Out of Reach : Chapter 35 ( Part 1 )

3.3K 50 9
                                    

Out of Reach : Chapter 35 ( Part 1 )

Lagi na lang akong salingpusa pagdating sa pag-ibig.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

2nd day of Camping

Hindi muna ako sumali sa mga palarong naganap kinaumagahan, nagpaalam na din ako sa teacher namin na sa hapon na lang ako sasali, medyo masakit pa kasi yung paa ko, hindi ko kakayanin kung sasali ako sa games sa pang-umaga.

Nasa gilid ako ng dagat naglalakad mag-isa, bukas na ang huling araw namin, gumuhit ako ng nakangiting nilalang sa hangin.

" Kailan ba ako sasaya? " bulong ko sa hangin, para namang sumagot yung hangin sa akin, bigla na lang din kasing lumakas yung ihip ng hangin after kong tanungin yun. Ang kaso hindi ko alam kung ano ang isinagot niya.

Napansin ko naman na parang nanlalabo yung panginin ko, umiiyak na naman pala ko, umupo ako sa gilid ng dagat, inilagay ko ang dalawang kamay ko sa binti ko at ipinatong ang ulo ko dun. Mas lalo kong naririnig ngayon ang mga hikbi ko.

" Ganyan nga Astra, umiyak ka lang... After nito mawawala din ang sakit. "

" Ano namang laban mo sa kanya? Ang tanga tanga mo kasi! Ang tanga mo! Magmamahal ka nga dun pa sa parating may sabit. " napangiti ako ng mapait. Tumitingin ako sa hampas ng tubig ng dagat sa buhangin.

" First crush! First love! First! Lahat…! Lahat siya ang first! Eh ikaw? Ano ka Astra? Kabuteng laging nambwibwisit kay Theo.? "

Bakit ba pinapaasa ko pa ang sarili ko? 



" Sino ba talaga si Cara? "

" Dion. Sino ba talaga siya!? " medyo pasigaw ko ng tanong. Hindi niya kasi talaga ako pinapansin.

" Asan na yung kilala kong masayahing Astra? Wag ka na ngang umiyak hindi mo bagay. " alam kong pinagagaan niya lang ang nararamdaman ko ngayon, pero hindi ito ang oras para sa pakikipagbiruan.

" Tell me please, please Dion. Sino ba talaga siya? "

" Hindi dapat ako ang magsabi nito Astra. Pero hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. Alam kong nahihirapan ka ngayon, sira ulo kasi si Theo tsk. "

Umupo siya sa may baba at sumandal sa puno, ako nanatiling nakatayo. Huminga pa siya ng malalim bago nagsalita.

" Si Cara… first love siya ni Theo. Mahal na mahal ni Theo si Cara yung tipong halos wala na siyang ibukambibig kung hindi si Cara. Maraming mga bagay na ginawa si Cara para kay Theo halos nga lahat ng first time ni Theo naranasan niya ng dahil kay Cara. Siguro narinig mo nang tinawag ng parents ni Theo na Oreo si Theo, galing din kay Cara yun. "

" Napakabait ni Cara dati, akala ko nga magtatagal silang dalawa ni Cara not until umalis si Cara at pumunta sa ibang bansa, dun nagloko si Theo, lahat na lang ng babae pinag titripan niya, ginagawa niyang alalay alipin at kung anong pwedeng gawin sa babae para masaktan sila. Pero Astra simula nung dumating ka alam kong nagbago na si Theo, maniwala ka kay Theo Astra kung may mga bagay siyang nagagawa na kinakasakit mo ngayon wag mo na lang pansi--. "

" Tama na Dion, salamat sa mga sinabi mo, tama na yung mga nalaman ko. " pagtigil ko sa kanya.

--

" ASTRA!!!!!!! " dinig kong tawag sa akin ni Abi, dali dali kong pinunasan ang mga pisngi't mata ko, humihingal hingal pa siyang lumapit sa akin.

" Lagi ka na lang nawawala, tara na kulang kami ng player kung wala ka. " tumango lang ako. Sa tingin ko napansin niya na galing ako sa iyak kaya hindi siya nagtanong or nagsalita habang naglalakad kami papuntang game field.

Out of Reach [ COMPLETED ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu