Out of Reach : Chapter 59

3.4K 62 5
                                    

Out of Reach : Chapter 59

Ang Love parang ulan, bigla na lang darating at bigla na lang ding mawawala.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" Tams hindi ka pa ba uuwi? " tanong ko sa kanya habang naglalakad papalapit sa kanya, it's already 12 midnight at parang wala pa siyang balak umuwi, nakaupo siya sa sofa at nilalaro ang remote control ng tv ko, wala na siyang ginawa kung hindi ang magpalipat lipat ng channel.

Inilapag ko sa maliit na mesa na nakaharap sa kanya ang ginawa kong tea. " I'll be staying. " he said matter-of-fact. He's been so much clingy this past few days, I mean after that incident in the restaurant.

" Tell me Tams, may problema ba? " hinawakan ko ang kanang kamay niyang nakalagay sa lap niya, he look at me with this sincere expression. Kung ano mang nangyari nung gabing nasa resto kami ay isang malaking kahibangan, that was an stupid act of Theo, Khai is in the state of shock that time that he couldn't even reacted to Theo's joke.

After lang naman kasing sabihin ni Theo yung 'right in front of you' ay tumawa si Theo and then he patted Khai's back and said… ' I'M JUST KIDDING BRO! ' malaki na talaga sira ni Theo!

" I just… I just can't lose you Astra. " he said in a very calm way, hinawakan niya ang kamay ko, at inangat ito and he planted a soft kiss.

" Bakit ba iniisip mong mawawala ako? Hindi naman ako mamamatay wala akong sakit na pwede kong ikamatay, lagi lang akong nasa tabi mo. " tinignan niya ako sa mga mata ko, na para bang kinikilatis niya pa kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

" Natatakot lang ako na baka maulit yung dati, ayaw ko ng maging tanga o magpaka tanga dahil sa mahal ko, I'm just afraid that one day bigla ka na lang mawala sa akin. "

" Don't think that way. You know how much I love you. " I murmured. Mahal ko si Khai, mahal na mahal and I just can't broke his heart, masyado siyang mabait para masaktan.

Nagulat na lang ako when he suddenly wrapped his arms around my waist, at mas nagulat ako when he claimed my lips, he's kissing me gently I responded to him and as I closed my eyes a sudden picture of Theo came out. Bigla ko na lang naitulak palayo si Khai sa akin.

He looked at me in disbelief. " I'm sorry… " napayuko ako bigla. Ano bang nangyayari sa akin? He's my boyfriend!

" No. You don't have to say sorry. I shouldn't do that, hindi dapat kita binigla. Uuwi na lang ako, susubukan kong pumunta dito bukas. " tinanguan ko lang siya, tumayo na kami at hinatid ko siya sa pinto. I gave him a smack bago siya lumabas. Paglabas na pagkalabas ng pinto ni Tams ay agad akong pumasok sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

I don't think makakatulog ako ng walang kahit konting alcohol sa katawan ko, this is bad… masyado na akong dumedepende sa alak. Bakit ba kasi naitulak ko na lang bigla si Tams at bakit nung oras na hinahalikan niya ako pakiramdam ko ay may pinagtataksilan ako!? Urgh! I must be crazy!

I wear a jacket with a hoody, it's nearly 1 am in the morning at medyo malamig sa labas, pagbaba ko sa building ay pumara agad ako ng taxi at nagpunta sa same na bar na una kong pinag-inuman ng alak. Akala ko hindi na ako babalik dito, but it seems like I'll be spending lots of time here, pagbaba ko ng taxi ay agad akong nagbayad at pumasok sa loob ng bar. The ambiance is far different from the last time I came here, ngayon may nag-seserenade sa'yo o baka hindi ko lang talaga feel nung unang pumunta ako dito dahil wala sa katinuan ang pakiramdaman ko.

While scanning the place, I saw a familiar girl sitting in the same chair that i used when I first came here, umupo ako sa tabi niya, mukhang hindi niya ako napansin dahil nakatitig lang siya sa basong may kulay asul na likidong laman. Ano naman 'to? Juice?

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now