Chapter Seventeen: First Move

65.8K 1.3K 119
                                    

Chapter Seventeen: First Move


Vince's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako gaanong kinikibo ni Valjean. Kinakausap lang niya ako kung may itatanong lang siya sa akin. Halos hindi siya magsalita kanina sa buong biyahe. Kahit noong nasa ospital kami para sa therapy ko ay hindi niya ako pinapansin. Mas gusto pa niyang kausap ang mestisong hilaw na iyon. Obyus na malamig ang pakikitungo niya pagdating sa akin. At alam ko na malaki ang kinalaman n'yon sa nangyari sa amin kahapon.

Aminado ako na hindi ko makontrol minsan ang aking temper. But what happened yesterday was a misunderstanding. Hindi lang kami nagkaintindihan at hindi ko rin intensyon na pagtaasan siya ng boses.

Makailang beses kong sinubukan na humingi ng sorry sa kanya. Subalit hindi ako makahanap ng tamang tiyempo dahil palagi na lang may sumulpot na asungot. Katulad ngayon, kasabay namin si Cyrhel na kumain ng hapunan. Gustuhin ko mang kausapin si Valjean tungkol sa nangyari kahapon ay hindi ko magawa. Knowing my little sister, hindi lang siya makikialam kundi baka makagulo pa sa sitwasyon namin dalawa ng dalaga.

Napakislot ako nang may biglang sumipa sa paa ko sa ilalim ng mesa. Mabuti na lang at hindi ang may pinsala kong binti ang tinamaan. Tinignan ko ng masama si Cyrhel at gumanti ng sipa sa kanya. Ngunit mabilis naman siyang nakaiwas. Mayroon siyang sinasabi sa hangin na hindi ko maintindihan.

What? I asked in a mute voice.

She rolled her eyes. Pagkatapos ay ininguso ang direksyon ni Valjean. Tahimik na kumakain ang dalaga at walang kamalay-malay sa senyasan naming magkapatid.

What about her? I asked again.

LQ kayo? Balik tanong niya.

Umiling ako.

May ginawa kang kasalanan sa kanya?

Umiling ulit ako. Walang akong aaminin, lalo na pagdating sa kanya.

Weh? Nagdududa na tinitigan ako ni Cyrhel. Hindi na ako kumibo. Alam kong hindi niya ako titigilan.

"Ate Valjean-aray!"

Mabilis na umigkas ang binti ko sa ilalim ng mesa bago pa siya makapagsalita.

"Kuya, bakit ka ba naninipa? May itatanong lang naman ako."

Shut your mouth! Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Umismid lang ang kapatid.

Nakamasid lang sa amin si Valjean. Bagaman naroon ang pagtataka sa kanyang mukha ay pinili pa rin niyang manahimik. At hindi ako sanay na makita siyang ganoon.

Nangibabaw ang tunog ng ringtone ng cellphone. Kay Valjean pala iyon at agad niyang sinagot ang phone call.

"Hello Mark, napatawag ka."

Nagsalubong ang mga kilay ko nang lumipad ang tingin ni Valjean sa akin. Sandaling nagtama ang aming mga mata. Siya ang unang umiwas. May palagay ako na may kinakalaman ang tawag na iyon ng kaibigan sa akin.

"Okay, ako na lang ang magsasabi sa kanya," aniya pagkatapos mawala ang kausap sa kabilang linya. Halos hindi ako humihinga habang hinihintay ang kanyang sasabihin.

"Ang sabi ni Mark sa isang araw na raw tatanggalin ang cast sa binti mo." Hindi tumitingin na sabi niya sa akin.

Lalo lamang nagsalubong ang mga kilay ko. "Akala ko ba next week pa? Iyon ang sabi niya sa akin kanina." Hindi ko inaasahan na mapapaaga. Dahil ang ibig sabihin din n'yon ay mapapaaga rin ang pag-alis ni Valjean.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now