Chapter Thirty Two: The Finale

55.6K 1.5K 89
                                    

This is the finale episode of BBDC. Nakakagulat pero iyon po ang totoo. Kailangan ko na pong tapusin ang love story nila Vince at Valjean dahil overdue na po. Sa lahat ng isinulat ko ay ito na yata ang pinakamatagal (running for almost seven months!) Medyo nagkaroon lang ako ng personal issues habang isinusulat ko ito, isa na rin siguro ay pagiging busy sa work. But don't worry, finale episode man ito ay mayroon pa naman epilogue. Sana ay suportahan ninyo ang pagtatapos ng love story ni Vinciboy aka Hari ng Sablay. Enjoy c^__-y


Chapter Thirty Two: The Finale


Valjean's POV

Nasilaw ako sa matinding liwanag na sumalubong sa akin. Muli akong pumikit upang mapaungol nang makaramdam ng pananakit ng ulo.

"Ate Val..." Pamilyar sa akin ang tinig na iyon ng babae.

"Hey, sleeping beauty time to wake up!" Sabi namn ang isang baritonong boses na pilit kong hinahagilap sa aking isip.

"I think kailangan mo na ng isang halik mula sa iyong prince charming- Aray! Bakit ka ba nanghahampas?"

"Prince charming ka d'yan! Sapak gusto mo?"

"Inggit ka lang! Gusto mo ikaw ang halikan ko?"

"No thanks! Ayokong mahalikan ng isang bakulaw!"

"Wow! Nagsalita ang mukhang siopao!"

"Me, mukhang siopao? Ang kapal mo ha!"

Hindi ko na kailangan hulaan kung sino ang dalawang maiingay na iyon. But why they are here?

Pagmulat ko ng mga mata ay si Mark ang bumungad sa paningin ko.

"Hi!" Bati niya at saka ngumiti. Napangiti rin ako nang makita ang guwapo niyang mukha.

"How are you feeling now?" Muli niyang tanong at masuyong hinaplos ako sa buhok.

"M-medyo masakit pa ang ulo ko- Oh!" Doon ko lamang napagtanto na nasa ospital pala ako.

"It's over. You're safe now. Nasa custody na ng mga pulis si Melissa and for sure pagbabayaran niya ang mga ginawa niyang kasalanan."

"Oh!" Ang tangi kong nasabi. Saglit na dumaan sa isip ko ang mga nangyari nang gabing iyon sa condo unit ni Vince. Ni hindi ko naisip na mayroon palang naghihintay na kapahamakan sa akin. At hindi ko rin akalain na hahantong si Melissa sa pananakit ng kanyang kapwa para sa pansarili niyang interes.

"N-nasaan si Vince?" Kumunot ang noo ko nang hindi ko siya mahagilap sa paligid.

Nagkatinginan ang tatlo at kahit isa man sa mga ito ay walang sumagot.

"M-may nangyari ba sa kanya?" Bigla sinaklot ng pag-aalala ang dibdib niya sa nakitang reaksyon ng mga ito.

"He's fine!" Mabilis na sagot ni Tyron. Pagkatapos ay binalingan nito si Cyrhel. "Ikaw na kasi ang magsabi!"

"Kailangan may kasamang tulak?" Angil ng dalaga.

Kinuha ni Mark ang atensyon ko. "Nandito kanina si Vince. Umalis lang siya sandali at may aasikasuhin lang. Don't worry, babalik din iyon kaagad."

Bagaman nakaramdam ako ng relief hindi ko pa rin maiwasang magduda. May 'something' kasi sa lihim nilang pagtitinginan.

"What really happened, Val?" Pagkaraan ay tanong sa kanya ni Mark.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now