Chapter Eight: First Love

84.7K 1.4K 128
                                    

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa para kay Vinci Boy. Grabe naman kung apihin ninyo siya sa comment box. Oh well, may katangahan man siya pero may dahilan naman kung bakit siya ganon. At sana sa chappy na ito ay maliwanagan ang isip ninyo kung ano ang mga pinagdaanan ni Vince noon bago siya naging tanga ngayon. (Promise, frienship ito na ang huling beses na tatawagin kong tanga ang lovey-dovey mo, hehe!!)

Everything happens for a reason. 

Enjoy reading everyone.


Chapter Eight: First Love


Vince's POV

Muntikan ko nang maihagis ang hawak kong magazine nang bigla na lang sumulpot si Mark sa kuwarto ko. Wala akong kamalay-malay na nakapasok na pala siya sa loob habang abala ako sa pagbabasa.

"Ginulat mo naman ako!"

"Surprise," walang gana na sabi niya. Obyus na nang-iinis lang.

Ngunit hindi siya nag-iisa. May lalaking nakasunod sa kanyang likuran. Pamilyar sa akin ang mukha nito at sa tantiya ko ay hindi naman sila nagkakalayo ng edad ni Mark.

"Akala ko ba mamayang hapon ka pa darating?" Tanong ko sa kaibigan. Nang tawagan ko siya kanina ay mamaya pa raw ang free time niya. Marami raw kasi siyang pasyente sa ospital.

"Nandito na kami, ano pa ang nirereklamo mo?"

Hindi na ako nagulat sa pagsusungit niya. Lately, napapansin ko palagi na lang mainit ang kanyang ulo. Lihim akong napangiti nang maisip ko na baka malapit na siguro siyang mag-menopause.

"Bakit nag-iisa ka rito?" Kunot-noo na tanong ni Mark.

"Is Valjean around?" Tanong naman ng kasama niya lalaki.

Bagaman nagulat sa narinig ay hindi ko iyon pinahalata. How come at kilala niya si Valjean?

"Lumabas lang siya sandali. May bibilhin lang sa supermarket.

Tumikhim si Mark. "By the way, this is my cousin, Dr. Louie Mendoza. He is the psychiatrist that I'm talking to you."

Humakbang palapit sa akin si Loiue at nakipagkamay. Napilitan naman akong tanggapin iyon.

"Kuya, nakita mo ba si-" Hindi naituloy ni Cyrhel ang sasabihin nang makita ang mga bisita ko. "Mark, este Kuya Mark nandito ka pala," she said smiling with sparkle in her eyes.

Tinanguan lang ng kaibigan ang kapatid. "This is my cousin, Louie," sabay turo sa kasama.

"Hi." Nakangiti na bati ni Louie.

"Helllo..." Mas lalong lumuwag ang pagkakangiti ni Cyrhel. "Ikaw pala ang sinasabi ni Miss Valjean na kamag-anak ni Kuya Mark. Tama nga siya. Pareho kayong guwapo."

"Really? Sinabi niya iyon?" Natatawa na tanong ni Louie.

Tumango ng sunud-sunod ang kapatid.

"Hey you, get back to your room," utos ko kay Cyrhel. "May mahalaga pa kaming pag-uusapan."

"Kuya..." Hihirit pa sana siya nang bigla kong panlakihan ng mga mata. "Oo na, aalis na nga po!" Hindi maipinta ang mukha na lumabas siya ng silid nang bigla siyang sumungaw ang kanyang ulo. "See you later mga pogi!" Iyon lang at nawala na siya ng tuluyan.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now