman agad! Yayain lang kita sa birthday party ni Tracy. Remember the sexy brunette we met in-"

"I'm not interested!" Mabilis kong agap sa sasabihin ng kaibigan at pinindot ang end button. Ngunit ilang sandali ay muling tumawag si Tyron. Babalewalain ko na sana iyon nang biglang mag-shutdown ang phone ko. Anak ng! Dead battery na ako. Kasabay n'yon ay pagtunog ng doorbell. I combed my hair in frustration. Aalis na nga lang ako may mga istorbo pa!

Valjean's POV

Hindi ko maintindihan ang kabang bumangon sa dibdib ko na tila mayroong mangyayaring hindi maganda.

"Where are you Vince?" I whispered softly. Wala sa loob na sinipat ang suot na wristwatch. Napaaga ako ng twenty minutes sa usapan namin ng binata. Nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya ay nagmamadali akong nagbihis at nag-ayos. It's been three days since I saw him. Ganon na lamang ang pananabik ko na makita at makasama siya. Ilang gabi rin akong hindi nakatulog ng maayos sa kaiisip sa kanya.

Kasabay nang pananabik ay naroon ang pag-aalala ko sa naisip na plano ni Mark. Kung ako ang masusunod ay gusto ko sana munang ipagpaliban ang tungkol doon. Pero katulad nang sinabi niya, ito ang tamang panahon.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now