Chapter Twenty Three: Consequence

52.6K 1.2K 73
                                    

Chapter Twenty Three: Consequence


Valjean's POV

"Where is she?"

Napakislot ako sa pagsulpot ni Dr. Mark Mendoza sa nurse station. At dahil abala ako sa pagdo-double check ng medical record ng pasyente kaya hindi ko namalayan ang paglapit niya.

"Where is she?" Muli niyang tanong. Iyon na naman ang seryoso niyang mukha. Kahit hindi niya sabihin ang pangalan ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"Kakaalis lang ni Jianne. Hindi ko naman mapigilan dahil nagmamadali daw siya."

"Pasaway talaga ang babaing iyon!" Asik ng binata na hindi ko na kinagulat. Immune na ako sa mood niya.

Nagpunta si Jianne doon para ipagamot ang malaking galos nito sa binti. Sumemplang daw kasi ang sinasakyan nitong motorsiklo. At kabilin-bilinan ng dalaga na huwag ko raw sasabihin kay Mark ang tungkol dito. Subalit kahit itikom ko ang bibig ay nakarating pa rin pala sa ang tungkol doon.

"How is she? Malaki ba ang sugat niya?"

Lihim na umangat ang kilay ko. Kunwari pang nagagalit pero concern din naman pala.

"Medyo...mga ten inches-"

"Ten inches!"

Nabigla ako sa naging outburst niya. "G-galos lang naman iyon at saka mukhang okay naman siya." Pagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Jianne ay tila balewala na naglakad ito na para bang walang tinamong pinsala.

Nakita ko ang relief sa mukha ni Mark. "Hindi ba niya ako hinanap?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi naman."

Narinig kong may sinabi ang binata ngunit sa pabulong na paraan. Tila kinakausap niya ang sarili bago naglakad palayo.

"Dr. Mendoza!" Tawag ko. Naalala ko ang naiwanang susi ni Jianne.

Nang lumingon si Mark ay inihagis ko iyon sa kanya na agad naman niyang nasalo. "Ikaw na lang ang magsauli sa kanya."

Ilang sandali niyang tinitigan ang susi sa palad. "Thanks," he said. At muling naglakad palayo na mayroong kislap sa kanyang mga mata.

Ang weirdo talaga ng doktor na iyon!

Maya-maya ay humahangos na dumating si Neren. Siya ang kasama kong naka-duty sa station.

"Valjean, favor naman. Pasuyo ako sa Room 405." Iniabot niya sa akin ang tray na naglalaman ng mga gamot. "Magsi-CR lang ako. Kanina pa kasi sumasakit ang tiyan ko."

"Sige, ako na ang bahala."

Habang patungo ako sa kuwartong sinasabi ni Neren nang tumunog ang cellphone ko. Nag-text si Vince. Pupuntahan niya raw ako ngayon.

Ang tigas talaga ng ulo niya. Sinabi ko nang huwag siyang pupunta kapag naka-duty ako pero mapilit pa rin. Siguradong sesermunan na naman ako ni Mark.

Isang lalaking naka-saklay ang nadaan ko sa hallway. Nalagpasan ko na siya nang makarinig ako ng kalabog. Paglingon ko ay natumba ang lalaki. Dali-dali akong napasugod sa kinaroroonan niya.

"Okay lang po ba kayo?" Tinutulungan ko siyang makatayo. "Hindi po kayo dapat naglalakad mag-isa nang walang kasama."

"V-valjean?"

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now