Out of Reach : Chapter 29

4K 50 9
                                    

Out of Reach : Chapter 29

Kahit sobrang moody mo! Iintindihin kita. Kasi mahal kita...

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

Vacation! Yan ang pinaka hinihintay kong araw tuwing pasukan. Ang mag bakasyon! Kahit nga kapapasok ko pa lang bakasyon na agad ang hinahanap ko -.- ganyan ako kasipag wag na kayong magtaka. Mwahaha!

Dalawang linggo mahigit na din ang lumipas, sa totoo lang hindi ko alam kung anong nangyari sa amin ni Theo... No phone calls, or kahit text messages man lang, ang sama talaga ng ugali nun! Sabi niya siya lang daw ang sasalo sa akin! Kainis! Malaman ko lang na nambabae siya ipapakain ko siya kay Hulk!!!!

After kasi ng Christmas Ball ang huli naming pag-uusap. Nakakainis lang kasi kahit nung pasko hindi niya ako binati... nag text ako pero walang reply.

Magbabagong taon para akong namatayan ng istupidong aso. At ang asong yun ay si Theo! Nakakainis talaga! Bakit ba kasi ako naiinis!? Kasi nga gusto ko na si Theo!!!! Waaaahhh. .. no! No! No! Erase erase >__< hindi ko siya gusto! Ang feeling niya! Bahala siya sa buhay niya! Akala niya namimiss ko siya! Pwes...! Konti! Konti lang naman atleast hindi madami.

Binato ko yung unan sa kama ko at nagtalukbong. Ilang oras na lang bagong taon na.. pero ang panget panget ng pakiramdam ko. Kasing panget ng Bakulaw na yun!!!

May kumatok sa pinto, I didn't bother to answer. Sigurado si Eigthan yan, buti pa si Eigthan lahat na ata ng klase ng panliligaw nagawa niya! As in! Chocolates with matching Star gazer na flower everyday! Imagine that!? Hoho! Oo! Imagine! imagimation ko lang talaga haha lol XD

Barnuts everyday yung dala niya plus santan (_ _") nung first time niya kasing natikman yung barnuts sobrang natuwa siya. At take note! Ako pa nagpatikim sa kanya nun! Tapos yung santan, dahil sa marami akong ka ekekan sa buhay, pinatikim ko din sa kanya yung katas at nagustuhan niya ulit... kaya yun everyday na lang may dala siyang ganun. Everyday kasing pumupunta sa bahay si Eigthan.

" Princess are you sleeping?? "

Hindi ako sumagot. Naramdaman kong umupo siya gilid ko, nakapikit ako ngayon at nakalitaw ng konti ang mukha ko.

Hinaplos ni Eigthan yung pisngi ko. Nakiliti ako sa ginawa niya pero hindi ako nagpahalatang gising at nakikiliti of course.

*sigh* dinig kong buntong hiningi niya. Ang laki ata ng problema ni Eigthan ... naging tahimik ng ilang minuto, hindi pa din umaalis si Eigthan. Gumising na kaya ako.?

Balak ko ng dumilat ang kaso biglang nagsalita si Eigthan.. " I heard my Mom talking with Dad last night. Nahihirapan ako Princess, I'm still young to carry a huge responsibility like that. I'm not ready to commit to someone else, to someone I didn't like. "

Ano bang pinagsasabi ng Eigthan na 'to? Nag jojoke ba siya? Pero hindi e, ngayon ko lang narinig si Eigthan na parang nahihirapan talaga siya. Ganun na ba ako ka dense para hindi ma feel ang hirap na dinadala ni Eigthan? >__< anong klase kong kaibigan?

" Babalik na ko ng ibang bansa next week. At pagbumalik ulit ako ng Philippines, baka kasama ko na siya. The girl my Mom and Dad chose for me. I know its funny, me marrying someone I didn't know? How ridiculous... " dagdag pa niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Magpapakasal siya!? Pero bakit? Tsaka hindi naman problema sa kanila ang pera a! Mayaman sila Eigthan..

" Eto siguro talaga ang bigat ng responsibilidad ng isang panganay sa pamilya. Napaka Clichè.... "

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now