Out of Reach : Chapter 12

5K 58 8
                                    

Out of Reach : Chapter 12

Ang pangarap walang tax yan. Kaya mangarap ka lang hanggat gusto mo.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" San mo gusto? " sa puso mo.... hahaha! De joke lang. As if naman kaya kong sabihin sa kanya yan. In my dreams oo! Pero sa reality, nah! Never mind. Mamaya mapahiya pa ako sa kanya, edi sinira ko lang ang date namin! Eto kasing Khai na 'to. Halikan kita diyan e! Ewan ko lang kung hindi ka pa mainlove sakin. Charowwt!

" Dun tayo.... " sabay turo ko sa ice cream shop na nasa loob din ng SM. Naalala ko tuloy nung last na kumain ako ng ice cream kasama ko pa si Bakulaw na Theo, hahaha! Kabanas lang yung araw na yun. Araw ng kamatayan ng puso ko yun eh, hindi pa ko sanay na makitang sweet si Hyuri kay Khai nun. Kasakit lang kaya. At tsaka isa pa. Iyakin ako. Bwisit na lacrimal glands e! Produce ng produce ng luha! Pwede namang iihi ko na lang o kaya I pawis! Rrrrr...

Pero wait teka! Hindi pala yun yung last time. Ang pinaka last pala e yung time na humingi ng tulog sa akin si Khai sa pagligaw kay Hyuri :( bwisit na buhay naalala ko pa tuloy!

Speaking of Bakulaw. Hindi pa nagpaparamdam si Theo mula kanina, problema kaya ng bakulaw na yun? Okey na din yun, atleast walang asungot sa date namin ^___^

May mga crew na bumati sa amin pagpasok na pagpasok namin sa loob. Hmmmm.... ang bango, naamoy ko na yung mga flavor ng ice cream.  (*o*)

" Upo ka na dun, ako na lang oorder. Ano palang gusto mo. " Ikaw. Ikaw kaya gusto ko! Isa pa Khai! Isa pang tanong, sasagutin na talaga kita.

" Ah. Hmmm... yung matamis. Siguro yung double dutch na lang. " naghanap na ako ng upuan namin. Dun ko napili sa tabi ng glass wall, yung makikita ka pa din kami ng mga taong naglalakad sa mall. Aba! Pag may nakakita sa amin. Atleast may ebidensya ako na nag date talaga kami ni Baby Khai. Talino mo talaga Astra! Bilib na ko sa taas ng IQ level mo! ^____^

Habang naghihintay, tinitignan ko din yung mga taong naglalakad sa labas. Ang galing ang dami palang pumupunta dito sa Star Mall. Hindi ko maimagine na darating ang araw na ako naman ang mag mamanage nito. Sana sa araw na yun, asawa ko na din si Baby Khai para mas masaya ang life. Kung bakit ba kasi kailangan inlove na siya kay Hyuri nung nakita ko siya :( kung bakit ba naman kasi late akong dumating sa life niya. Bwisit! Busit! Rrrrrrr....

~~

Nasa grocery ako nun, dito din sa Star Mall, kasama ko sina Mommy and Daddy, tumitingin kami ng pagkain na pwedeng kainin, naubusan kasi ng stock yung refrigerator namin. Naalala ko pa yung exact time na nakatayo ako sa stand ng mga orange fruits. It was 10 in the evening that time, natripan ko lang bumili ng ponkan nun, ang sasarap kasing tignan ng mga ponkan sa mga oras na yun. Parang hinihila nila ako,  Hehe.

Wala yung salesman sa stand ng ponkan, tapos ang ginawa ko pumasok ako sa loob ng stand, parang tipong ako tuloy yung nagtitinda, wala e... batas ako dito haha! Lewl~ habang namimili ako, naramdaman kong may namimili mili din, mag-isa niya lang din tulad 'ko. Maya maya lang nagsalita siya.

" Excuse me.? How much is this.? " tumingin ako sa paligid ko, wala namang ibang tao. Hindi ko siya pinansin at hindi ko din siya tinignan. Baka hindi ako yung kausap, wag assuming. -,- baka ikamatay ko ang pagka assuming ko >_>

Tuloy lang ako sa paghalungkat ng mga ponkan, ginawa ko na ngang ukay ukay 'tong ponkan sa kakapili ko, to think na halos parehas lang silang lahat.

" Miss, magkano 'to? Wala kasing price na nakalagay. " sa pagtawag niya sa akin ng Miss, nakuha niya ang attensyon ko, ako lang naman yung Miss dun, e wala nga kaming ibang kasama..

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now