Chapter Twelve: Innocent Curiousity

72.3K 1.3K 157
                                    

Chapter Twelve: Innocent Curiousity


Valjean's POV

"What is this?" Kunot-noong tanong ni Mark sa papel na inilapag ko sa ibabaw ng mesa niya.

"See for yourself," I said seriously. Pinag-isipan kong maigi ang tungkol sa bagay na iyon at sigurado ako sa naging desisyon ko.

Hindi man lang nag-abalang basahin iyon ni Mark at inihagis ang papel sa harapan ko. "I won't accept it. Kahit mag-tumbling ka pa sa harapan ko, hindi ko matatanggap ang resignation mo."

Napasimangot ako sa narinig. Minsan na nga lang siya mag-joke, hindi pa nakakatawa.

"This is an irrevocable resignation and it's effective as soon as you read it."

"But I haven't read it yet."

Napapadyak ako sa inis. "Mark, I'm serious. Gusto ko nang mag-resign at hindi mo ako mapipigilan."

"Then gave me a valid reason," he said. Hindi man lang nag-abalang lumingon sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang hawak na medical chart.

"Hindi mo na kailangan tanungin dahil sigurado ako na alam mo na ang valid reason ko."

"Si Vince na naman ba?" Umayos ng upo si Mark at doon lamang ako pinagtuunan ng pansin. "Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang ikinatatakot mo kung sakaling bumalik ang alaala niya. Care to tell me?"

Nagkibit-balikat lang ako at kahit pilitin niya ako ay wala siyang maririnig mula sa akin.

"This is your chance to speak. Malay mo magbago ang isip ko at tanggapin ang iyong resignation."

No! I will not bite his bait. Kung hindi ko siya kilala ng lubos ay baka maniwala pa ako sa kanya. For sure, gusto lang niyang sumagap ng impormasyon para sa kanyang kaibigan.

"Think about it. I'll give you five minutes."

"Kahit pa five hours ang ibigay mo wala akong sasabihin sa'yo."

"Why? Natatakot ka ba na maalala ni Vince ang tungkol sa hindi magandang nangyari sa inyo noon."

"Bakit naman ako matatakot? Kung anuman ang nangyari sa amin noon ay matagal nang tagal tapos iyon."

"You're right. Matagal nang tapos iyon. Pero sa nakikita ko sa'yo mukhang hindi ka pa nakaka-move on mula roon."

"I'm not the same person like before. Hindi na ako ang dating Valjean."

"Maybe you changed a lot. But you can never change the fact that you're still inlove with him."

"Hindi totoo iyan!" mariin kong sabi sabay tayo. "It happened ten years ago and its more than enough to forget what I felt for him. I moved on. I'm pretty sure about it."

Me and my mouth! Huli na nang ma-realized ko ang mga pinagsasabi. Ako pala mismo ang magpapahamak sa sarili ko.

Amused na ngumit si Mark at parang nahuhulaan ko ang tumatakbo sa kanyang isip. "If that so, then you don't have any reason to quit. Hindi mo kailangan mag-resign sa trabaho mo."

"Pero Mark-"

"This conversation is over," agap niya sa sasabihin ko at bago ko pa siya mapigilan ay mabilis niyang pinunit ang ginawang resignation letter sa aking harapan.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now