Chapter One: It's Her!

119K 2K 215
                                    

Chapter One: It's Her!


Vince's POV

Napabalikwas ako sa pagkakadapa nang may biglang humampas sa puwetan ko. "Aaahh!!" Sigaw ko. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang itinurok sa akin kahapon.

"Mama naman!" Nanlulumo na isinubsob ko ulit ang mukha sa unan nang makita siya. "Bakit na naman kayo nandito?"

"Nandito ako dahil na-miss ko ang anak ko na mag-iisang buwan ng hindi umuuwi sa bahay."

"Hindi ko kailangan umuwi sa atin dahil may sarili akong bahay," halos hindi maintindihan na sabi ko dahil sa patuloy na pagkakasubsob sa unan.

"Bahay ba na matatawag itong condo mo? My god, Vince! Ang kalat-kalat ng buong paligid. Sigurado ako na ka-jamming mo na dito ang mga daga at ipis sa sobrang dumi ng lugar mo."

Napaungol ako. Ang OA ni Mama. Hindi ko lang nailigpit ang mga nakalat kong magazine sa salas ay madumi na agad para sa kanya.

"Vince, nakikinig ka ba sa akin?"

Hindi ako sumagot. Mas gusto kong matulog kaysa makipagtalo sa kanya.

"Aahh!" Muli kong sigaw ng hampasin niya ulit ako sa puwet. Napabangon tuloy ako.

"Anong nangyari sa'yo? May pinsala ka ba?" Nagtatakang tanong ni Mama.

"I'm fine, Ma!" Pagkakaila ko. "Bakit nga pala kayo nandito? May kailangan na naman ba kayo sa akin?"

She nodded. With this smitten smile on her face.

"What is it?" Labas sa ilong na sa tanong ko. Parang nahuhulaan ko na ang tumatakbo sa isipan niya.

"I'm going to London for-"

"For Bon Jovi world tour concert," agap ko sa sasabihin niya. Nabasa ko sa internet ang tungkol doon. At hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman iyon. "Mama! Kaaalis nyo lang last month para manood ng concert niya, tapos manonood na naman kayo? Hindi na ba kayo nagsasawa sa pagmumukha ng Bon Jovi na iyon?"

"You knew how much I love him. Mas mahal ko pa siya sa Papa mo."

I rolled my eyes. Hindi pa yata ako pinapanganak ay adik na si Mama kay Bon Jovi. Sa sobrang pagka-adik niya muntikan nang maging Bon Jovi ang pangalan ko, mabuti na lang at to the rescue si Papa. Every morning parang national anthem na sa bahay ang mga kanta ng paborito niyang singer. Paulit-ulit na lang. Kaya tuloy minsan napagtripan kong ibaon sa ilalim ng lupa ang mga CD niya sa likod-bahay. Mabuti na lang at hanggang ngayon ay hindi pa niya nalalaman ang tungkol doon.

"Fine!" I crossed my arms. "You may go if that is what you want. Kahit pigilan ka namin ay hindi ka rin naman magpapapigil."

"I'm not here to asked for your permission. Besides pinayagan na ako ng Papa mo. I came here para ibilin sayo ang nakakabata mong kapatid."

"What about Cyrhel?" Pakiramdam ko ay biglang kumirot ang sentido ko sa pagkakarinig sa pangalan ng pasaway kong kapatid.

"I want you to keep your eyes on her. Grounded siya ngayon sa bahay. Isang buwan siyang hindi pwedeng lumabas."

"Anong akala nyo sa akin, babysitter?" Reklamo ko. "She's old enough, Ma. Let her be."

"Basta! Ikaw lang ang maaasahan kong magbabantay sa kanya. Alam mo naman ang Papa mo, sanggang-dikit sila ni Cyrhel. Sigurado ako na kukunsintihin na naman niya ang kanyang bunso."

"Pero Mama..."

"Sige na anak, pagbigyan mo na ako," paglalambing niya at niyapos ako ng mahigpit. Napa-oo na lang ako. No dice! Kahit naman tumutol ako wala rin naman akong choice.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now