Chapter Nineteen: She Cares

57.8K 1.3K 91
                                    

Chapter Nineteen: She Cares


Valjean's POV

Wala kaming kibuan sa loob ng sasakyan habang patungo ng ospital. Si Tyron ang nagmamaneho, nasa tabi naman nito si Mark na nakatulog sa sobrang kalasingan. Nasa backseat naman kaming dalawa ni Vince. Bagaman magkatabi ay napapagitnaan kami ng malaki kong bag na ayokong mahiwalay sa akin. Naroon kasi ang mga personal kong gamit.

"Ang sikip naman," reklamo ni Vince na hindi mapakali sa kinauupuan.

Kunwari ay wala akong narinig habang nakatingin sa labas ng bintana. Pakialam ko kung nasisikipan siya. Kung tutuusin ay mas maluwag pa ang puwesto niya keysa sa akin.

Nasira ang mga plano ko para sa araw na ito. Buong akala ko ay makakauwi na ako sa inuupahang apartment. Ang balak ko sana ay matulog nang mahabang oras. Bukod sa napuyat ako dahil sa paglalasing ni Vince, ay nanakit din ang buong katawan ko nang dahil sa kanya. Balak ko din sanang magliwaliw sa mall pagdating ng hapon at kumain sa mga paborito kong kainan. At higit sa lahat nangangati na ang mga paa ko na mag-shopping.I really miss my old life. Di bale, bukas sa akin na ang lahat ng oras ko.

Napalingon akong bigla nang marinig kong umungol si Mark sa unahan. Dudukwangin ko sana siya nang pigilan ako ni Vince.

"He's fine."

"Nanaginip siguro ang loko," nangigiti namang sabi ni Tyron. Pero duda ako sa mga sinabi nila.

"Hindi nyo ba nakikita? Nahihirapan si Mark sa puwesto niya. Tyron, itabi mo muna sandali ang kotse at ilipat ninyo si Mark dito sa backseat."

"Hindi na kailangan. Malapit na tayo sa ospital," kontra ni Vince.

Hindi ko siya pinansin. "Tyron please..."

"Don't listen to her." Si Vince.

"Don't listen to him." Ako.

Napakamot ng ulo ang binata. "Sino ba ang susundin ko sa inyong dalawa?"

Nagkatinginan kami ni Vince.

"Sinabi ko naman sa inyo na iwanan na lang nating si Mark sa bahay ninyo." Naiinis kong sabi. Kanina ko pa iyon ginigiit sa kanila bago pa kami umalis pero ayaw nilang makinig. "Mas makakapaghinga sana siya roon ng maayos."

"Ano sa palagay mo ang gagawin ni Cyrhel sa oras na malaman niyang naroon si Mark sa guestroom? Hindi siya ligtas sa mga kamay ng kapatid ko."

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata.

"I don't think she can harm him. Hindi naman siguro niya gagawin kay Mark ang ginawa niya kay Ty-" Oops! Muntikan ko nang masabi ang hindi dapat sabihin. Eksakto naman na tumingin sa akin si Tyron mula sa rear mirror. Nagpamatay-malisya ako.

"Hindi mo kilala ang kapatid ko. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin lalo na sa taong gustung-gusto niya."

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan sa kapatid mo." Binigyan ko ng matalim na sulyap si Vince. Parang gusto ko na tuloy magduda kung magkapatid nga ba silang tunay.

Akmang dudukwangin ko si Mark nang muli niya akong pigilan.

"Okay lang sabi siya. Hindi mo na kailangang mag-alala."

Kinabig ko ang kamay ni Vince at pilit na inabot ang binatang doktor.

"May sinat siya!" bulaslas ko nang hipuin ang noo nito.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now