Chapter Eighteen: Last Day

59.2K 1.3K 91
                                    

Chapter Eighteen: Last Day


Valjean's POV

Nang magmulat ako ng mga mata ay maliwanag na sa labas ng bintana. Umaga na pala. Napilitan akong bumangon sa kabila ng pamimigat ng katawan. Para akong magkakasakit ng hindi ko mawari.

Nang lumingon ako ay mahimbing na natutulog si Vince sa ibabaw ng kama. Bahagya ko pang naririnig ang kanyang mahinang paghilik.

Sa couch ako natulog. Hindi ko na nagawang bumalik sa kuwarto ko dahil sa sobrang antok. Bukod doon ay binantayan ko pa si Vince na naging maligalig buong gabi. Hindi agad siya natulog pagkatapos nang ginawa niyang perwisyo sa akin. Bagaman nakapagpalit na ako ng damit mula sa drawer ng binata, pakiwari ko ay naroon pa rin sa katawan ko ang hindi kaaya-ayang amoy na idinulot niya.

"Hmmm..." Gumalaw si Vince. "Dito ka lang..." aniya at padapang niyakap ang katabing unan. Nanaginip siguro siya. Lumapit ako at inayos ang isang braso niya na nakalaylay sa gilid ng kama. Isang kilos pa niya ay baka tuluyan na siyang mahulog sa kinahihigaan.

"Val..." Narinig kong tawag niya habang kinukumutan ko siya.

"Morning cry baby!" Nakangiting bati ko. Subalit wala akong narinig na response mula sa kanya. Tulug na tulog pa rin si Vince na inakala kong nagising.

Umangat ang kamay ko at bahagyang hinaplos ang magulo niyang buhok. "Ako nga ba ang laman ng panaginip mo?" Wala sa loob na tanong ko na para bang maririnig ako ni Vince.

Ito na huling beses na mapagmamasdan ko ang pagtulog niya. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay nakikipagtalo pa ako sa kanya sa tuwing i-injection-an ko siya. Isang buwan na agad ang mabilis na lumipas. Tuluyan nang gumaling ang binti ni Vince at makakalakad na siya ng normal. Habang ako ay magbabalik sa normal kong buhay sa ospital.

Ganon na lamang ang pasasalamat ko dahil hindi nalaman ni Vince ang tungkol sa itinatago kong pagkatao. Ayoko na malaman pa niya. Mas mabuting ganito na lang kaming dalawa. Hindi man kami magkaibigan, pero hindi rin naman kami magkaaway. Nag-iinisan at nag-aasaran, oo. But at least in good terms na kami sa isa't-isa. At aminado ako na naging masaya rin ako bilang private nurse niya.

Muli kong pinagmasdan si Vince nang bigla akong may naalala. Mabilis kong inaabot ang cellphone niya sa ibabaw ng bedside at kinunan siya ng litrato. Lintik lang ang walang ganti!

Ngunit napasimangot ako sa naging resulta ng kanyang picture. Bakit ang guwapo pa rin niya habang natutulog? Imbes na makaganti, ay ako pa ang naisahan niya. Nakakainis!

Lumabas ako ng silid at maingat na isinara ang pinto. Napapitlag ako nang biglang may tumikhim mula sa aking likuran. Mabilis akong pumihit paharap.

Isang may-edad na lalaki ang kunot-noong nakamasid sa akin. Ang una ko agad napansin ay ang malaking pagkakahawig niya kay Vince.

"G-good morning po," bati ko nang ma-realized na siya marahil si Vicente Buenavista, ang ama mismo ni Vince. Nakauwi na pala siya mula sa pagbibiyahe sa ibang bansa.

"Hija, ikaw ba ang-"

"Ako nga po," mabilis kong sagot. Sa nerbiyos ay hindi ko nagawang patapusin ang kanyang tanong. Bukod sa kakaiba ang tingin na pinukol niya sa akin ay ito rin ang unang pagkakataon na nakaharap ko siya.

"Alam ba ng mga magulang mo na narito ka?"

"O-opo," naguguluhan na sagot ko.

"Matagal ka na ba ritong nakatira?"

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now