Prologue:

154K 2.4K 348
                                    

Hello guys, I'm back! Isang araw na lang 2014 na, at bago pa magpalit ng taon, sisimulan ko nang umpisahan ang story ni Vince. Sa mga naku-curious sa love story ng bago nating bida, syempre romantic-humor pa rin ang tema natin. Hindi po ito super drama (yung iba kasi iyon ang iniisip dahil sa title!) at asahan ninyo na katulad din ito ng mga isinulat kong story na puro kalokohan at katatawanan. Pero syempre naroon pa rin ang kilig at mga kakaibang twist. At saka may special request nga pala ang ilang mga frenship ko dito sa watty, lagyan ko raw ng espidyi scenes, hehe.. goodluck to me! Sana kayanin ng powers ko.

Anyway, sana ay suportahan ninyo ang journey ni Vince sa paghahanap niya sa kanyang long lost first love. 

Happy reading and happy new year to everyone. 


PROLOGUE:

 Vince's POV

"Falling star!" She exclaimed. Sabay turo sa madilim na kalangitan.

Napangisi ako. "It's a meteor not falling star."

"How did you know?" Nakasimangot na tanong niya nang lumingon sa akin.

Nagkibit-balikat lang ako. I was just mocking her. Ewan ko ba kung bakit gustung-gusto kong iniinis siya.

" Niloloko mo lang ako. Falling star talaga iyon." Then she closed her eyes at tumingala sa itaas.

"What are you doing?" Kunot-noong tanong ko.

"Making a wish."

"A wish?"

Tumango lang siya.

"Ano naman ang wish mo?" Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong na-excite sa sasabihin niya.

Hindi siya sumagot. She keeps staring at me with this smitten smile on her face. So beautiful. Iyon marahil ang dahilan kung bakit na lang tila kumambiyo ang nanahimik kong puso.

"Vinci boy!" Bigla na lang akong hinampas ni Tyron sa balikat na halos ikahulog ko sa upuan.

"Ano bang problema mo?" Angil ko.

"It's your turn," sabi ni Riley sabay abot sa akin ng baso. "Nakakadalawang shot na kami ni Tyron habang ikaw ay nakatulala d'yan. Saan ba naglalakbay ang isip mo?"

"A carnal thought?"

"Gag-!" Pinukol ko ng nadampot na potato chips si Tyron. "Anong akala mo sa akin manyak? Hindi ako katulad mo!"

"Look who's talking." Gumanti siya ng pukol. Pero ice cube ang nadampot niya. Mabuti na lang at nakailag ako. Kung ipukol ko kaya sa kanya ang hawak kong baso?

"May problema ba, Vince?" Concerned na tanong ni Riley.

"Isa lang naman ang pinoproblema ni Vinci boy, kundi ang long lost first love niya."

Binigyan ko ng matalim na sulyap si Tyron. Napakadaldal talaga niya.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin siya nahahanap?" Tanong ulit ni Riley.

Hindi ako kumibo at pinagmasdan ang laman ng hawak kong baso. Paano ko naman siya mahahanap kung hanggang ngayon ay hindi ko maalala ang mukha niya? Kahit sa mga panaginip at alaalang sumisingit sa isipan ko ay blurred ang kanyang mukha. Para siyang missing piece ng puzzle na hindi ko mabuo-buo sa aking isipan.

"Gamitin mo ito sa paghahanap sa kanya." Itinuro ni Riley ang tapat ng dibdib ko. "Baka sakali na matagpuan mo na siya."

I could see his point. Iyon din naman ang payo sa akin noon ng kaibigan na si Mark. Pero hindi ko magawang makapag-concentrate lalo na kapag nakakakita ako ng mga naggagandahan at sexy na babae.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now