Chapter Twenty Five: Maling Akala

51.4K 1.2K 59
                                    

Chapter Twenty Five: Maling Akala


Valjean's POV

Hindi ko napigilang mapangiti nang makita ko si Vince na matiyagang naghihintay sa may lobby ng ospital.

"Hey..." Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Are you alright?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin n'yan," aniya na may banayad na iritasyon sa kanyang tinig. "You look tired. Umuwi na tayo."

Umiling ako. "I can't. Patuloy ang pagdating ng mga casualties at kailangan nila ang tulong ko rito." Nag-volunteer akong tumulong para gamutin ang mga taong nasaktan at nasugatan dahil sa nangyaring pagsabog sa amusement park. Hindi sapat ang mga staff ng nasabing ospital at hindi nila kayang i-accommodate ang lahat ng mga casualties. Doon dumagdasa ang mga tao dahil iyon ang pinakamalapit ospital sa pinangyarihan.

Hindi pa malinaw ang tunay na sanhi ng nasabing pagsabog. Halos karamihan ay nagsasabi na terrorist attack daw. Ngunit taliwas iyon sa sinabi ng isang empleyado ng amusement park na nilapatan ko ng paunang lunas kanina. Ang sabi niya ay hindi bomba ang sumabog, kundi ang malaking generator na nag-ooperate ng isang kiddie ride. At dahil sa malakas na pagkakasabog, inakala ng mga tao na mayroong terrorist attack kaya nagkagulo at nagkaroon ng stampede. Marami tuloy nasaktan at nasugatan. Karamihan ay mga bata na nahiwalay sa kanilang mga magulang.

Muli akong napangiti nang makitang nahihimbing ang batang babae sa kandungan ni Vince.

"Mabuti naman at nakatulog na si Elisa," sabi ko habang hinahaplos ang kanyang buhok. Siya ang bata na mas pinili kong sagipin kaysa sa sarili ko.

Napayuko si Vince. "Akala ko nga hindi na siya titigil sa pag-iyak. Wala pa rin bang magulang na nagke-claim sa pagkawala niya?"

Malungkot akong umiling. Maya't maya ay kinukulit ko ang naka-in-charge na mamang pulis kung mayroon nang naghahanap sa bata. Ngunit bigo ako na makakuha ng magandang balita.

Ginagap ng binata ang kamay ko. "Val, hindi ba talaga kita mapipilit na umuwi?"

"Ikaw ang dapat na umuwi," natatawa na sabi ko. "Magpahinga ka na and get some sleep. I'll be fine, don't worry about me. Malakas ang resistensya ko."

"I'll stay. Hihintay kitang matapos," pagmamatigas niya.

"Vince..." Subalit sa nakikita ko ay mukhang hindi ko rin siya mapipilit. Kanina ko pa siya pinauuwi ngunit ganon na lamang ang pag-iinsist niya na manatili. Ibinilin na lang niya kay Tyron na ihatid pauwi si Cyrhel. Hindi naman siya nagdalawang salita sa kaibigan at nagmamadaling umalis ng ospital.

Ang sabi ni Vince ay takot daw si Tyron sa dugo. Kaya pala ganoon na lamang ang pamumutla nito sa mga pasyenteng dumarating na duguan at sugatan.

"Fine! Hindi na kita pipilitin. Pero kailangan ko muna linisin ang sugat mo," sabi ko na niyuko ang braso ni Vince na may hindi kalakihang galos. Subalit mabilis niyang iniwas ang kanyang braso.

"O-okay lang ako. H-hindi naman masakit."

"Don't worry, lilinisin ko lang ang sugat mo." Nangingiti na pilit ko siyang inabot. "Promise, walang injection," itinaas ko pa ang isang kamay para makumbinsi siya. Umepekto naman dahil ilang sandali ay nagpaubaya din siya.

Maingat kong itinaas ang manggas ng suot niyang t-shirt at sinimulang linisin ang kanyang sugat. Hindi ko napigilang mapangiwi dahil may kalaliman pala ang natamo niyang galos.

"Where did you get this?"

"I can't remember. I was busy looking for you. Hindi ko namalayan na may sugat na pala ako. Val, hindi ka ba nagugutom?"

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now