Out of Reach : Chapter 9

5.1K 55 9
                                    

Out of Reach : Chapter 9

Sana lahat ng gusto ko. Pwedeng mangyari

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" Hello.. this is Dion.. Kindly cancel the audition later...Yeah, I already found one.. we'll start practicing tomorrow..  okey, bye. " pabalik na kami ng school ni Dion. Kahit pala ganito si Dion may pagka manly din pala minsan ang dating niya. Like ngayon na may kausap siya, kahit wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila ng kausap niya. Infairness sa kanya, pag titignan mo mo siya he looks like a very professional young man. And mukhang gwapo kunyari.

" Wag mo kong masyadong titigan, alam ko, matagal na 'kong gwapo. "

pwedeng bawiin yung sinabi ko kanina (-_-) lakas din maka aircon nitong Dion na 'to manang mana kay Theo sa kayabangan, sobrang hangin. Kulang na lang magyelo ako dito sa kinauupuan ko sa sobrang lamig (_ _") 

Umayos ako ng upo. Napansin ko naman na parang nag iba siya ng direksyon, I mean hindi siya nag tungo sa direction papuntang school.

" Oy.. Dion, san tayo pupunta.? " tanong ko

" Sa bahay. " agad niyang sagot.

Napatingin naman ako sa kanya. Anong gagawin namin sa bahay nila? Tsaka anong oras na mag te-ten na. May pasok pa 'ko.

" Anong gagawin natin sa bahay niyo? Waaaaaaaaahh... kikidnapin mo ba 'ko? Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo na mayaman kami at pwede kang makulong sa pagkidnap sa akin "

Tumawa siya ng pagkalakas lakas.

" Iba ka talaga Astra. No wonder, malakas tama ni Theo sa'yo. "

" Ano ba kasing gagawin natin sa bahay niyo? "

" Kukunin ko lang yung stick ng drum ko, mag papractice tayo mamaya para sa festival. "

" Ah.. ok yun lang pala... " nagloading muna sa isip ko yung sinabi niya. Mga 5 secs. lang naman, di naman ako masyadong slow. Konti lang..

" Anong sabi mo? Tayo may practice para sa lantern festival. ???? " gulat na tanong ko.

" Oo. " tipid niyang sagot.

" Pano ako natanggap? Eh wala pang audition a?? "

" Nag-audition kana, kanina nina lang. "

Hinarap ko si Dion.. " pwedeng sumigaw??? Uwaaaaahhhh! Kyaaaaaaah!!! Unbilababelssss! Thank you Diooooon! " ang saya saya, hindi dahil natanggap ako para sa lead vocalist ng banda ni Dion pero kasi, maririnig na ako ni Baby Khai na kumanta. *u* baka sakaling mainlove siya sa akin pag narinig niya ang golden voice ko,  ehemeged!! This is it! Oras na para i-show ko through my voice ang pag-ibig ko para sa'yo baby Khai, my loves so so so sweet (*3*)

Umiling iling lang naman si Dion, nagtungo kami sa isang mala mansionic na bahay. Huwaw! ($_$) so ganda naman ng house nito. Parang bahay lang este mansyon ni Gu Jun Pyo sa Boys Over Flower. Ilan kaya silang nakatira diyan? Nagkikita kita pa kaya sila sa loob ng mansyon na yan (+_+) Oa na kung Oa pero malaki po talaga bahay nila.

Ipinark ni Dion yung kotse niya sa tapat lang ng bahay, inaya niya akong pumasok. Siyempre go naman ako, sayang effort niya ng pag aya kung hindi ako sasama XD

Pagpasok namin akala ko may mga maid na sasalubong sa amin, akala ko lang pala. Parang wala ngang tao dito e -_-, ang tahimik pa. Kaya siguro ang weird ni Dion, baka na babaliw na siya kasi lonely is the night and day lang siya sa mansyon na 'to XD

Sumusunod lang ako sa kanya. Pumasok kami sa isang kwarto. Ang ganda, ang linis. Kwarto niya siguro 'to, may bed kasi. Hindi ganun kalaki, yung kasya lang siya not like sa bed ni Theo. Pumasok si Dion sa isa pang pinto sa loob ng kwarto.

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now