Out of Reach [ COMPLETED ]

27.5K 220 42
                                    

This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.

Copyright © 2013 by Alley_Granger

All rights reserved

Astra's POV

~ You can be a sweet dream or a beautiful

nightmare

Either way I, don't wanna wake up from you

(Turn the lights on!)

Sweet dream or a beautiful nightmare

Somebody pinch me, your loves to good to be

true ~

*click* *click* <- tunog ng camera ko.

Ang gwapo talaga ng Khai ko .. Mapa picture, personal or so whatever. Gossh baby Khai.... maging akin ka lang. Ha! For sure luluhod ang mga tala nun! At magsasalita sila ng " IKAW NA ASTRA! HABA NG HAIR MO GIRL " pero syempre imahinasyon ko lang yun. Kabadtrip nga yung gumawa ng kanta na may lyrics na ~pangarap lang kita..~ lakas makapang-asar hindi ba nila alam sa kantang yun tagos tuda bones ang sakit na dinudulot nito sa akin napaka walang konsiderasyon ang gumawa nun..

Alam ko naman na hanggang pangarap ko lang si Baby Khai ko. Kasi may Hyuri na siya. Ang sakit sakit kaya nun , sa araw araw na ginawa ng diyos, araw araw ko silang nasisilayang magkasama, nag-uusap at kung anu-ano pa.

Bakit ba kasi may Hyuri pang pinanganak na ganyan kaganda, kayaman, kabait, katalino at higit sa lahat ka talented pwede namang mayaman na lang siya, bakit kailangan nasa kanya na lahat!? hindi man lang siya nagtira para sa akin. Ganito na talaga ka unfair ang life. Lord naman e, pwedeng tama na! bigay niyo na lang po sa akin si Baby Khai ko, na kay Hyuri na po lahat o, wag na si Baby Khai please... (*/\*)

Huminto na yung music, kahit siguro ako pag naging lalaki liligawan ko 'tong si Hyuri sino bang hindi.. e, every man's dream girl kaya siya. Ang galing galing pang sumayaw.

" How is it? " tanong ni Hyuri kay Khai. *click* gotcha! Ang gwapo mo talaga. Kontento na ko sa ganito yung makikita ko yang mga ngiting yan! heaven baby! Kahit na alam kong para kay Hyuri lang yan. So what naman diba. Libre kaya yan waley bayad! Kay Hyuri lang kasi talaga siya ngumingiti. Never ko pa siyang nakitang ngumiti kahit kanino.As in kay Hyuri lang talaga!

Kung si Hyuri ang every man's dream girl, si Baby Khai ko he's my one and only! Loyal ako sa'yo Baby Khai alam mo ba yun? Siyempre hindi mo alam. Ikaw kasi naka focus ka lang sa iisa. Try mo din lumingon minsan!

Seryoso na nga baka maupakan na ako ng mga readers nito hehe, pasensya na po medyo pinanganak na oa!

Si Baby Khai ko, he's every girls dream man, o, diba san kapa. Wapak na wapak! Swak na swak.. bagay na bagay sila. Parehong maganda't gwapo, mayaman, talented, matalino. Ano namang panama ko dun wala nganga!

" Water? " tanong ni Baby Khai ko kay Hyuri, tumango naman si Hyuri at ngumiti pa ng napaka tamis.

Oo nga pala nakalimutan kong magpakilala. I'm Astra Fernando, 17 years old. Kalahating maganda kalahating hindi kagandahan. Ibig sabihin tama lang ang beauty. FYI lang hindi ako panget no, gandang di niyo inakala kaya ang peg ko, ako lang naman ang nag iisang nagmamahal ng tapat sa kaisa isa kong si Baby Khai. At ako ang no. 1 dakilang stalker niya. At proud ako dun, aba! Kung hindi dahil sa pang i-stalk ko never kong malalaman na. 17 years old na din si Baby Khai ko, o diba soulmate kami diyan! same age kami yeah! He's also a ponkan lover, kaya nga every morning nag-iiwan ako ng ponkan sa locker niya. Ang sweet ko diba san kapa! Alam ko din kung anong fave song niya, color, food, drinks at kung anu-ano pa. Kahit na pinaka dulu-duluhan ng kuko niya. Alam ko lahat yun.

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now