Out of Reach : Chapter 22

4.8K 55 8
                                    

Out of Reach : Chapter 22

Kung kasalan ang maging good looking. Wag kang mag-alala wala kang kasalan.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=


" Ang ganda niyo Ma'am *o*. Kyaaah!!! Grabiii naman! You're so nakaka po! " komento ng isa sa mga maid namin habang nangniningning ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. Kasama ko siya ngayon dito sa loob ng kwarto ko.


" Hindi ba ko mukhang mahuhubaran dito? " -__- naman kasi kung minamalas ka nga naman, kainis naman kasi yung Theo na yun! Kung inexplain niya sa akin ng maaga na kaya pala kami pumunta sa dress shop na yun e para may suotin ako sa party nila Hyuri, edi sana hindi ako magkakaganito ngayon =_=


" Kyaaaah! Ma'am you're so…! you're so nakaka po! " medyo parang kinikilig kilig pa niyang sabi.


" Ha? Anong nakaka.? " gulo kausap ni yaya -_- dalaga kasi 'to pero 30 years old na. Ganyan siguro talaga pag matandang dalaga...


" Ma'am!!!. They will laway laway if they saw you. Ma'am! You're so sexy sexy!!! "


Tinignan ko ang itsura ko mula ulo hanggang paa. Huhu! Magpapalit na ata ako ng damit. Hindi ko tanggap 'tong nadampot kong blue dress. Napaka daring >_< above the knee dress, tapos hapit sa katawan ko. Ang masakit backless pa!!! Hindi masyadong backless pero kita pa din likod ko kasi backless siya! Basta backless siya!


" Ma'am you go down na po. Si Poging Theo is there na kanina pa ihhhhh……… " si yaya feeling bagets >_> kaya minsan ayaw ko kausap 'to. Trying hard pa mag english mas nakaka nosebleed pa siya kesa sa mga british teachers ko.


Huminga muna ako ng malalim at muling tinignan ang sarili ko sa full body length mirror. Shezzz! Astra! Maganda ka okey! Sexy ka pa!


Pinauna ko ng palabasin si Yaya. Last glimpse. Naka ayos ako ngayon. At hindi ako sanay =_= wavy hair plus make up. Pakana 'to ni Mommy… at hindi ko alam kung anong nangyari kay Mommy at parang naging mabait siya. At kay Theo pa >_> e sa totoo lang, si Mommy ang dahilan kung bakit limited lang ang mga kaibigan ko. Ayaw niya kasi ng hindi namin kauri. Yung hindi mayaman katulad namin. Kaya hirap akong makahanap ng totoong kaibigan.


Bumaba na ko. Mula dito nakikita ko na si Theo na kausap si Daddy. Bakit ganun -_- bakit ang bilis niyang maka close ang mga parents ko! May potion sigurong ginamit 'tong si Theo <_< bakulaw talaga! Hmp!


Naalala ko tuloy bigla yung nangyari kanina nina lang!


" I'm here to ask your permission. I want to date your daugther. "


Feeling ko mababaliw ako sa mga nangyayari! Anong pinag sasabi ng Theo na 'to! Gusto na ba niyang mamatay sa ginagawa niya! Padalos dalos siya! Tsaka andiyan si Mommy! Dragon yan pag nagalit! Dragon na nag eevolve sa witch! Huhu nakakatakot kayang magalit si Mommy >__<


Nagulat ako sa biglang reaksyon ni Mommy. Nakangiti kasi siya towards Theo, pati si Daddy! anong nangyayari!????? Kailangan ko na bang huminga ng maayos. Hindi sila galit!??? O imahinasyon ko lang ang lahat na ito.


" I want to date her for tonight. " dagdag pa ni Theo. Ni hindi ko man lang naramdam na kinakabahan siya sa boses niya. Samantalang ako pag kausap ko si Mommy halos manginig nginig na ako sa takot. Sabagay bakit nga naman siya kakabahan e nakangiti si Mommy sa kanya. Ganda kaya ni Mommy pag naka smile. Kaya mana ako diyan e ^___^


" Too fast iho ha. Okey then, Just make sure to take good care of our daugther. " sagot ni Mommy na ikinagulat ko. Ganun na lang yun!!!??? Pinamimigay na ba ako ni Mommy kay Theo! Hindi katanggap tanggap! Isang Theong Bakulaw na Moody Monster mapapaamo si Mommy!? Kailangan ko na bang maniwala sa kapangyarihan ng mga bakulaw!? Hmmm…… naman eee!!!!


Out of Reach [ COMPLETED ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora