Chapter Seven: Reminds Me Of Her

83.9K 1.5K 172
                                    


Chapter Seven: Reminds Me Of Her


Vince's POV

It's my life,

It's now or never

I ain't gonna live forever

I just want to live while I'm alive...

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ang malakas na tugtog na iyon.

"Sorry..." Ang nakangiting si Valjean ang bumungad sa paningin ko. Nasa harapan siya ng malaking sound system ni Mama.

Naman! Muli akong bumalik sa pagkakahiga at isinubsob ang mukha sa nadampot na unan. Nasa kasarapan ako ng pagtulog para magpatugtog siya ng malakas. Ang masama... Bon Jovi song pa!

"Hindi ko sinasadya na pakialam ang stereo mo. Nakatodo pala ang volume. Sorry." Sabi niya ulit.

Naramdaman ko na lang ang presensya niya sa tabi ko. "Mahilig ka pala kay Bon Jovi. Sa sobrang pagka-fanatic mo may life size statue ka pa. Are you sure hindi ito gumagalaw sa gabi?"

"You're talking too much!" Naiirita na sabi ko at inalis ang nakatakip na unan sa mukha ko. "Get out. Gusto ko pang matulog."

"No! Hindi ka puwedeng matulog."

"Why not?"

"Dahil wala ka nang itutulog at saka lalabas tayo para mag-stroll. Kailangan mo rin naman masikatan ng araw at makalanghap ng sariwang hangin. You need to freshen up."

Biglang nagbago ang timpla ko nang marinig ang sinabi niya. Naiinip na ako at gusto ko rin lumabas ng bahay. "Saan tayo pupunta?" Naisip kong itanong habang tinutulungan ako ni Valjean na bumangon.

"D'yan lang... Sa bakuran nyo."

Dismayado na muli akong humiga. "Hindi bale na lang! Matutulog na lang ulit ako."

"Saan ba ang akala mo? Hinawakan ako ni Valjean sa braso at pilit na binabangon. "Vince, get up! Ano ba? Bumangon ka na dyan!"

Nanadya na lalo akong nagpabigat at nagtulug-tulugan.

"Vince naman eh!" Sa kapipilit ni Valjean na hilahin ako ay nabuusan siya ng lakas at biglang nabuwal, padapa sa harapan ko. Suddenly, bigla akong naging aware sa malambot na dibdib na nasa ibabaw ng katawan ko. I could also feel her heartbeat. And I was surprised that my heart just couldn't stop beating crazy.

"Vince, let me go!"

Saka ko lang namalayan na nakapulupot na pala ang mga braso ko sa kanya. Agad ko siyang pinakawalan. Nagmamadali naman bumangon si Valjean at tumayo. Sinadya pa niyang diinan ang dibdib ko dahilan para mapaubo ako.

"Pasaway ka talaga!"

"Kasalanan ko pa ngayon?" Ganting angil ko habang sapo ng kamay ang nasaktan na dibdib. "Ikaw kaya ang bigla na lang nag-dive sa akin."

"Hindi ako nag-dive. Hinila mo kaya ako," pagdadahilan niya. Doon ko lang napansin ang pamumula ng kanyang mukha na bahagya niyang ikinukubli sa akin. "Hindi ka ba talaga babangon dyan? O gusto mong injection-an kita?" Banta pa ni Valjean.

Kung inaakala niya na matatakot ako roon ay nagkakamali siya. Kabibigay niya lang akin ng isang shot kanina. At alam kong isang beses lang iyon sa isang araw. Pero nang makita ko ang hawak niya ay biglang nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. "Eto na nga po at babangon na!"

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now