Chapter Twenty Nine: Then and Now

45.9K 1.1K 37
                                    

Chapter Twenty Nine: Then and Now


Vince's POV

"I couldn't just sit here and wait," iritatong sabi ko habang nakatanaw sa labas. Kanina pa ako hindi mapakali at parang gusto ko nang bumaba ng kotse. "Mark, we really need to do something."

Mag-iisang oras na kaming nag-aabang sa loob ng sasakyan. Nagbabakasakali na bumalik si Valjean sa coffee shop. Kung ako ang masusunod ay kanina ko pa ini-report sa mga pulis ang pagkawala niya. Ngunit pinigilan ako ng kaibigan. Hindi pa naman daw kami sigurado kung mayroon talagang masamang nangyari sa dalaga.

Subalit dalawang oras na ang lumipas ay wala pa rin kami makuhang impormasyon sa kanyang kinaroroonan. Halos natawagan ng lahat ni Mark ang mga kaibigan at kakilala ni Valjean. Ngunit kahit isa sa mga ito ay walang makapagsabi kung nasaan siya. Sinubukan na rin namin siyang i-trace thru GPS pero hindi rin iyon nakatulong dahil naka-off ang kanyang cellphone.

What should I do? Paulit-ulit kong tanong sa sarili. Masyado nang kinakain ng takot ang isipan ko kaya hindi ako makapag-isip ng tama. Basta ang alam ko kailangan may gawin akong paraan. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko natatagpuan si Valjean.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang pigilan ako ni Mark.

"Stay," utos niya. "And wait."

"Hanggang kailan? We couldn't just wait here while Valjean is out there. Hindi nga natin alam kung nasa mabu-

"Be patient, Vince. Maghintay pa tayo kahit sandali lang. Trust me," kampanteng sabi niya habang abala sa pagpindot ng kanyang cellphone.

Subalit duda ako sa 'trust me' na sinasabi ng kaibigan. Pakiramdam ko ay mas lalo lamang akong kinabahan.

"I'll find her."

"At saan mo naman hahanapin si Valjean?" Tanong niya na hindi pa rin lumilingon sa akin. "Hindi sa pinipigilan kita, Vince. Pero kailangan nating pagplanuhan kung saan tayo magsisimula. Hindi tayo pwedeng basta na lamang susugod nang wala tayong pinanghahawakan na lead."

I could see his point. Pero hindi pa rin ako kumbinsido. "Saan tayo makakakuha ng lead kung nandito lang tayo at naghihintay sa wala?"

"Sir, okay na po ang cctv footage." Basta na lamang sumulpot ang guwardiya sa bintana ng kotse na ikinagulat naming pareho ni Mark.

"Okay. Let's go, Vince." Mabilis na bumaba ng kotse ang kaibigan. Kahit naguguluhan ay sumunod na lang ako sa kanya at pumasok sa loob ng coffee shop.

Nakunan ng CCTV si Valjean habang naghihintay sa isang mesa na malapit sa glass wall. Maya-maya ay kinuha niya ang phone sa loob ng kanyang bag at dalawang beses na nag-attempt na mag-phone call. Pagkaraan ay bigla na lamang siyang tumayo, bitbit ang bag ay nagmamadali siyang lumabas ng coffee shop. Mula naman sa cctv sa labas ay nakunan rin ang pagpara at pagsakay ng dalaga ng taxi.

"Stop there!" Utos ni Mark sa nag-ooperate ng cctv footage. "Paki-zoom ang pintuang bahagi ng taxi. Sir, pwede po bang makahiram ng ballpen at papel?" Agad namang tumalima ang isang staff at mabilis na inaabot mga iyon sa kaibigan. "Salamat."

Nakamata lamang ako habang isinusulat niya ang pangalan ng operator ng taxi. Muling iniutos ni Mark na i-rewind ang video bago umalis si Valjean at pinaulit-ulit iyon. Pagkatapos ay binalingan ako ng kaibigan.

"What do you think, Vince?"

Napansin ko rin sa video ang tinutukoy niya. May binasang text message si Valjean sa kanyang cellphone bago pa siya nagmamadaling lumabas ng coffee shop. Iyon marahil ang dahilan nang biglaang niyang pag-alis.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now