Chapter Twenty: Wake Up Call

59.1K 1.4K 127
                                    

Chapter Twenty: Wake Up Call


Vince's POV

Nang magmulat ako ng mga mata ay tumambad sa akin ang alarmclock sa ibabaw ng bedside table. Alas otso pasado na ng umaga. Tanghali na ngunit hindi pa rin ako ginigising ni Valjean.

Naghihilik pa siguro ang babaing iyon!

Mabigat ang katawan na bumangon ako at parang zombie na lumabas ng kuwarto upang lumipat sa kabila. Hindi na ako nag-abalang kumatok. Mabuti na lamang at hindi naka-lock ang pinto.

"Valjean, baka gusto mong bumangon na? Tanghali na kaya!"

Subalit wala akong naabutan na Valjean sa ibabaw ng kama. Sa halip ay unan na maayos nakahilera at kumot na halatang hindi nagagalaw ang naroon.

Isang araw lang ang lumipas ay nagka-amnesia na agad ako. Wala na si Valjean. Kahapon pa siya umalis at tuluyan tinapos ang pagiging private nurse niya sa akin.

Padapa akong nag-dive sa kama at niyakap ang nahagip na unan. I could still smell the sweet scent of her. Bigla ko siyang na-miss at nahiling na sana ay naririto pa rin.

"Morning, son," bati sa akin ni Mama nang bumungad ako sa komedor. Kumpleto na silang lahat at ako na lamang ang hinihintay nila.

"Bakit ang aga mo nagising? May lakad ka ba, iho?"

"Pa, anong maaga? Tanghali na kaya," nangingiti na sabat ni Cyrhel.

"Magre-report na ako sa trabaho," matipid kong sagot at hindi pinansin nag nakakalokong tingin ng nakababatang kapatid.

"Where is she? Hindi ba siya sasalo sa atin na mag-agahan?" Tanong ni Papa na nagpaangat ng mukha namin lahat.

"What? Bakit ganyan kayo makatingin? Hinahanap ko lang naman ang nobya ni Vince."

Agad akong binalingan ni Mama. "Nagdala ka ng babae dito sa bahay?"

Napabulanghit ng tawa si Cyrhel.

"Mama, si Ate Valjean ang tinutukoy ni Papa."

"Vince, nobya mo ba si Valjean? Kailan pa?"

"Ma, asa ka pa na magiging girlfriend ni kuya si Ate Valjean. Napakatorpe kaya ng binata ninyo- aray!"

Mula sa ilalim ng mesa ay sinipa ko si Cyrhel sa binti.

"Private nurse ko si Valjean at hindi nobya, okay?" Naiinis na sabi ko. Umagang-umaga ay nasa hot seat ako. Hindi pa man din maganda ang gising ko.

"Sayang naman kung hindi mo magiging nobya si Valjean. Gusto ko pa naman siya para sa'yo."

"Ikaw talaga, Vicente puro ka kalokohan," kinurot ni Mama sa tagiliran si Papa.

"Seryoso ako. Nasa tamang edad na si Vince para lumagay sa tahimik. Besides, gusto ko na rin magkaroon ng sariling apo."

Muntikan ko nang maibuga ang nasa bibig.

"Anak, kapag si Valjean ang nakatuluyan mo siguradong mabibigyan ninyo kami ng magagandang apo ng Mama mo. Hindi ba, Honey?" anito na nilingon ang asawa.

Nangingiti lang na sumang-ayon si Mama.

"Gusto ko na rin magkaroon ng mga pamangkin. Kahit apat lang puwede na," pakikigulo pa ni Cyrhel.

Kababalik ko pa lamang ay napasabak na agad ako sa isang closed door board meeting. Hindi kasi naka-attend si Papa. Mayroon silang importanteng lakad ni Mama na hindi nila maipagpaliban. Hindi rin naman ako maka-hindi. Isang buwan din akong nawala at kailangan kong makabawi.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now