Out of Reach : Chapter 55

2.9K 57 3
                                    

Out of Reach : Chapter 55

Status : It's complicated

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

Astra

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, the feeling was unexplainable, first time kong maramdaman ang sakit na 'to na parang hahatiin sa dalawa ang ulo ko. Sinubukan kong umupo sa bed, hindi ko pa nabubuksan ang mga mata 'ko, sigurado na 'kong wala ako sa kwarto ko, the scent of the room is so manly, malayong malayo sa amoy ng bedroom ko.

I tried to open up my eyes in a slow manner, sa una parang umikot ikot pa ang mundo ko. Ano bang ginawa ko kagabi at nagkaganito ako!? Dahan dahan naman lumiwanag ang paningin ko at bumungad agad sa akin ang isang napakalaking tv. Medyo hindi na ako nagulat, alam ko kasing wala talaga ako sa bedroom ko. Ang tanong! Nasaan ako?

Agad kong kinapa ang mukha ko, buo pa naman ito ang kaso may masakit sa bandang labi ko, parang nasugat, nakipagsuntukan ba ako kagabi? Asar! bakit wala akong matandaan!? Sinunod kong kinapa ang katawan ko, baka kasi wala na akong suot.

" Thanks God! I still have my shirt. " halos makahinga ako ng maluwang na may suot pa din akong damit, ang pinagtataka ko lang ay bakit parang ang luwang.

Tinignan ko ang suot kong shirt, at halos malanki ang mata ko na hindi sa akin ang t-shirt na suot suot ko. Agad ko namang tinaas ang kumot na nasa ibaba ng katawan ko at…......

" AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!! " sigaw ko ng makita kong nakasuot ako ng pambaba ng lalaki. I mean not the brief!!! Pero boxer shorts!

Bigla na lang may pumasok na lalaki sa kwarto, at halos lumawa ang mata ko ng makita kong naka boxer shorts lang din siya! His half naked! I can totally see the 4? 6? or 8? Geez! At nagawa ko pang magbilang ng abs!

" ANONG GINAWA MO SA AKIN!? " pasigaw kong tanong.

" Psh.. akala ko na rape kana sa paniginip mo. " sabi niya at napakamot pa siya sa batok niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya, hindi ibig sabihin na may abs siya ay maganda na ang hubog ng katawan niya, kahit ilang abs pa ang meron siya ang panget pa din ng katawan niya!

" Magdamit ka nga! At bakit ganito na ang suot ko!? " sabi ko ng nakayuko! Asar! Wala ba siyang awkwardness na nararamdaman! Kung iparada niya lang ang katawan niya! Urgh! Ang panget!

Bigla siyang bumalik sa labas, agad din naman siyang bumalik at may shirt na siyang suot suot, nasa tapat lang siya ng pinto at parang takot na takot siyang lumapit sa akin. " Don't worry hindi kita ginalaw kagabi, you were drunk last night and I don't know where to bring you so I brought you here, at yung damit mo kagabi, sinukahan mo lang naman. I called one of the employee to change your clothes, and bring your dress in the laundry shop. So I hope that explain everything. " paliwanag niya.

" Kailan ka pa natutong maglasing? " habol niya pang tanong.

" None of your business. " tipid 'kong sagot. Napa ' Tss.. ' naman siya. Aalis na sana siya nang pigilan ko siya. " Wait, may iba bang nangyari kagabi? I mean... like... hmm? Nakipag-away ba ako? 'Cause my lips are swelling and I can feel some pain on it, parang may sugat. "

" A..a-- ano, I don't know, maybe you bumped yourself to something or in the table or or... tss.. basta hindi ko alam. " mautal utal niyang sabi, sabay alis ng mabilis. Problema nun? Nagtatanong lang, masama bang magtanong?

Urgh! Pero masakit talaga 'tong labi ko, kainis! Hindi na 'ko iinom pa ng alak kailanman!

Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto, uuwi na lang ako, wala naman akong magagawa kung hindi pag tiisan 'tong damit niya, ayaw ko ng magtagal pa dito, baka kung ano na namang kalokohan ang maisip na gawin ng Theo na yun, tch!

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now