Chapter Twenty Seven: The Decision

47.5K 1.1K 45
                                    

Chapter Twenty Seven: The Decision


Valjean's POV

The next morning, I'm silly and light. Gusto ko pa sanang matulog nang maramdaman kong wala na akong katabi. Kinapa ko ang gilid ng kama. Wala na si Vince roon but it was still warm, tanda na kababangon pa lamang niya. Bumangon ako at inayos ang sarili paupo sa kama. Yakap-yakap ko ang unan niya. Pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako.

What happened last night was more than wonderful. It was magical. Of course we made love, but not in the real sense of the word. Nakakabilib ang self-control ni Vince. Nagawa pa rin niyang pigilan ang sarili sa kabila ng mga nag-aalab naming damdamin. He said that I'm special. Ibang-iba raw ako sa maraming babae na dumaan sa buhay niya. Mga babaeng hindi man lang niya nagawang seryosohin. And he will never treat me like those girls. Dagdag pa ni Vince, hindi namin kailangang magmadali at willing siyang maghintay para roon. Gusto niya na maging memorable ang first night ng kasal namin.

Oh my! Hindi pa nga siya nagpo-propose kasal na agad ang naiisip niya!

Nakapaskil ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa kawalan. Binalikan ko sa isipan ang nangyari kagabi. Ang matamis na mga halik ni Vince, gayundin ang mga sinabi niya sa akin.

He loves me. He was still in love with me. Mula noon at hanggang ngayon, iisang babae lamang ang minahal niya ng lubos. Magkaiba man ng panahon, ako pa rin naman iyon. Kung nalalaman lang niya, wala na sana akong alalahanin. Ito na siguro ang tamang panahon. Kailangan nang malaman ni Vince ang totoo.

Bumaba ako ng kama at lumabas ng silid. Inaasahan ko na maaabutan ko si Vince sa kusina. Ngunit wala siya roon. Nahagip ng mata ko ang note na nakadikit sa pinto ng ref. Sumaglit lang daw siya sa labas para bumili ng almusal namin dalawa.

Napangiti ako. Bubuksan ko sana ang ref nang biglang tumunog ang landline phone sa sala. Hinayaan kong mag-ring iyon hanggang sa marinig ko ang boses ni Vince sa voice recorder.

"This is Vince, I'm not home today. Just leave your message and I'll try to call you back." End of tone.

"It's me Melissa..."

Na-freezed ang kamay ko sa pagkuha ng tubig at marahas na napalingon sa kinaroroonan ng telepono.

"We need to talk, Vince. May kailangan kang malaman tungkol kay Valjean Calderon. I know where she is." Iyon lang at muling tumunog ang end tone.

May ilang sandali akong tinulos sa kinatatayuan. Anong gagawin ko? Gusto kong mag-isip ngunit ayaw naman gumana ng utak ko. Unti-unti nang kinakain ng takot ang sistema ko.

"Honeybee!"

I almost jumped in surprise. Hindi ko namalayan ang pagdating ni Vince.

"What's the matter?" Kunot-noo na tinitigan niya ako na may pag-aalala sa kanyang mukha.

Umiling ako at pilit na ngumiti. "Nagulat lang ako. Bigla ka na lang kasing sumusulpot." Niyuko ko ang bitbit niyang paperbag at kinuha iyon. "Ako na ang maghahanda. Maupo ka na lang."

"Kukunin ko lang ang cellphone ko sa kuwarto," aniya na nangmamadaling tinungo ang silid para muling bumalik. "I forgot my good morning kiss." He bends his head and gave me a devastating kiss. At ilang sandali pa ay nawala na siya sa paningin ko.

Napatigil ako sa ginagawa nang muling marinig ang voice call ni Melissa. This time she was begging him to meet her personally. Inaasahan ko na maririnig iyon ni Vince. Hindi lang ako sigurado kung ano ang magiging reaksyon niya pagkatapos. Nang bumalik ang binata ay tila wala namang nagbago sa mood niya at naging magana pa siya sa pagkain.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now