Chapter 16- Business Partnership

1.8K 62 1
                                    

Alex POV

9:45 pm....

Kanina pa kami nandito sa bahay nila Chelsea naka-isang oras na din. Hindi pa siguro tapos ang pinag-uusapan nina Dad at Tito Antonio. Gusto ko na ngang makauwi pero baka hanapin ako ni Dad. Andami ko pang aasikasuhin dahil nga recruitment week na rin by monday.

"Maam Beth excuse me po. Pinapatawag po kasi nina Sir Antonio at Sir Alexander si Maam Alex at Maam Chelsea." sabi ni Manang Fe

"Ganoon ba sige papuntahin ko na lang sila doon, maraming salamat Manang Fe." "O narinig niyo naman na siguro pinapatawag daw kayo, umakyat na kayo doon sa opisina at baka importante iyon." sabi ni Tita Beth

Mga ilang minuto din at nasa harap na kami ng pintuan, kumatok si Chelsea at agad naman naming narinig ang sinabi ni Tito Antonio kung kaya pumasok na kami.

"Pasok, pasok at maupo kayong dalawa Chelsea at Alex." sabi ni Tito habang nakaturo dun sa sofa sa harap ng table niya

"Dad, Tito, pinapatawag niyo daw po kami ni Chelsea? "

"Ganito kasi yun anak I bought a small island near Siargao and was planning on turning it into a vacation spot, a resort kung baga. And I asked Xander for help in managing it since wala pa akong experience in the Hotel and Resort business."

"So why call us po Papa?" tanong ni Chelsea

"Well iha, your father was thinking of giving that resort to you as a gift and have you handle it once finished." sabi ni Dad kay Chelsea

"Really dad? Totoo ba iyong sinabi ni Tito Xander?"

"Yun na nga ang balak ko Chelsea, naisip ko din na its time for you to have something to managed once you finished college pero syempre you"ll still go to the US to get your masters. As for the shipping company we all know si Tristan ang bahala dun kapag nakapagtapos na siya." sabi ni Tito Antonio

"Alex we already talked about it you will be helping and teaching Chelsea everything about managing the resort also Antonio agreed that my role in his island resort would be that of an investor only, management and ownership will be with them." seryosong sabi ni Dad

"Kaya Alex and Chelsea you will be working together once the construction of the resort is finished, pwede din naman habang ginagawa para kung may suggestions kayo about the designs and other things ay masabi niyo agad tutal sa inyong dalawa naman iyon." ani ni Tito

"Kung investor lang Dad kapag natapos ko ng turuan at i-train si Chelsea wala na akong kailangang gawin pang iba tama?"

"Alex naman they already told us na, sa atin na yung resort so dapat maging active ka sa pagpapatakbo, kaya kahit tapos na, you"ll still have a role in managing it. Di ba Tito Xander?"

"Kayo ang bahala, basta ba lahat ng investment namin ni Antonio will be worth it." sabi ni Dad

"I think this will be the start of a successful business partnership between our family Xander."

"Yes and I hope hindi siya matulad sa nangyari sa atin before, but don't worry may tiwala ako sa kakayahan ni Alex she will be able to help your daughter in managing it and making it a success." sabi ni Dad habang nakatingin sa akin.

"I'll do my best Tito Antonio and Dad." yun na lang ang nasabi ko sa kanila, in the end I have no say on any of it.

"Thank you Papa at Tito Xander thank you din po, we will not let you down." sabi ni Chelsea

"Sige na lumabas muna kayo at puntahan sina Mama mo sa baba, may pag-uusapan pa kami ni Xander."

Nagpaalam na kami at lumabas mula sa opisina.

11:00 pm.......

"Mauna na kami. Antonio about the proposal can we meet at my office next week Friday?"

"Sure, I'll bring all the necessary documents para masimulan na natin siya." sagot ni Tito Antonio

"Good, I'll see you soon, Goodnight Beth, Chelsea."

Nakaalis na kami sa mansyon ng mga Sy at nakauwi din kami kaagad dahil nasa iisang subdivision lang naman kami nakatira.

"Sige na magbihis na kayo at matulog may pasok pa kayo bukas, tama?"

"Yes Dad, but hapon pa naman ang class ko." banggit ni AJ

"Alex I know na ang pasok mo bukas ay hapon din, go to bed right after you change and make sure to wake up early tomorrow may pag-uusapan pa tayo."

"Sige po Dad, goodnight."

"Andy wala kang class every saturday huwag ka nanaman labas ng labas kasama ng mga barkada mo." panenermon ni Dad

"Aye Aye Sir" palokong sagot ni Andy

Saturday morning ........

"Good morning Dad."

"Maupo ka na at kumain, nasaan ang mga kapatid mo?"

"Si AJ po nakasabay kong bumaba may kinuha lang yata sa kitchen. I think Andy is still asleep, late na rin po kasi tayo nakauwi kagabi."

"Palalagpasin ko yang katamaran ng kapatid mo tutal wala naman siyang pasok ngayon at isa pa wala talaga ako maasahan sa kanya pero ikaw at si AJ need to be responsible and to work hard maraming buhay ang nakasalalay sa inyo." sabi ni Dad

Dad and I talked about the business proposal of Tito Antonio for the rest of the morning. Sabi niya I need to be able to managed that business as well as the Millenium Corporation dahil hindi niya kailanman ipapasa ang responsibilidad kay AJ lalong-lalo naman kay Andy. Nag-agree na lang ako sa lahat ng sinasabi niya again I have no say on it.

Nang matapos ang pag-uusap namin ni Dad which is all business related, I went upstairs to freshen up and change for school. Maaga ako papasok ngayon mga 11am kasi dadaan pa ako sa student council room to check on things for the recruitment week.

The rest of the day was good pero bakit ganun wala siya. May sakit kaya siya? Baka naman nautusan lang sa bahay ay medyo male-late.

😳

The hell Alex ano bang nangyayari sayo dati naman wala kang pakialam kung sino man yung wala sa palagid mo o kung sino man ang present, ang tanging may halaga lang sa iyo ay family, close friends, work and school.

Keep your cool, think about anything but her. Argh!! Makauwi na nga.


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong sixteenth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon