Out of Reach : Chapter 50

3.5K 66 5
                                    

Out of Reach : Chapter 50

That awkward moment.....

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

ASTRA

" So your boss, wanted you to work for her everyday? That's an absurd Tams.. "

Nasa condo ko ngayon si Tams, luckily we both don't have any work to do. Nakaupo kaming dalawa ngayon sa sofa, lumapit siya sa akin and he hugs me on my back..

" Labs.. " he said while playing with my ears, is he teasing me!?

" Wag mo nga akong malabs labs... hindi mo ko makukuha sa pagpapacute mo, and don't tell me payag ka sa everyday na yun!? Tams naman... tao ka, hindi ka machine na kahit 24/7 gumana okey lang! "

He's now carressing my cheeks. Kung hindi lang ako naiinis sa kanya baka kung ano ng nangyari sa amin. >_<

" Siyempre hindi. " napatingin ako sa kanya, so ano pang pinag-uusapan namin dito?

He gave me a quick kiss on my cheeks. " I love you. " he whispered.. parang may kung anong kumiliting kuryente sa akin, this kind of feeling....

" I love you more. " mahal na mahal kita Tams, at papatunayan ko yan sa Mama ko.

Humiwalay ako sa yakap at tumayo sa harap niya. Tinuro ko yung orasan para makita niya. " Uuwi kaba or you'll stay overnight here? "

Nag unat muna siya at naghikab bago sumagot, " I want to stay. " I crossed my arms and shot my eyebrows heavenwards.

" What's with that look? " pansin niya sa akin.  " Uuwi kaba talaga? Or matutulog ka dito? " this time tumayo na siya. Nilapit niya yung ilong niya sa ilong ko.

" If only I can stay longer here. Bakit kasi kahit nakikita kita namimiss pa din kita. Masyado mo na yata akong ginayuma. " he planted a soft kiss on my nose, gusto ko sanang kiniligin kaso nahiya ako bigla.. araw araw na lang niya akong pinapakilig >\\<

" Sige na hatid na kita sa baba, I know maaga pa ang pasok mo bukas, same with me. Ilang araw ba tayong hindi magkikita? " tuluy tuloy na kasi niyan ang pasok namin, hindi pa namin alam kung kelan ulit kami magkaka oras sa isa't isa.

" I don't know, maybe 1 or 2 or 3?. " maikli niyang sagot.

Magkahawak kamay kami ngayon, dati diring diri ako sa mga couple na naka holdings hands habang naglalakad, pero iba... iba pala talaga yung feeling pag hawak ng mahal mo ang kamay mo.

Sumakay na kami ng elevator, pag baba namin hindi ko inaasahang masasalubong namin si Theo at Cara, naka akbay si Theo kay Cara and they both look like a couple right now.

" O? Astra? Dito ka nakatira? " medyo gulat na tanong ni Cara sa akin, tinanguan at nginitian ko lang siya, lalabas na din kasi kami ni Tams.  Si Tams naman may kausap sa phone kaya di niya masyadong napansin sina Cara.

Nagpaalam na si Tams, umakyat na din ulit ako sa pad ko, pag labas na paglabas ko sa elevator, medyo nailang ako, I don't know kung tama bang mailang ako or wag na lang silang pansinin.. nakayakap kasi si Theo kay Cara ngayon. As in nasa tapat na sila ng door ni Theo, bat di na lang kaya sila pumasok sa loob.. kailangan pinapakita na ganyan sila? Tss..

Before I can enter to my room, Theo planted a long kiss to Cara's forehead.. hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o nakita kong may luha sa mga pisngi ni Cara. Hanggang dun lang yung nakita ko, hindi din ako napansin ni Cara kasi nga busy siya kay Theo, actually they're both busy to each other, na hindi man lang nila namalayaan na may taong nakatingin sa kanila. Hayaan ko na nga lang sila! Bakit ba kailangang isip isipin ko silang dalawa -_-

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now