Out of Reach : Chapter 49

3.2K 55 4
                                    

Out of Reach : Chapter 49

I'm sick of being alone...

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

Third Person

" I'll be there in a minute. " binaba na ni Theo ang kanyang cellphone, kausap kasi nito si Cara, at magkikita sila ngayon.

Pinuntahan naman ni Theo ang kanyang secretary, naroon din si Astra na nakaupo sa gilid at nagbabasa ng mga journal about sa company.

Nabaling ang atensyon nilang dalawa kay Theo ng biglang ikinatok nito ang kanyang kamay sa mesa.

" I have a date today, pwede na kayong umuwi kung gusto niyo. " he said looking to Astra ONLY. Naglakad na paalis si Theo.

" And so? Bakit kailangan niya pang sabihin na makikipag date siya? As if we care.. " bulong ni Astra sa sarili, tinignan at inilingan lang naman siya ng kasama niya.

Pagbaba ni Theo sa lobby ay hindi niya inaasahang makita ang ina ni Cara, si Mrs. Mendoza.

" Theo? Is that you? " noong una'y napa kunot noo pa si Theo sa kadahilanang hindi niya namukhaan ang Ginang, matagal na rin kasi noong sila ay nagkita.

" This is me, Cara's Mom. " naging pormal lang si Theo sa Ginang. Ni hindi niya ito nginitian. Aalis na sana si Theo ng hawakan ng Ginang ang braso nito.

" Iho pwede ba tayong mag-usap? "

--

Isang napaka ingay na tugtugin ang agad na maririnig sa labas ng club na kinaroroonan ni Theo.

" Ano ba!! Lemme go! Papasukin niyo ako sa loob! " pagpupumilit ni Cara na pumasok sa loob.

Kanina niya pa hinahanap si Theo, nag-usap kasi silang magkikita ngunit walang Theo ang dumating, ilang beses niya ring sinubukang tawagan ang binata ngunit nakapatay ang cellphone nito.

" Sorry Ma'am but this club is exclusively for vip members only, pag wala po kayong card, hindi po namin kayo pwedeng papasukin. " explain ng guard sa labas. Dito talaga nagtungo si Theo dahil alam niyang hindi siya masusundan ni Cara sa loob.

" Magkano ba kailangan niyo? I can give you lots of money! Just let me enter that d*mn door! " hindi siya pinansin ng mga guard.

" Okey fine! Let me talk to the owner, I want to buy that VIP pass! NOW!  " sigaw ni Cara, nagtingin muna ang dalawang guard bago kumilos, currently from the looks that she has, she looks like a fresh discharge crazy woman from an asylum, messy ang hair at naka t-shirt lang siya at maikling short, samantalang halos lahat ng nasa loob ng club ay naka pusturang pang mayaman.

Ilang minuto lang ay naka pasok na si Cara, nagbayad lang naman siya ng 200, 000 for her temporary membership. Agad naman niyang hinanap si Theo na naka upo sa gilid ng isang cubicle roon at nagsosolong umiinom.

Nagbago ang tugtugin sa loob ng club, nababalutan ng kalungkutan ang buong club. Isang napaka lungkot na awitin ba naman ang sumunod.

Tumabi si Cara kay Theo, hindi naman ito pinansin ni Theo at patuloy pa din siyang umiinom.

" Stop that Theo. " isang napaka malumanay na pakiki usap ang ginawa ni Cara, ang huli kasing pagkakataon na nakita niyang uminom ng ganito si Theo ay noong mga panahong iniwan siya ni Astra, at tanging si Cara lang ang naroon upang alagaan si Theo.

Hindi pa din siya pinansin ng binata, patuloy lamang sa pag-inom si Theo, sa sobrang inis ni Cara ay hinila niya ang baso at alak palayo kay Theo.

Out of Reach [ COMPLETED ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum