Out of Reach : Chapter 54

3.5K 66 3
                                    

Out of Reach : Chapter 54

Sabi nga nila, sa pakikipag kaibigan daw nag-uumpisa ang lahat...

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" If you can't accept me as your lover, then accept me as your friend.. "

" Call. Kung yan lang ang magpapatigil sa'yo sa pambwibwisit sa akin. Stop calling me Babe, Honey, Sweet when we are in our building! It creeps me out, isipin pa nila na boyfriend kita, nakakapangilabot. "

Anong pumasok sa isip ko at sinabi 'kong makikipag kaibigan ako kanya!???? Naman Astra! Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ba lagi ka na lang talo sa pang-aasar niya!? Nakakainis naman kasi yung pangungulit niya.

One time nagkasabay kaming bumaba ng elevator sa tinitirhan namin, and guess what he did? Bwinisit bwisit niya lang naman ako! He's totally different in the office, pag sa office napaka pormal niya as in! But when we bump each other in our building he's like a crazy man seeking for an attention! Sobrang ubos ang pasensya ko sa kanya!

Naglalakad ako ngayon papuntang grocery store, naubusan na kasi ng laman ang fridge ko, at kailangan kong punuin ng laman nun because tomorrow is our monthsary, halos makalimutan ko nga ang monthsary namin ni Tams dahil sa sobrang busy ko, and thanks God na inaalarm ko pala ang phone ko prior to our monthsary .. This past few days minsan na lang din kami mag-usap ni Tams, siguro naman pagbibigyan niya akong makita ko siya this time, at isa pa special day namin bukas, never pa niyang gawing hindi espesyal ang araw namin.

Pumasok na ako sa loob ng grocery store at kukuha na sana ng cart ang kaso may biglang nakipag-unahan sa akin at nahawakan niya ang kamay ko, tinignan ko ng masama yung taong nang agaw. Psh! Again... kahit ba dito bwibwisitin niya ako!?

" Hi girl friend. " bati niya ng nakangiti. Inirapan ko siya at tinalikuran. Naramdaman ko namang kinuha niya yung cart at sumusunod siya sa likod ko.

" Ako ng magtutulak ng cart mo, just buy everything you want. " this time tumingin na ako sa kanya, huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

" Okey.. if that's what you want. " napangiti naman siya sa sinabi ko, tss... bakulaw talaga. Mas mabuti pang wag ko na lang siyang pansinin dahil mabwibwisit lang ako.

Kumuha na lang ako ng kumuha ng mga bagay at pagkain na kakailanganin ko, mabuti na lang tahimik lang si Theo na nagtutulak ng cart, minsan nakikita ko siyang kinakalikot yung phone niya, kung sino man o ano man ang pinagkakabahalaan niya sa phone niya ay sobra akong nagpapasalamat, kahit papano ay nakakalimutan niya akong bwisitin.

Pagkatapos kong mamili ay dumiretso na ako sa counter, nilagay ko na sa counter desk yung mga iba kong binili, tumulong naman si Theo na maglagay, pinapabayaan ko lang siya, mas mabuti ng pabayaan ko na lang siya kesa sitahin ko siya ng sitahin dahil panigurado aatake na naman ang pambwibwisit niya.

" 4,405 po lahat Ma'am. " sabi nung babae sa cashier, nagbigay naman ako ng 5k.

" Ma'am baka po may 5 pesos kayo diyan. " hirit pa ni ate..

" Sorry Miss wala e. " maikli kong sagot.

" Baka po yung husband niyo meron. " sabi pa ng cashier sabay turo kay Theo. Halos mag-init naman ang ulo ko sa sinabi niya. Si Theo naman, hindi mo mawari kung saan aabot ang ngiti niya ngayon.

" 5 ba? Eto o.. pagpa sensyahan mo na 'tong asawa ko, hindi kasi mahilig magdala ng barya. " at talagang pinanindigan niyang asawa ko siya. Hindi lang ako makapag react dahil ayaw kong magwala sa harap ng babaeng nasa cashier pero sa isip isip ko ay gustung gusto ko ng kausapin yung manager nila at patalsikin siya! Inis! Pagkamalan ba kaming mag-asawa? Of all people si Theo pa talaga!

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now