Chapter Five: Replaced

84.2K 1.4K 138
                                    

Chapter Five: Replaced


Valjean's POV

Where are they?

Halos limang minuto pa lang ang nakakaraan nang iwanan ko si Vince kasama si Tyron, na palagi na lamang nakadikit sa kanya. Ngunit pagbalik ko sa kuwarto ay wala na silang dalawa. Nagpapanic ang loob na lumabas ako ng silid. Eksakto naman na nakasalubong ko si Mildred sa hallway.

"Mare, nakita mo ba ang pasyente ko?"

"Nakita ko sila na papunta roon." Nakangiti na itinuro niya ang pinanggalingan. "Kasama pa nga niya ang kaibigan niya na guwapo rin."

Kung tama ang hinala ko ay nagbabalak na tumakas ang magkaibigan. Madalas ko kasing naririnig kay Vince ang kagustuhan niya na makalabas ng ospital. Naisip kong tawagan ang security sa entrance at basement para mapigilan sila sa pag-alis. Siguradong malalagot ako kay Mark sa oras na makalabas ng ospital ang dalawa.

"Wooah! Easy, Valjean." Sa sobrang pagmamadali ay nabunggo ko si Louie. Mabuti na lang at naagapan niya ako sa braso bago pa ako mabuwal.

"Sorry," hindi lumilingon na sabi ko. "And thank you." Muli akong naglakad palayo. Pagliko ko ng hallway, malayo pa lang ay natanaw ko na si Mark. Napahinto ako at pumihit pabalik.

"Valjean!" Narinig kong tawag niya. Pero tuluy-tuloy ako na tila hindi ko siya narinig. Mabuti na lang at nagbukas ang nadaanan kong elevator at mabilis na sumakay roon.

Bumaba ako sa basement. Naisip ko na baka roon dumiretso ang dalawa. Naroon kasi ang sasakyan ni Tyron. Pero wala akong nakita na ibang tao roon maliban sa janitor. Nang magtanong ako ay wala naman daw itong napansin.

Pabalik na ako sa elevator nang makita kong pasara iyon. "Kuya, wait!" Sigaw ko. Mabuti na lang at narinig ako ng elevator boy.

"Sorry po, Mam, pero overloaded na po."

Doon ko lang napansin na puno na ng pasahero ang loob ng elevator. Napilitan akong umatras nang bigla akong may naalala. "Kuya, magtatanong na lang ako. Mayroon bang sumakay dito na dalawang lalaki na matangkad? Iyong isa ay naka-wheelchair."

Ilang sandali itong nag-isip.

"Pareho silang guwapo. Pero mas guwapo iyong naka-wheelchair. Mestiso, matangos ang ilong at-

"Parang mayroon po. Hindi lang ako sigurado. Sa rooftop po yata sila nagpunta."

Parang? Hindi pa sure? Pero at least may lead na ako kung nasaan silang dalawa. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng relief.

"Salamat, Kuya," pahabol na sabi ko bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator. Nagmamadali kong tinungo ang hagdanan. No choice! Puno na ang elevator at mapipilitan akong maghagdan paakyat. Mabuti na lang at limang palapag lang ang building na iyon. Pero kahit na, nanakit pa rin ang mga binti ko at hiningal ako ng todo.

Makakatikim talaga ng pektus sa akin ang dalawang iyon sa oras na makita ko sila!

"Grabe naman makasampal ang nurse na iyon. Halos mamaga ang pisngi ko sa bigat ng kamay niya."

Napahinto ako sa paghakbang nang mabosesan ko ang tinig ni Tyron.

"Ang malas mo lang dahil hindi mo siya nakuha sa killer smile mo," tumatawa na sabi naman ni Vince.

Mabilis na tinungo ko ang pintuan at mula roon ay nakita ko ang dalawang binata malapit sa veranda.

"Kasalanan mo ito, Vinci Boy. Tama bang hipuan mo siya? Pagkatapos ako ang itinuro mo. Ako tuloy ang nasampal imbes na ikaw."

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now