Out of Reach : Epilogue Part 2

5.3K 68 12
                                    

Out of Reach : Epilogue Part 2

This is not a happily ever after, it's more than that.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" Astra!!! " napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko, she's waving her hand while her other hand is carrying her baby. Nakasimangot akong lumapit sa kanya.

" Hoy late ka! Hindi ka din pumunta sa simbahan! Anong klaseng ninang ka! " bulyaw niya sa akin pagkalapit ko, akong nahihiya sa ginagawa niya ang dami kayang tao, tapos 'tong mga bisita pa nila ay hindi basta basta, yung iba mga naka meeting ko na sa iba't ibang business proposal. Yung iba ang bibigtime.

" Sinabi ko na sa'yo na male-late ako and I can't make it to the church, buti nga pumunta pa ako dito para sa inaanak ko. Diba baby… " sabi ko sabay lihis ng tingin kay Baby Christopher. May anak na sina Abi and Dion. Siyempre dalawang taon na kaya ang lumipas. Dalawang taon na din akong loveless, dalawang taong walang inintindi kung hindi ang patakbuhin ang kompanya namin at magpayaman ng magpayaman.

" Ang sabihin mo maarte ka lang, ayaw mong pumunta ng church kasi bitter ka dahil hindi ka pa kasal. " naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to! Alam kasi niya na wala akong lovelife, oo friends kami ni Khai pero hanggang dun na lang talaga yun, nagkikita din kami minsan pero hanggang friends na lang talaga kami!

" Pag kinasal ako hindi ka invited, itaga mo yan sa bunbunan ni Dion! " asar kong sabi, sabay punta sa buffet table para kumuha ng pagkain, narinig ko naman ang pagtawa niya ng malakas. Bwisit!

Lumapit ulit siya sa akin, this time kasama na niya si Dion.

" O Astra, nandito kana pala. " bati ni Dion, pinasadahan ko lang siya ng tingin at binalik ko din ang tingin ko sa platong kinuha ko.

" Kamusta naman? Si Theo may balita kana ba? " tanong pa niya. Nawalan ako bigla ng ganang kumain. Si Theo, after ng pag-uusap namin sa hospital ay umalis na siya ng bansa. Paalam daw niya kay Dion ay may business meeting lang siyang aasikasuhin kasama si Kuya Travis niya, pero until now na dalawang taon ang lumipas hindi pa din siya nakakabalik ng Pilipinas.

" Still out of reach. " mahina kong sagot. Wala akong kahit anong balita sa kanya, kahit si Dion na bestfriend niya ay hindi tumatawag sa kanya. Ayaw ko naman pumunta sa bahay nila at kausapin ang mga magulang niya para lang tanungin kung saang bansa nagpunta si Theo. Para saan pa? After all the suffering that I caused to him sa tingin ko galit na galit si Theo sa akin ngayon. Dalawang taon siyang hindi nagpakita, sapat ng dahilan yun para ipamukha niya sa akin na galit siya.

But still… mahal ko pa din siya. At kung sakali mang dumating siya ulit hindi na ako magdadalawang isip na magtapat sa kanya. Choosy pa ba ako? Hindi na din ako magpapakipot! Di na uso ngayon yun!

Umupo kaming tatlo nila Dion and Abi, si Christopher kinuha na ng yaya niya. Buti pa 'tong dalawang 'to may super duper gwapo ng anak!

Nilaro laro ko lang yung pagkain ko sa plato, nakakawalan ng gana naman kasi, pumunta nga ako dito para mawala lahat ng stress ko sa office pero maii-stress pala ako sa mag-asawang 'to.

" Alam mo Astra mag move on kana. Wala na si Theo, hindi na babalik yun, bakit hindi ka kasi tumatanggap ng suitors? E halos dalawang daang lalaki na ang lumapit sa'yo. " ani Abi. Tinignan ko siya ng matalim. Move on? Paano ako mag mo-move on kung laging nasa isip ko si Theo, araw araw! Praning na nga ako minsan kasi nakikita ko siyang nasa baba ng bahay namin tuwing gabi pero pag kinusot ko na ang mata ko, wala naman siya dun. Paano ako mag momove on kung parati siya ang nasa isip ko, kung parati ko siyang namimiss kung parati ko siyang gustong mayakap at kung parati kong naiisip ang mga labi niya! Oo na! Pervert na! Pero namimiss ko talaga yung kiss niya!

Out of Reach [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon